top of page
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 14, 2025



Shuvee Etrata

Photo: Shuvee Etrata / IG



Nagtataka ang mga fans at supporters kung bakit biglang nanahimik si Shuvee Etrata. Noong kalalabas lang niya sa Pinoy Big Brother (PBB) House, kabi-kabila ang kanyang mga guestings at interviews. Dumagsa rin ang offer na mga product endorsements. Mabangung-mabango rin si Shuvee sa social media. Lahat ng kanyang kilos at mga kaganapan ay updated ang kanyang mga tagahanga.


Pero nang lumabas ang lumang video clip kung saan nagkomento siya nang pabor kay former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), bigla siyang na-bash. At kahit nag-sorry na si Shuvee kay Vice Ganda nang dahil sa ‘dyodyowain o totropahin’ video kung saan sinabihan niyang ‘Eww’ ito, patuloy ang panlalait sa kanya ng mga bashers.


Well, sabi nga, you cannot please everybody. Dahil sa inggit ng iba sa kanyang tinatamong kasikatan ay hinihila siyang pababa upang bumagsak. 


Maaaring pinayuhan si Shuvee Etrata ng GMA Management na manahimik muna upang hindi siya mapahamak. Sobra kasing nagpakatotoo ang aktres, at ito ang ginagamit na panira sa kanya.


Sabi nga, less talk, less mistakes. Kaya tahimik na ang mundo ngayon ni Shuvee Etrata pero hindi ito nangangahulugan na sumusuko na siya. Magpapakatatag siya sa lahat ng pagsubok para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya.



NAGULAT si Kathryn Bernardo nang malaman na nag-venture ang kanyang Mommy Min sa pagpo-produce ng pelikula. Isa si Mommy Min sa mga producers ng UnMarry, isang pumasok na pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025. Ang Quantum Films ang major producer ng UnMarry, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.


Maging si Atty. Joji Alonso ay hindi makapaniwala na papasukin ni Mommy Min ang pagpo-produce ng pelikula, marami na kasi siyang negosyong naipundar. 

For sure, masusundan pa ang mga pelikulang ipo-produce ng mom ni Kathryn. May sarili naman siyang pera at gamay na rin niya ang mundo ng showbiz at baka sumosyo rin siya kung may movie na gagawin si Kathryn Bernardo sa ibang movie outfits.


Negosyo rin naman ang pagpo-produce ng pelikula at hindi naman pagsisisihan ni Mommy Min Bernardo ang kanyang pagko-co-produce ng pelikulang UnMarry.



Ex mo, Barbie, todo-deny…

JAK, OBYUS NA IN LOVE PERO ‘DI MAAMIN SI KYLIE



AYON sa Kapuso actor na si Jak Roberto, hindi raw mahirap mahalin ang isang katulad ni Kylie Padilla. Napaka-genuine raw ng aktres at hindi plastic sa mga taong nakakasalamuha, kaya naging magaan ang kanilang pagtatrabaho sa katatapos na afternoon soap ng GMA-7, ang My Father’s Wife (MFW).


Nali-link ngayon sa isa’t isa sina Kylie at Jak, super sweet kasi sila sa taping. Maging ang kanilang mga co-stars sa MFW ay lagi silang tinutukso dahil mistulang lovers silang hindi na naghihiwalay.


Ganunpaman, nang mag-guest si Jak Roberto sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), itinanggi niya na nililigawan niya si Kylie Padilla. Hindi napaamin ni Abunda ang aktor sa real status ng kanilang relasyon ni Kylie. 


Pero base sa kanilang body language kapag magkasama, may something special na mapapansin kahit walang pag-amin na nagaganap.


At obvious din sa mga kilos ni Jak Roberto na may kakaiba siyang saya kapag kasama ang ex-wife ni Aljur Abrenica. So ang tawag kaya doon ay M.U. (mutual understanding) lang sila ni Kylie Padilla?

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 5, 2025



YT YouLoL

Photo: YT YouLoL



Bukod kay Ogie Alcasid, isa sa magiging special guests sa 30th anniversary episode ng Bubble Gang (BG) ay si Vice Ganda. Kaya inaabangan ito ng mga loyal viewers kung magbe-blend ang comedy ni Vice sa kinagisnang comedy ng cast. 

Swak kaya ang brand of comedy nina Michael V. at Vice Ganda?


Espesyal at napaka-warm ang pag-welcome kay Vice Ganda sa BG at kakaibang experience ito para sa kanya dahil makakatrabaho niya ang mga OG cast ng longest-running gag show sa telebisyon. 


Kung sanay si Vice sa pagiging stand-up comedian, si Michael V. naman ay bihasa sa sitcom at gag show.


Samantala, labis na ikinagulat ng cast ng BG ang tsikang tumawag ang staff ni Sarah Discaya sa GMA-7 at humihiling ng face-off kay Michael V. Aliw na aliw daw si Sarah nang mapanood sa BG ang pag-spoof ni Michael V. sa kanya bilang si “Ciala Dismaya”.


Tiyak na riot ang mga eksena kapag nag-face-off sina Sarah Discaya at ‘Ciala Dismaya’ sa Bubble Gang.


‘Di raw madali ang halos 8 yrs. na relasyon…

AIKO, 4 BUWAN PINAG-ISIPAN ANG BREAKUP KAY CONG. JAY KHONGHU


LABIS na pinanghinayangan ng mga netizens ang paghihiwalay nina Aiko Melendez at Congressman Jay Khonghun. 


Almost 8 years ding tumagal ang kanilang pagmamahalan at maraming pagsubok silang nalagpasan. 


Naging malapit si Cong. Jay sa dalawang anak ni Aiko na sina Andre at Marthena, kaya inakala ng lahat na tatagal at magiging matatag ang kanilang relasyon.


Parehong public servant sina Aiko at Cong. Jay. Konsehala ng 5th District ng Quezon City si Aiko, habang congressman naman ng 1st District ng Zambales si Jay. 


Ayon na rin sa inilabas na statement ni Aiko Melendez, hindi naging madali ang desisyon niyang tapusin ang relasyon nila ni Cong. Jay. Apat na buwan niya itong pinag-isipan at tinimbang ang lahat. Maayos ang kanilang paghihiwalay at walang third party involved. 


Sa isang hiwalay na interview, nilinaw ni Konsehala Aiko na sa loob ng mahigit 7 taon na kanilang relasyon ni Cong. Jay, hindi sila nag-live-in. May sariling bahay ang aktres sa QC at dito siya nakatira kasama ang dalawang anak. Pumupunta lang siya noon sa Subic, Zambales upang tulungan sa kandidatura si Jay.


Kaya sinagot ni Aiko ang mga bashers na tinatawag siyang kabit o mistress ng congressman. Nang magkakilala sila ni Jay, nasa proseso na ng annulment ang kasal nito sa kanyang ex-wife. Mabagal lang ang naging proseso kaya hindi agad na-annulled ang kasal ni Cong. Jay nang sila ay naging magkarelasyon na.


Well, kahit nauwi sa paghihiwalay, nanatiling magkaibigan sina Aiko Melendez at Cong. Jay Khonghun. Gayunpaman, may ilang nagsasabi na maaaring isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang magkaibang pananaw sa takbo ng pulitika. May nagkomento rin na baka sa sobrang kaabalahan ng aktres sa pagiging konsehala sa Kyusi ay hindi na niya nabibigyan ng panahon si Cong. Jay. 

Ano nga ba?



Ex, may asawa’t anak na…

ANDREA, NA-TRAUMA KAY DEREK, WA’ PA RING BF



MARAMI ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pang ipinakikilalang boyfriend ang Kapuso actress na si Andrea Torres. 


Maganda naman ito, sexy, sweet at disente. Malakas ang karisma ni Andrea at hindi happy-go-lucky girl. Puwede siyang ipagmalaki ng kahit na sinong lalaki na makakarelasyon niya.


And yet, mukhang na-trauma sa pag-ibig si Andrea nang mag-break sila ni Derek Ramsay. Nagpakasal at nagkaroon na ng anak si Derek kay Ellen Adarna, pero si Andrea ay wala pang bagong pag-ibig. 


May ilang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa nali-link sa kanya noon na isang rich businessman na foreigner. Medyo may-edad nga lang ang guy, pero magiging maganda ang future ni Andrea kung ito ang kanyang pakakasalan.


Sey naman ng ilang netizens, baka may love life si Andrea pero gusto niyang maging pribado kaya hindi niya ito ipino-post sa social media. Deserve naman ni Andrea Torres ang lumigaya sa pag-ibig, pero may kani-kanyang panahon ang lahat. 


Nalilibang naman ang aktres dahil aktibo na naman siya sa kanyang showbiz career. Napapanood siya sa seryeng Akusada ng GMA-7.



NAIPAAYOS na ni Alex Gonzaga ang kanyang ilong kaya kampante siya sa bagong hitsura. Bumalik na sa dati ang korte ng kanyang ilong kaya hindi na siya nag-aalala pa. 


Nagbiro si Alex na ang isusunod naman niyang ipagagawa sa Belo Clinic ay ang enhancement ng kanyang boobs, isang bagay na hindi pinayagan ng kanyang mister na si Lipa Vice-Mayor Mikee Morada.


Hindi kailangan na maging ‘boobsie’ si Alex dahil tanggap naman ng kanyang mister kung ano ang hitsura at pagkatao niya. 


Samantala, hindi na gaanong nape-pressure ngayon si Alex kapag natatanong tungkol sa pagbubuntis. Malaki ang pananalig niya sa Diyos at naniniwala siyang ipagkakaloob sa kanila ni Mikee ang idinadasal nilang ‘little bundle of joy’ sa tamang panahon.


Naririyan naman ang mga anak ng kanyang Ate Toni Gonzaga na sina Seve at Polly na puwede niyang hiramin kapag nasa mood siyang maging tita o yaya.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 28, 2025



FB / Ashley Ortega

Photo: FB / Ashley Ortega



Ang laki ng ipinagbago ng personalidad ngayon ng Kapuso actress na si Ashley Ortega. Umaapaw ang kanyang self-confidence at nagkaroon ng kakaibang aura pagkatapos niyang maging house guest sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Si Ashley ang itinuturing na BFF ni Shuvee Etrata.


Sa kanyang mga guestings at interviews, positive things na lang ang gusto ni Ashley na pag-usapan. Kaya nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), hindi na siya nag-comment tungkol kay Kyline Alcantara at sa dating relasyon nito kay Mavy Legaspi na BF niya ngayon.


Basta happy si Ashley sa closeness niya kay Mavy at sa pamilyang Legaspi.

Aminado si Ashley na may mga bashers na nagkakalat ng maling tsismis sa kanya. Inakusahan siyang p*kpok at may ‘DOM’ (dirty old man) kaya afford niya ang mga luxury items. 


Itinanggi ito ni Ashley Ortega dahil ang lahat ng kanyang naipundar ay kanyang pinaghirapan, at wala siyang sponsors.



EXCITED na si Ogie Alcasid sa kanyang guesting para sa 30th anniversary ng Bubble Gang (BG). After 12 years ay magre-reunion sila ng BFF niyang si Bitoy (Michael V.). 


Taong 2013 nang iwanan ni Ogie ang BG at pumirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Nagmarka sa BG ang team-up nina Ogie at Michael V. bilang Yaya at Angelina — si Bitoy ang yaya at si Ogie ang bratty niyang alaga. 


May ilang viewers ng BG ang nagre-request sa GMA Network na sana, bukod kay Ogie ay i-guest din sa 30th anniversary sina Rufa Mae Quinto, Ara Mina, Wendell Ramos, Antonio Aquitania at Sef Cadayona.


Samantala, pumalo na ng mahigit 3 milyong views ang ginawang parody ni Michael V. tungkol sa Discaya couple na sangkot sa flood control scandal ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Maraming humanga sa pagiging henyo ni Michael V. na gumawa ng parody ni Sarah Discaya bilang si Ciala Dismaya. Maging si Ogie Alcasid ay tumawag kay Bitoy nang mapanood niya ang parody na ikinatuwa niya.



Bukod sa bahay sa Australia… DREW AT IYA, MAY REST HOUSE NA SA TANAY, RIZAL



MALAPIT nang buksan ang Casa Arellano, ang rest house nina Drew Arellano at Iya Villania na nasa Tanay, Rizal. Mala-Baguio at Tagaytay ang ambiance ng rest house at tiyak na magugustuhan ng mga bakasyunista na naghahanap ng malamig at tahimik na kapaligiran. 


Balak nina Drew at Iya na ipa-rent sa mga bakasyunista ang kanilang rest house sa Tanay for extra income.


Magaling humawak ng pera ang mag-asawang Drew at Iya. Simple lang ang kanilang lifestyle kaya nagagawa nilang makaipon at makapag-invest ng mga properties. May apartment na rin sila sa Sydney, Australia. 


Doble ang sipag ngayon nina Drew at Iya dahil may lima silang anak na dapat itaguyod.

Kumikita sila sa kanilang mga endorsements kasama ang kanilang mga anak. May regular show din si Drew sa GMA-7, ang Biyahe ni Drew (BND) na napapanood tuwing Linggo ng gabi, 6:15 PM sa GTV. Si Iya Villania naman ay may segment na Chika Minute sa 24-Oras.



ALL-STAR cast ang pelikulang Kontrabida Academy (KA) na idinirek ni Chris Martinez. Bibihira ang ganito kalaking casting ng pelikula na napagsama-sama ang magagaling na kontrabida sa movie industry. 


Kasama rito sina Celia Rodriguez, Jean Garcia, Gladys Reyes, Pinky Amador, Odette Khan, Rez Cortez, Michael de Mesa, Baron Geisler atbp..


Kakaiba rin ang istorya ng KA dahil mistulang acting workshop ang takbo ng kuwento. 


Nasa lead cast ng movie sina Eugene Domingo (Uge), Barbie Forteza at Jameson Blake. 


Tinitiyak ni Uge na maaaliw ang mga manonood ng kanilang pelikula sa Netflix.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page