top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 4, 2026



TEKA NGA - VICE, ‘DI PA MAKAKABALIK SA IT’S SHOWTIME-IG _teamviceph

Photo: IG _teamviceph



Matatagalan pa bago muling makabalik sa pagho-host ng It’s Showtime (IS) si Vice Ganda (VG). Tiyak na miss na miss na niya ang dati niyang ginagawa sa show at ang iba’t ibang outfits na isinusuot.


May mga ulat na si VG ang nagsisilbing Business Unit Head (BUH) ng show. Kung totoo ito, siya ang nangangasiwa sa content at mga segments, kabilang ang pagpili ng guests, contestants at iba pang bahagi ng programa.


Mabigat na responsibilidad ito na nakaatang sa balikat ni Vice pero hindi pa rin siya pinapayagang mag-host hangga’t hindi naaayos ang isyu ng show sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).


Well, may ilang kaibigan naman ang nagpapayo kay Vice na dapat ay magpahinga o magbakasyon muna siya upang makapag-recharge at makapagmuni-muni. Kailangan ito ni VG upang muli niyang ma-enjoy ang dating simpleng buhay na walang stress.


Magpapatuloy naman ang show at maitatawid ito ng mga hosts. ‘Yun nga lang, hahanapin pa rin ng mga viewers ang diskarte at energy na ibinibigay ni Vice Ganda.





Wala mang shows, paldo sa endorsements…

BARBIE, KA-LEVEL NA NINA ANNE AT KIM SA KINIKITA



PAREHONG pinarangalan ng BIR (Bureau of Internal Revenue) sina Alden Richards at Barbie Forteza bilang mga Top Taxpayers ng 2025. Dumalo sila sa event ng BIR upang tanggapin ang pagkilala at parangal sa kanila.


Dahil dito, marami ang nagtatanong kung gaano ba kalaki ang kinita nina Alden at Barbie noong nakaraang taon (2025)?


Sa parte ng aktor, hindi na ito pinagtatakhan dahil may malalaking endorsements siya, may pelikula at TV shows. Milyones ang kanyang talent fee (TF), at may mga negosyo pa.


Si Barbie naman, halos napantayan na pala ang kinikita nina Anne Curtis at Kim Chiu. Sa mga pelikula at product endorsements bumabawi at kumikita nang malaki ang aktres kahit wala siyang regular na TV show.


Last year ay sunud-sunod ang ginawang movies ni Barbie. Marunong siyang humawak ng kanyang kinikita kaya nakapagpundar ng bahay at sasakyan para sa kanyang pamilya. 


Napakasimple ng kanyang standard of living. Hindi siya magarbo at hindi gumagastos sa mga branded na gamit. Career ang priority ni Barbie at hindi ang kanyang love life.





Kylie, ‘di pa rin feel magpa-annul, sorry na lang…

ALJUR, TODO-ENJOY NA ANAKAN SI AJ DAHIL PROUD NA MAGANDA ANG LAHI



ALLERGIC sa salitang ‘kasal’ sina Aljur Abrenica at AJ Raval kaya todo-iwas silang pag-usapan ang tungkol dito kapag tinatanong ng entertainment press. Basta ang importante sa kanila ngayon ay ang mga anak at masaya sila sa kanilang buhay.


Okay lang din kay Aljur kung dumami ang anak nila ni AJ dahil maganda naman daw ang lahi nila. Pero patuloy namang bina-bash ang aktres at sinasabihang huwag nang umasa pa na mapapakasalan siya ni Aljur.


Matigas pa rin ang desisyon ni Kylie Padilla at wala pa rin itong balak na ipa-annul ang kasal nila ng aktor kaya walang chance na makasal si AJ. 


Sa ngayon ay tahimik ang mundo ni Kylie sa kabila ng pagiging single mom. Nakatutok siya sa kanyang career at sinisikap na mag-level-up ang kanyang pagiging aktres.


Nagpakita siya ng kakaibang skills sa action series na Taskforce Firewall (TF). Nag-e-enjoy siya sa mga action scenes na kanyang ginagawa dahil astig na astig ang kanyang porma. Challenging ito para sa aktres.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 4, 2026



TALKIES - MIKA, NAKA-4 NA DYOWA NA

Photo: IG _willashley17 & _mikslmnc




Nagpakilig sa maraming netizens sina Will Ashley at Mika Salamanca matapos ang nakakakilig nilang biruan sa latest vlog.


Sa nasabing vlog, pabirong niyaya ni Will si Mika na gumawa ulit ng panibagong ‘jowa challenge’.


“May naisip ako. What if magdyowa challenge tayo bukas?” sambit ni Will.

Agad naman itong sinagot ni Mika na tila sanay na sa naturang challenge.


“Gumugusto ka pa, ah! Ang dami ko nang jowa challenge, Will. Naka-apat na ako. Pati si Esnyr, jinowa challenge ko na!” ani Mika.


Hindi naman nagpahuli si Will at nagbiro pa, “What if lang naman, ‘di ba?!”

Bago tuluyang matapos ang kanilang usapan, may pahabol pa siyang banat, “Eh, di last na ‘to.”


Dahil dito, marami sa kanilang mga fans ang kinilig at napaabang sa kanilang nakakatuwang chemistry sa vlog.





“SHOCKED to death!” ito ang natatawang pahayag ng beteranang aktres na si Nova Villa nang balikan niya ang kuwento kung paano siya nadiskubre ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) at nagsimula ang kanyang karera sa showbiz.


Sa pag-guest niya sa podcast na Your Honor (YH) nina Chariz Solomon at Buboy Villar, ibinahagi ni Nova na si FPJ mismo ang nakakita sa kanya at nagbigay ng pagkakataong maging artista.


Ayon kay Nova, nangyari ito noong siya ay 14 o 15 taong gulang pa lamang. Madalas niyang samahan ang komedyanteng si Chichay, na kapitbahay nila sa Sampaloc, sa tanggapan ng Premier Productions, kung saan naniningil ito ng suweldo.


“Iniwan n’ya ako sa canteen habang naniningil s’ya. Nakaupo lang ako nu’n at tuwing may pumapasok sa gate, sumisilip ako dahil baka may makitang artista,” kuwento ni Nova.


Isang araw, may pumasok na puting Cadillac na minamaneho mismo ni FPJ.

“Nang tumingin ako, si Fernando Poe, Jr. pala mismo ang nagda-drive. Napatingin din s’ya sa akin. Ako ang nahiya. Ang guwapo n’ya kasi," natatawang pagbabalik-tanaw ng aktres.


Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Chichay kasama ang isang production manager.


Kuwento niya, “Sinabi ni Chichay, ‘Nova, ito si Mr. Ben, production manager ni FPJ. Tinatanong ka kung gusto mong mag-artista.'"


Dahil mahiyain noon, hindi agad alam ni Nova ang isasagot. Lalo siyang nagulat nang sabihing kinabukasan na agad ang shooting.


Sabi niya, “‘Bukas ang shooting,’ sabi nila. Nagtaka ako at tinanong ko, ‘Ano po ang gagawin ko? Ano ang role ko?’”


Ipinaliwanag sa kanya na gaganap siyang kapatid ni Jay Ilagan at magkakaroon ng karakter na magugustuhan ni FPJ.


“Shocked to death!” natatawang sabi ni Nova. 


Aniya pa, “Tulala na lang ako.”


Sa panayam, tinanong ni Chariz si Nova, “Niligawan ka ba ni FPJ? Naging kayo ba?”

Pabirong tugon ni Nova, “Ba’t ko pa ba natanggap-tanggap ‘to?"


Sinundan ito ni Chariz ng tanong, “Pero, once and for all…”


Ngunit tumanggi nang magbigay ng karagdagang detalye si Nova at sinabing, “Hindi. Sa akin na lang ‘yun.”


In fairness kay Nova, talagang kapansin-pansin ang ganda niya noong kabataan niya. Hanggang ngayon, she is still beautiful inside and out.





MASAYANG ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial na sa halip na magdaos ng engrandeng birthday celebration, mas pinili niyang ibahagi ang kanyang mga biyaya sa kanyang dating paaralan, ang Maroroy Elementary School sa Bicol, kung saan siya nagtapos bilang valedictorian noong Grade 6.


Sa isang social media post, nagbahagi si Barbie ng video kung saan makikitang sa kabila ng malakas na ulan ay nagpatuloy pa rin siya at ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez sa pamamahagi ng school supplies, mga gamot, at pagkain sa mga nangangailangan sa Bicol.


Kalakip ng video ang mensahe ni Barbie:

“This year, I chose to celebrate my birthday at home.


“I always find myself going back to where I came from. Iba talaga ‘yung feeling dito sa Bicol. Mayon has a way of making me feel so calm. Every time I come home, ang saya-saya ng puso ko. Sobrang babait ng mga tao, sobrang sarap ng pagkain, and everything just feels so simple and soulful.


“Nagpapasalamat ako sa mga teachers ko nu’ng grade school na naging pangalawang magulang ko. I was so lucky to have teachers who genuinely cared for me, believed in me, and helped shape the person I am today.


“Palaging lilingon sa pinanggalingan. I’ve always wanted to do this, to give back to my school and the teachers who helped raise me. And finally, I was able to make it happen with the help of the people I love.


“Thank you, God, for surrounding me with such amazing people and for allowing me to come home to this kind of love. Grabe ‘yung pagmamahal na naramdaman ko sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Sobrang suwerte ko.


“To everyone who helped make this birthday so special, maraming-maraming salamat.”

Good job, Barbie, and happy birthday!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 4, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - BARBIE, SA LAS VEGAS DREAM MAGPAKASAL PARA MAY DIVORCE-IG _barbaraforteza

Photo: IG _barbaraforteza



Aliw much ang hatid ng bagong karakter ni Barbie Forteza sa Regal Entertainment movie na Saving Cherry na showing na on September 2 on cinemas nationwide.


Ibang-ibang Barbie kasi ang mapapanood sa movie. Kung sa mga Kapuso serye na ginawa ng aktres ay wholesome siya, this time, the “wildest virgin” ang drama niya.

May line nga si Barbie sa Saving Cherry na “I want a big titty,” pagkatapos pagtaksilan ng asawang ginagampanan ni Khalil Ramos.


Kung iba ang nag-deliver ng naturang linya, tiyak na bastos ang dating. Pero dahil ang cute-cute ni Barbie at napakagaling talaga niyang umarte, nai-deliver niya ang naturang line with flying colors, ‘ika nga.


At in fairness, mas sumaya pa ang movie dahil sa support ng mga gumanap na barkada ni Barbie sa Saving Grace sa pangunguna nina Mikee Quintos, Mika Salamanca, AC Bonifacio at Sassa Gurl na may kani-kanya ring moment at eksena sa pelikulang idinirek ni Ivan Andrew Payawal. 


Kasama rin sa pelikula si JC Alcantara at sina Joey Marquez, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at Than Perez na mga hindi nakarating sa mediacon kahapon sa Cinema 16 ng Gateway Mall 2.


Pero ang mga producers ng movie na sina Ma’m Roselle Monteverde at Sir Keith Monteverde ay all-out support sa Saving Cherry na comedy ang genre at tiyak na tatatak na naman kay Barbie ang role niya rito bilang versatile comedic actress.

Samantala, sa Q&A sa mediacon ay natanong ang cast sa kanilang dream wedding since may eksena nga rito na ikinasal si Barbie Forteza.


May kani-kanyang trip sina Mikee, Mika, AC at Sassa Gurl (yes, kahit wala pa raw same-sex wedding sa ‘Pinas), gayundin si Barbie.


Pero ang mas tumatak sa amin ay ang sagot ni Barbie dahil naintriga kami sa hirit niyang “I wanna get married in Las Vegas… para may divorce.”


Ewan kung nagbibiro siya sa sinabing ito, pero sa one-on-one interview after ng presscon proper, nabanggit sa amin ni Barbie na sa busy schedule niya this year, hindi pa raw niya naiisip na magkadyowa uli.


Marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay ngayon bilang single. Gusto niyang mag-travel sa Italy, magbasa ng libro habang nagko-coffee at ine-enjoy daw talaga niya ang kanyang ‘me time’. Natutunan din daw niyang mas mahalin ang sarili.


Hindi rin daw siya nakikipag-date ngayon dahil ang gusto niya, kung makikipag-date siya, ‘yung ‘date to marry’ na ang peg.


Kaya hindi raw talaga priority ngayon ni Barbie Forteza ang love life at ine-enjoy niya ang kanyang busy career lalo’t sunud-sunod ang mga projects niya this year.





BILANG bahagi ng misyon na tuklasin at i-develop ang susunod na henerasyon ng mga Filipino artists, buong-pagmamalaking inanunsiyo ng JAMSAP Entertainment Corporation ang opisyal na paglulunsad ng JAMSAP Entertainment Academy, ang Official Talent Development Program ng JAMSAP TV.


Layunin ng academy na magsilbing tulay para sa mga aspiring talents na nangangarap magkaroon ng tunay na oportunidad sa entertainment industry sa pamamagitan ng structured training sa acting, modeling, at dancing, kasabay ng paghubog ng professionalism, discipline, confidence, at strong values.


Higit pa sa isang traditional workshop, ang JAMSAP Entertainment Academy ang magiging opisyal na talent development arm ng JAMSAP TV, na maghahanda sa mga aspiring performers para sa mga future opportunities sa television productions, digital media, live entertainment, at iba pang proyekto sa ilalim ng patuloy na lumalawak na JAMSAP Entertainment Network.


Ayon kay Jojo Flores, president ng JAMSAP Entertainment Corporation, itinatag ang academy upang magkaroon ng isang organisadong talent development program kung saan maaaring tuluy-tuloy na ma-develop ng mga aspiring artists ang kanilang skills at maihanda sila sa standards ng professional entertainment industry.


“Every great artist starts with an opportunity. Sa pamamagitan ng JAMSAP Entertainment Academy, nais naming tulungan ang mga aspiring talents na ma-discover ang kanilang potential, ma-develop ang kanilang abilities, at maipakita ang kanilang passion nang may kumpiyansa sa mas malaking audience.”


Sa unang yugto nito, mag-aalok ang academy ng specialized programs sa acting, modeling, at dancing, sa gabay ng mga experienced mentors at isang curriculum na idinisenyo upang ihanda ang bawat participant sa professional industry standards.


Habang patuloy na pinalalawak ng JAMSAP TV ang mga original productions at entertainment initiatives nito, inaasahang magiging isa ang JAMSAP Entertainment Academy sa pangunahing talent development platforms ng kumpanya. Layunin nitong maghubog ng mga future actors, models, dancers, hosts, at performers na maaaring maging bahagi ng mga susunod na television programs, digital content, live events, at iba pang entertainment projects ng JAMSAP.


Ipinapakita rin ng paglulunsad ng academy ang long-term vision ng JAMSAP Entertainment Corporation na makatulong sa patuloy na pag-unlad ng Philippine entertainment industry sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipinong may talento.


Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, muling pinagtitibay ng JAMSAP Entertainment Corporation ang pangako nitong hindi lamang mag-develop ng mahuhusay na entertainers, kundi ng mga indibidwal na may creativity, discipline, professionalism, at passion na magbigay-inspirasyon sa iba.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page