top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 29, 2026



BIDA - KIM, TAMEME SA KALAT NA BUNTIS NA SIYA KAY PAULO-FB Circulated

Photo: FB / Circulated



Puson naman ni Kim Chiu ang pinagtuunan ng pansin ng mga netizens dahil sa mga latest photos nito, napansin na medyo may umbok ito.


Sabi ng isang comment, “Pregnant or just bloated? Here are the clips. For those who said in the previous post that the images were manipulated. Sorry, Kimmy, if you just ate a lot.”

Naglatag nga ng different photos ang fan bilang ebidensiya na medyo malaki nga ang puson ni Kimmy. 


Kinilig ang mga KimPau fans nina Kim at Paulo Avelino sa isyung ito at feeling nila, kung buntis nga ang aktres, si Paulo ang ama.


Kaya lang, ang tingin namin, hindi dahil buntis kaya nagkaumbok ang puson ni Kim. Tama ang nag-comment na baka naparami lang ang kain nito at pagkatapos kumain ay nakunan agad ng litrato.


May ilang KimPau fans din ang hindi naniniwalang preggy si Kim. “Tumaba po si Kim kaya medyo lumaki ang puson,” comment ng isang fan. 

Sinundan pa ito ng comment na, “Napaka-conservative ni Kim, imposible naman ‘yang iniisip n’yo.” 


May humirit pa ng “Funny, ‘pag pala sobrang sikat ang tao, kahit nakatago, nakikita. Medyo tumaba lang, buntis na. ‘Di lang naman ngayon itsinismis na buntis si Kim, kaya lang ‘di nanganak.” 


May galit na comment din, “Si Kim Chiu naman ang nakita.”

After Sarah Geronimo, si Kim naman ang nabalita at pinag-uusapang buntis. 

Wait natin ang reaksiyon ng aktres sa It’s Showtime (IS).





PALABAN ang bagong VMX (Vivamax) star na si Astrid Lee na muling magbibida sa VMX Original na Daddy’s Girl (DG)


Sa mediacon ng pelikula, nabanggit na open siya sa more daring scenes gaya ng frontal nudity kung kailangan sa eksena.


Ikinuwento pa nito na may eksena siyang kalahati lang ang plaster na ginamit at naalis pa raw ito. Hindi ma-imagine ng press kung gaano kalaki ang kalahating plaster at kung ano’ng parte ng private part niya ang natakpan ng kalahati.


Marami pang pasabog si Astrid sa presscon gaya ng nabanggit na gusto niyang makatrabaho sina Albert Martinez at Sid Lucero, but more on Albert. Crush pa nga yata nito ang beteranong aktor dahil kinilig nang banggitin ang pangalan ni Albert.


Gaya ng ibang VMX star, dream din ni Astrid na makatawid sa paggawa ng movies sa Viva Films. 


“Kahit naman sino, gusto ring makagawa sa Viva Films at alam kong darating din ‘yun. Pero, ‘di ko iiwan ang VMX. Iba ang samahan ng VMX stars,” sabi ni Astrid.





KUNG pakikinggan ang reels post ni Bela Padilla tungkol sa first time niyang theater project, ramdam ang saya at excitement nito.


“I’m very excited. For the first time, I’m gonna be onstage. I’m very happy that I was chosen to be part of this. But also, I’m not gonna lie, I’m also nervous. I am among the greats and veterans in the theater world. I know it is scary. I’m excited. For the first time, I’m gonna be onstage,” ayon kay Bela.


Kasama si Bela sa cast ng People, Places & Things (PP&T), to run at The Black Box at The Proscenium Theater, Rockwell, Makati on August 15 and 16, directed by Sab Jose.

Hindi lang ang stage play ang aabangan ng mga fans kay Bela dahil sa September, showing ang movie nila ni Maricel Soriano na Life After You (LAY)


Maganda ang teaser na inilabas ng Viva, eksena ng dalawang aktres at may friction kaagad. Looking forward na ang mga fans na mapanood ang nasabing pelikula sa direction ni Marla Ancheta.


Nagkasama na sa pelikulang Bahay Kubo (BK) sina Maricel at Bela. Mas bida sa nasabing pelikula si Maricel. Dito sa LAY, silang dalawa ang bida.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | July 28, 2026



WINNER - RESTO NI SAY ALONZO, NASUNOG-IG _sayalonzo

Photo: IG _sayalonzo



Na-trauma ang ex-PBB housemate na si Say Alonzo sa pagkasunog ng kanilang restaurant. Hindi raw niya agad matanggap ang nangyari. Kaya humiling si Say na ipagdasal sila sa dagok na ito, hindi lang ang kanyang pamilya kundi pati na ang kanyang mga empleyado.


“It’s really hard to accept what happened but we have no choice but to move on and plan what we will do next. Please pray for all of us at @aidaliciousarcadia so we can get back on our feet, especially for our team who really needs to work for their families,” caption ni Say sa kanyang Instagram (IG) post.


Nauna rito ay pinasalamatan ni Say ang mga nag-alay ng panalangin para sa kanila at ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya.


Kuwento ni Say, “I haven’t been to the site. I was with the kids at home yesterday and I’ve only seen the videos from the news. Each video made me cry and those videos are still making me cry.


“Ryan and I couldn’t sleep at all last night even if we took melatonin but I think it will take weeks or months before we get a good night’s sleep again.


“After Sunday mass, we usually pass by for inasal takeout but today, it was different. I cried in mass, and the kids told me if we could please not pass by the restaurant because they don't want to see it. Ryan and I don’t want to see it either. It's like seeing your hard-earned money and dreams burned.

“I actually don’t know when I will be ready to see it.


“Between me and Ryan, he is the strong one. He told me not to look at social media muna pero ang hirap kasi. It is my work. Mag-focus daw muna ako sa things I like to do.”


Promise ni Say, muli raw nilang bubuksan ang resto nilang nasunog kapag okey na ito.


Saad ni Say, “Anyway, don’t you worry, we will be back stronger! When that time comes, I hope all of you will still be here to support us (smile emoji). For the meantime, please pray for us. Hope things will be better for us, soon!”

Nakaka-sad naman. 





NAGKALAT ang mga pictures ni Sarah Geronimo showing signs ng possibility na preggy na siya. 


‘Yan ang ipinu-push ng mga faney niya sa latest photos and videos niya na lumabas kasabay ng kanyang 38th birthday.


Pansin agad ng mga faney ni Sarah ang katawan ng singer sa birthday dinner niya with her in-laws pagkatapos kumalat ang video na kuha sa celebration.


Nagkalaman na raw ang katawan ni Sarah, lumalaki raw ang balakang at puwet niya.

Sey ng mga netizens…

“Oooh, buntis na?”


“Sana, may maternity shoot soon.”


“It’s time na mabuntis na. Matanda na si Sarah, baka mahirapan nang mabuntis ‘pag pinatagal pa.”


Lalong kinilig ang mga fans ni Sarah sa ipinost na birthday greeting para sa kanya ng mister niyang si Matteo Guidicelli sa Instagram (IG).


“Happy birthday, my love! This will be the best year ever,” matamis na pagbati ni Matteo.

Naniniwala ang mga fans at netizens na malaking senyales na raw ang sinabi ni Matteo na true ang tsikang buntis na si Sarah.

Abangan!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 28, 2026



TEKA NGA - VICE, CHARITY ANG PAMBAWI SA PANLALAIT NG KAPWA-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Marami ang nagsasabing hindi sapat ang ginawang pagso-sorry ni Vice Ganda (VG) sa social media nang ipahiya niya ang isang contestant sa It’s Showtime (IS) na napanood ng milyun-milyong viewers.


Ito ang biro ni VG na hindi katanggap-tanggap dahil malinaw na pambabastos at paghamak ang ginawa niyang pagbuga ng tubig sa mukha ng Baby Dolls member na si Johaira. 


Hindi lang isang beses na ginawa ni Vice Ganda ang ganitong pamamahiya sa IS, tapos ay magso-sorry siya sa kanyang post sa social media.


Porke ba humingi siya ng tawad, kalilimutan na ang damage na ginawa niya? 

Si Vice ang poste ng show kaya hindi siya basta makakastigo ng mga staff. At hindi lahat ay maiintindihan na galing siya sa comedy bar at sanay sa mga jokes na nanlalait sa audience.


Gayunman, hindi sa habampanahon ay nasa rurok ng tagumpay ang isang tao. Pambawi na lang ni VG ang kanyang pagtulong sa charity at pagpapaaral sa ilang kabataan. 


Masarap ang feeling kung ang isang taong sikat ay ipinagdarasal ng marami para sa kanyang kalusugan at kaligtasan dahil wala siyang inaapi at sinasaktan.





Nagpasilip ng gilid ng boobs… KATHRYN, GAYA-GAYA RAW KINA ANDREA AT KYLINE



UMANI ng batikos mula sa mga netizens ang suot na lace shorts ni Kathryn Bernardo nang dumalo siya sa isang event para sa promo ng bago niyang seryeng Someone, Someday (SS). Mistula raw itong pantulog at hindi bumagay sa kanyang jacket. May stylist naman daw si Kath, bakit hindi ibinagay sa edad ng aktres ang kanyang outfit?


Isa pang binabatikos ngayon ng mga bashers ay ang sexy black dress ni Kathryn na may pasilip sa tagiliran ng kanyang boobs. Medyo daring ito, senyales na mature na siya.


Pero may issue na gaya-gaya lang daw si Kath dahil si Andrea ‘Blythe’ Brillantes ang unang nagsuot ng ganoong style. Maging si Kyline Alcantara ay minsan na ring nagsuot ng sexy katulad nito.


Well, for sure, hindi lang nasanay ang mga fans na makita ang ganitong pagbabago sa style ng pananamit ni Kathryn Bernardo. Pero nasa tamang edad na rin siya para sumunod sa uso.





Ibang celebrities, tahimik lang… 

JOSHUA, BUKING NA DDS, CAREER TAGILID



MARAMING fans ang dismayado nang malaman na DDS (Duterte diehard supporter) pala si Joshua Garcia. Maging ang ilang kaibigang artista ay nagulat nang ilantad at aminin niya ito sa pamamagitan ng pag-share ng isang content online. 


Well, may mga netizens na nagtatanong kung makaaapekto ba ito sa career ng aktor. Mauudlot ba ang kanyang pagsikat nang husto dahil isa siyang pro-Duterte?


Malalaman lang ‘yan kung dadalang ba ang kanyang movie projects o mas tatangkilikin ang kanyang mga pelikula.


Hindi naman nag-iisang celebrity si Joshua na maka-DDS. Maraming sikat na personalities ang ganito, pero hindi lantarang umaamin upang hindi ma-bash. Kakaunti lang ang naglalabas ng kanilang totoong political color at mas piniling manahimik na lamang.


Anyway, karapatan naman ng aktor na suportahan ang mga pulitikong gusto niya.





TUTOL ang discoverer at dating manager ni Coco Martin na si Ihman Esturco na pasukin ng aktor-direktor ang pulitika.


Sa mundo raw ng showbiz ay mas lalawak pa ang kaalaman ni Coco at marami pa siyang matutulungan. Marami kasing grupo ang humihikayat ngayon sa kanya na pasukin na ang political arena, pero kanyang tinanggihan. Hindi raw ito ang kanyang linya.


Sa kasikatang tinatamo ngayon ni Coco, tiyak na malaki ang tsansa niyang manalo dahil marami ang umiidolo sa kanya. Milyon ang nanonood noon ng Ang Probinsyano (AP) at Batang Quiapo (BQ)


Tulad ni Robin Padilla, lulusot sa Senado si Coco Martin kung gugustuhin niyang tumakbo sa 2028 election.


Pero sa ngayon ay wala sa agenda ni Coco ang maging pulitiko. Sapat na ang kinikita niya sa showbiz at nakapagpundar na siya para sa magandang future ng kanyang pamilya. 


Marami na rin siyang natulungang mga dating artista na walang projects ngayon. Kapag may bago siyang serye ay isinasama niya ang mga ito upang kumita at magkaroon ng exposure.


Ayaw niya ng magulong buhay sa mundo ng pulitika, masaya na siya sa showbiz. 

Agree naman sa desisyon ni Coco ang kanyang dating manager na si Ihman, na may magandang role ngayon sa bagong serye na Sigabo.


Isa si Ihman sa mga naging guests sa ginanap na Pan de Panitikan sa Kamuning Bakery nu’ng Sabado kung saan nag-deliver ng sarili niyang gawang tula ang aktor at kilala ring activist.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page