top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | August 2, 2026



Stell at SB19 sa Lollapalooza - Circukated Trend

Photo: Stell at SB19 sa Lollapalooza - Circulated / Trend



Gumawa ng kasaysayan ang Filipino all-male group na SB19 bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa prestihiyosong Lollapalooza sa Chicago.


Dinagsa ng libu-libong manonood ang kanilang performance at umani sila ng matinding papuri mula sa international audience. 


Dahil dito, naging trending topic ang P-pop group sa X at iba’t iba pang social media platforms.


Isa sa mga pinag-usapan ng mga netizens ang paghubad ni Stell Ajero ng kanyang pang-itaas habang sumasayaw sa entablado, na ikinatuwa ng kanilang mga fans.

Marami ang nagbalik-tanaw sa pinagdaanan ng grupo noong nagsisimula pa lamang sila.


“Look how confident and happy right now ang aming @stell16_. Proud na proud sa 'yo ang 23-year-old self mo back in 2018,” saad ng isang fan.


May ilan ding nagtanong kung naba-bash ba noon ang grupo.

“Hala, na-bash po ba sila dati?”


Agad naman itong sinagot ng isa pang netizen, “Back in the days na nag-debut sila, maraming mockery, but they surpassed all of it. I mean, look at where they are now.”

Hindi rin napigilan ng mga fans na purihin ang husay ni Stell sa kanyang matataas at malilinis na birit, gayundin ang matinding enerhiya ng buong grupo sa kanilang pagtatanghal.


Marami rin ang humanga sa kanilang pagkakapatiran at sa mahusay nilang pagsagot sa mga tanong ng international media matapos ang performance.


Patunay lamang ito na patuloy na lumalawak ang impluwensiya ng SB19 at ng P-pop sa pandaigdigang entablado.





Kalat na buntis kay Paulo…

KIM, NAG-POST NG VIDEO NA TODO-WORKOUT



Kim Chiu - IG

Photo: Kim Chiu - IG / File



Todo-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram (IG) Stories ng isang video kung saan siya ay nagwo-workout sa kabila ng tsismis na buntis siya sa boyfriend umanong si Paulo Avelino.


Nagsimula ang haka-hakang buntis si Kim matapos mag-viral ang picture niyang malaki ang puson.


May mga blind items din na isang aktor at aktres ang ikinasal sa United States (US). 

Sinasabi rin na ang bagong negosyo ng aktor ay paghahanda para sa kanilang kinabukasan dahil buntis nga raw ang kanyang kasintahan.


Maraming netizens ang nag-ugnay na ang KimPau (Kim at Paulo) ang tinutukoy sa blind item.


Gayunman, nang tanungin tungkol dito sa mga nakaraang panayam, pareho silang nagbigay ng mga hindi direktang sagot.


Sa lumabas na screenshot na nagwo-workout si Kim at sinamahan pa ng video, ipinagtanggol siya ng isang fan na hindi raw siya buntis.


Sagot naman ng ilang netizens, maaaring mag-workout pa rin ang mga buntis, at binanggit pa nila ang ilang female celebrities na gumagawa nito.





Kahit love raw ang isa’t isa, Echo…

JANINE, ‘DI KAYANG TIISIN ANG PANLOLOKO NG DYOWA



IBINAHAGI ni Janine Gutierrez na malaki ang papel ng katapatan sa isang matatag at masayang relasyon.


Sa isang panayam, sinagot ng aktres ang ilang tanong tungkol sa pag-ibig at iginiit niyang ang pagiging tapat ay nagbibigay ng seguridad at lakas ng loob sa magkarelasyon.


“I think loyalty means so much kasi when you know you have someone on your side, when you know you have someone who supports you and is loyal to you, loving, and is always there for you, then mas kampante ka din to take risks and go for your dreams and be brave,” ani Janine.


Inamin din niyang dumaan siya sa karanasang hindi naging tapat sa kanya ang ilang taong naging bahagi ng kanyang buhay.


Ayon sa aktres, mahalagang matutunang huwag gawing sukatan ng sariling halaga ang panloloko o pagtataksil ng ibang tao.


Sey niya, “I guess I learned that if someone is not loyal to you, you shouldn’t see it as a marker of your worth. If someone is not loyal to you, take it as a sign na rin that that’s not the right person for you and you should learn when to let go.”


Para kay Janine, hindi sapat ang pagmamahal lamang upang magtagumpay ang isang relasyon dahil marami ring factors ang dapat isaalang-alang.


Aniya, “Even if you love someone, kung iba kayo ng gusto sa buhay, kung iba kayo ng tinatahak na landas o iba kayo ng idea of your life and your future, then it’s still not gonna work out kahit mahal n'yo ang isa't isa — you have to choose each other.


Dagdag pa niya, isa sa pinakamahahalagang aral na natutunan niya tungkol sa pag-ibig ay ang pagiging present sa lahat ng panahon.


“I learned that love is being there for someone through the good times and the bad times, being honest with each other and wanting the best with each other, and being able to communicate and have a partner sa buhay,” pagtatapos niya.

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 2, 2026



Vice Ganda sa interview

Photo: Vice Ganda / File



Ilang araw nang hindi napapanood ng madlang people si Vice Ganda sa It’s Showtime (IS), kaya marami ang nagtatanong at naghihinala na baka suspended siya at nabigyan ng memo ng management matapos ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga bossing ng show dahil sa insensitive joke ni Vice kamakailan. 


Bakit nga ba walang official statement mula sa show kung ano ang status ni Vice Ganda?

Kung totoo ito, ilang araw ba ang kanyang suspension? Kailan siya babalik?


Well, nairaraos naman nina Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Ryan Bang at Darren Espanto ang show. Pero siyempre, hinahanap pa rin ng mga viewers si Vice na may kakaibang style sa pagho-host ng show.


‘Yun nga lang, minsan ay lumalampas at nakaka-offend sa iba ang mga jokes nila. Nakasanayan na kasi ni Vice Ganda ang pagbibiro na tulad ng ginagawa niya noon sa mga comedy bar. Hindi ito madaling alisin sa sistema.


Well, hindi lahat ay natutuwa at tanggap ang style ni Vice. May guidelines ang mga palabas sa telebisyon na dapat sundin, lalo na ang daytime shows na malawak ang viewership.





Mag-ex, nagbigayan pa ng regalo… 

HEART AT JOHN, HAPPY TOGETHER ULI



MARAMING fans ang natuwa nang makita ang post ni Heart Evangelista habang inaayusan at mine-make-up-an si John Prats. Pati ang mga damit na isusuot nito ay si Heart ang pumipili. 


Sobra ang kanilang kulitan at panay ang sabi ni Heart kay John ng “Ang guwapo mo.”


Minsan ay magkaterno sila ng damit o twinning. 


Ang stylist photoshoot nina Heart at John ay collaboration na kanilang pinlano matapos mag-guest ni John sa Heart’s World (HW).


Medyo hindi komportable ang aktor-direktor sa nasabing photoshoot, pero napanatag na rin nang biruin siya ni Heart.


Sa nasabing special pictorial ay niregaluhan ni John si Heart ng isang vintage camera. Isang necklace na may mga black diamonds naman ang gift ni Heart sa aktor.


Marami sa kanilang mga kaibigan at fans ang kinilig sa mga sweet poses sa kanilang stylist photoshoot. Para raw bumalik sa panahon na naging magka-love team sila.

Inamin naman ni Heart na si John ang kanyang first love.





Nagkadatung lang at sumikat… 

MIMIYUUUH, OBYUS NA YUMABANG NA 



MARAMI ang nakapansin na malaki ang ipinagbago ng vlogger na si Mimiyuuuh nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Medyo may angas na siya kung umasta at magsalita. Hindi na siya ‘yung dating vlogger na simple lang at down-to-earth.


Noon, humanga kami sa sipag at diskarte niya sa buhay. Nabilhan niya ng bahay ang kanyang pamilya mula sa kanyang kinita sa pagiging vlogger.


Marami ang nagulat nang makasama siya ni Anne Curtis sa pag-i-interview sa Hollywood stars na sina Meryl Streep at Anne Hathaway sa press tour ng The Devil Wears Prada 2 (TDWP2) sa Tokyo, Japan. Kaya siguro feeling big star na rin si Mimiyuuuh ngayon.


Ganunpaman, marami ang dismayado kay Mimiyuuuh nang sabihin niyang deserve niya ang kanyang nakamit at narating sa buhay. Dapat daw ay maging inspirasyon siya ng ibang mahihirap na nangarap na makaahon sa buhay. Hindi raw siya dapat kainggitan.


Pinanindigan ni Mimiyuuuh na hindi siya nagbago, hindi siya yumabang. Pero sa tono ng kanyang pananalita at body language noong mag-guest kay Boy Abunda, litaw na litaw ang kanyang angas.


Marami na kaming nakilalang successful people na nagsimula rin sa wala at dumanas ng hirap bago yumaman, pero nanatili silang humble at walang kaere-ere, kumpara sa vlogger na si Mimiyuuuh.


Well, mabuti sana kung may mga charity works siyang nagawa para sa mahihirap, baka may pambawi pa sana siya.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 1, 2026



WINNER - ANJO, ‘DI NA KAILANGAN NG TULAY SA TVJ, MAS GUSTONG MAG-SORRY NANG PERSONAL-FB Anjo Yllana

Photo: FB Anjo Yllana



Naniniwala si Anjo Yllana na hindi na niya kailangang lumapit pa sa ibang tao para tulungan siyang makiusap sa mga hosts ng Eat… Bulaga! (EB!) na sina Vic Sotto, Joey de Leon at Tito Sotto (TVJ).


Sa ginanap na Maddox Jewelry Fashion Show sa Shangri-La Hotel, isa si Anjo sa mga celebrities na naimbitahan ng may-ari na si Charo Cordial. Doon ay nakausap namin siya at iba pang members ng entertainment media.


Paliwanag ni Anjo, “Kasi, alam ko naman ang fault ko, eh. Bakit pa ako kukuha ng taong magme-mediate? Meron naman akong fault and I admit naman, eh. I made a mistake.

“Uh, parang kasalanan ko na naging emotional ako. Naglabas ako ng sama ng loob. Pero ‘yun nga, dahil sabi ko nga, first time itong lahat ng ito sa akin.


“Eh, ang importante sa akin din ay ‘yung natutunan ko, ‘Ay, mali pala ‘to.’ Tsaka ano rin, eh, ‘yung mga anak ko rin, pinagalitan ako ng mga anak ko.”


Mas gusto ni Anjo na makaharap at makausap nang personal ang TVJ o kahit isa man sa kanilang tatlo.


“Eh, ang pinaka-reach out ko kasi ‘yung public apology. Ngayon, ‘di naman kami nagkita sa court. I was hoping na may makita ako sa court to say sorry personally,” pahayag ni Anjo.

Dagdag pa niya, “Ang sa akin kasi, sabi ko, sugat ‘yan, eh. Baka ‘pag pinilit ko ang sarili ko na makipag-usap sa kanila, baka ‘di pa hilom ang sugat. Baka lalong magkasugat.

“Eh, sa akin, baka siguro time na lang. Tsaka, guest lang ako dito. Pero parang bida ako,” birong chika nito.


Nag-apela na raw si Anjo sa naging desisyon ng korte na magbayad siya ng P3.5 million.

“Naka-P20 thousand na ako na ipon,” biro pa ni Anjo. 


“‘Di, ano, because nasa appeal na kasi, Court of Appeals, sa Supreme Court. Sa tingin ko, ha? Pero sabi ko nga, proud naman ako dahil ang value ko pala ay P3.5M. Joke lang ‘yun, ha?” sabi pa ni Anjo sa event ng Maddox Iconic Runway (Diamond Jewelry Fashion Show) na pag-aari ni Ms. Charo Cordial last Thursday night.


Wish ni Anjo na ma-appreciate ng tatlong hosts ang kanyang pananahimik at hindi na pagsasalita pa sa social media. Tanggap niya na nagkasala siya at kailangan niyang magbayad ng P3.5M.


Nagbigay din ng mensahe si Anjo para kina Tito, Vic at Joey.


Sey niya, “Well, unang-una, kanina napanood ko ‘yung anniversary nila sa social media. Happy anniversary kina Tito, Vic and Joey. Lagi ko namang sinasabi na ‘yung goal nila or wish nila na umabot sila ng 50 years ng Eat… Bulaga!, sana umabot sila. Baka umabot nga dahil 3 years na lang.


“Kaya I wish them well. I wish them good health, happiness. I wish them success. Saka ‘yung goal nila na umabot sila ng 50 years para sa golden anniversary.”





SPEAKING of Maddox Jewelry, bago ang bonggang Iconic Runway Diamond Jewelry Fashion Show 2026 ay na-meet at nainterbyu ng entertainment media si Ms. Charo Cordial.


Kinabog ni Madam Charo ang mga celebrity fashion show na napanood namin sa tagal namin sa entertainment world.


Nataranta kami sa dami ng celebrities na napanood naming rumampa sa bonggacious production value at direction on stage ng famous fashion director na si Robby Carmona.


Sa production pa lang, hindi bababa sa isang milyon ang cost nito. Sinamahan pa ng more or less 50 stars on stage. Wala pa ang ibang celebs na invited to witness the grand event.


Ang ine-endorse nila on stage ay hindi mga damit, shoes o bags, kundi ang diamond jewelries na ibinebenta ni Madam Charo.


And of course, si Madam Charo ang super-mega kumikinang that night dahil sa naglalakihang bato sa suot niyang diamond jewelries.


Kaya naman may mga nakapalibot na security saanman siya magpunta sa ballroom ng Shangri-La Hotel.


Ang Maddox pala ay pangalan ng isa sa mga anak ni Madam Charo. Nagsimula siya sa pagbebenta ng mga bags online during the pandemic. 


Pero namroblema raw siya sa shipping ng mga ipinapa-deliver niyang bags, kaya naisip niya ang pagbebenta ng alahas online.

Ka-vogue!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page