top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | August 5, 2026



Alex Eala at Angel Locsin - Instagram

Photo: Boy Abunda & Alex Cabuso Lee



Pinaligaya ni Alex Eala ang mga Pinoy sa pagkakapanalo niya sa latest tennis match niya sa Mubadala DC Open kahapon.


Isa sa mga celebrities na naghayag ng paghanga kay Alex ay walang iba kundi si Angel Locsin.


Dahil kay Alex ay natuwa ang mga Instagram (IG) followers ni Angel na makitang may post ulit siya sa social media. Hindi na kasi nagpapakita sa publiko si Angel kaya sa social media na lamang siya inaabangan ng kanyang mga fans.


Ipinost ni Angel ang picture ni Alex na nakaluhod pagkatapos talunin ang kalaban.

Si Alex ang kauna-unahang Pinoy na nag-champion sa Mubadala DC Open.

Caption ni Angel, “IDOL (rock on emoji).”


Marami sa mga IG followers ni Angel ang natuwa sa pagsuporta niya kay Alex.

“Talagang proud na proud ka, idol @therealangellocsin, sa mga Filipino athletes natin. Congratulations, Alex Eala.”


“Idol sa sports, tapos ikaw naman idol ko sa lahat.”


Nakakakilig naman ang comment-post ng mister ni Angel na si Neil Arce.

Sey nito sa aktres, “Basta ang alam ko, bata pa lang ako, idol na kita.”

Marami ang nakapansin ng pagkakahawig ni Alex kay Angel.

Sey ng mga netizens…


“Angel, parang younger sister mo si Alex, magkamukha kayo.”

“Hawig kayo ni Alex, Darna.”

“Angel, you look like her.”


Huwag magulat if one day ay biglang magdesisyong magpakita at bumalik muli sa pag-aartista si Angel dahil kay Alex.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 5, 2026



WINNER - PRAMIS NI BOY BIBIGYAN KO NG MAAYOS NA LIBING SI JOBERT-FB Boy Abunda & Alex Cabuso Lee

Photo: Boy Abunda & Alex Cabuso Lee



Naiiyak si Boy Abunda habang ibinabalita sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ang pagpanaw ng TV and radio personality na si Jobert Sucaldito.


Bukod sa nakasama ni Kuya Boy si Jobert sa mga talk shows niya dati tulad ng Startalk at The Buzz (TB), naging matalik din silang magkaibigan.


Nakausap ni Kuya Boy ang kaisa-isang anak ni Jobert na si Carlo Bryan Sucaldito. Sinabi raw sa kanya ni Carlo na cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ni Jobert.

Dahil sa atake sa puso ay bumagsak daw si Jobert habang nakaupo at tumama ang kanyang ulo.


Natagpuan umano si Jobert ng kanyang kasambahay na walang malay at agad na isinugod sa Philippine Heart Center, pero idineklara siyang dead on arrival.

Sa segment na Today’s Talk sa episode noong nakaraang Lunes ay nabanggit din ni Boy ang hiling ni Jobert noon na magkaroon sana siya ng maayos na libing.


Pahayag ni Kuya Boy, “Kami’y nakikiramay sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak na si Carlo Bryan. Nakausap po namin si Carlo bago magsimula ang palabas.

“He was very close to me. He was very, very protective of me. I will miss him.


“I cannot find a more loyal friend than Jobert. I will always remember him. At totoo po ‘yung balita na siya ay pumanaw, ang kanyang kahilingan ay ako ang kanyang unang tawagan. Totoo ho ‘yan. Ipinaalam po nila sa akin kahapon na siya’y pumanaw na. It was very difficult.


“Ibibigay ko lamang po ang konteksto kung bakit gusto n’ya na ako ang unang makaalam. Dahil palagi n’yang sinasabi, ang tawag po n’ya sa akin ay Sir. ‘Sir, gusto ko, ‘pag ako ay pumanaw, maayos ang aking libing.’


“I promise to do that. Sinabi ko sa kanyang anak, bibigyan natin ng maayos na pamamaalam, maayos na libing ang iyong ama. Kaya sa lahat ng pamilya, at kay Carlo, kami’y taos-pusong nakikiramay.”


Pumanaw si Jobert noong Linggo sa edad na 65 at nakaburol siya sa Loyola Memorial Park sa Commonwealth Avenue, Quezon City hanggang Huwebes.

Taos-pusong pakikiramay sa buong pamilya ni Jobert Sucaldito.


 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 5, 2026



TEKA NGA - SEN. ROBIN, NAUNTOG NA PARA LANG SA MALAKAS ANG LOOB ANG PULITIKA SA ‘PINAS-FB Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



Durog na durog ngayon ang pagkatao ni Sen. Robin Padilla at pinagpipiyestahan ng mga bashers ang kanyang mga pinakawalang statements sa hearing ng impeachment ni Vice-President (VP) Sara Duterte sa Senado.


Maraming political analysts at maging ang mga veteran politicians ang nagugulantang sa mga pahayag ni Sen. Padilla, lalo na nang sabihin niya na isa siyang ‘komunista’.

Depensa naman ng mga nagtatanggol sa senador, maaaring wrong choice of word lang ang ginamit nito. Posibleng ‘aktibista’ ang gusto niyang sabihin at hindi komunista.


Sumasalungat kasi siya sa nakasanayang traditional na practice natin sa pulitika.

Masyado ring nasaktan si Sen. Robin nang palabasin siyang bobo ng newscaster-reporter na si Ted Failon. Malaking insulto ‘yun sa kanyang pagkatao. Idagdag pang pinagtatawanan at nilalait siya ngayon ng matatalinong senador.


Well, may ilang nagmamalasakit kay Sen. Robin na nagpapayo na iwasan niyang maging balat-sibuyas o over sensitive. At makabubuting kumuha siya ng isang bihasang political adviser upang magabayan siya sa dapat niyang gawin bilang senador.


Dapat ding kumuha si Sen. Padilla ng crash course sa University of the Philippines (UP) para sa karagdagang kaalaman sa mundo ng pulitika.


Sa ngayon ay hindi na nagre-react si Sen. Robin sa mga panghahamak sa kanya ng mga bashers. Napag-usapan na nila ni Mariel Rodriguez na huwag na lang patulan para sa ikatatahimik ng kanilang mundo.


Ngayon ay na-realize ni Sen. Robin na ang pulitika sa ‘Pinas ay para sa may matibay na loob.





TRULY deserving ang Kapuso actor na si Dennis Trillo na i-renew ng GMA Network ang kanyang kontrata.


Isa siya sa mga artista ng GMA-7 na maituturing na prized possession dahil sa galing niyang umarte. Ilang acting awards na ang kanyang napanalunan.

Lahat ng roles na ibinibigay sa kanya ay sineseryoso niya at very professional siya sa trabaho. 


Iba’t ibang level ng emosyon ang kanyang ibinibigay sa kanyang mga character, sa serye man o pelikula. Nagmamarka sa audience ang mga role na kanyang ginagampanan.


Sa upcoming seryeng Hari ng Tondo (HNT) ay muli silang magkakasama ni Ruru Madrid. Dati na silang nagkasama sa pelikulang Green Bones (GB) na umani ng magagandang reviews.


Wish lang ng mga fans ni Dennis Trillo, sana ay wala na siyang ka-love team o love interest sa susunod niyang project sa GMA-7. Seryosong aktor si Dennis at hindi heartthrob. Mas gagaling pa siyang aktor kung mabibigyan ng mga challenging roles.


Marami rin ang pumupuri sa pagiging humble niya, hindi siya binago ng tagumpay. Wala siyang kaere-ere kahit nanalo ng Best Actor.





MISMONG ang parents ng yumaong Ateneo basketball player na si Rene Baterbonia ang nagpahayag na hindi na matutuloy sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ang pagsasadula ng kanyang biopic, taliwas sa unang plano.


Gagawin na lang daw nilang pelikula ang buhay ni Rene. Ang kikitain ng biopic ay ipagpapatayo nila ng gymnasium sa kanilang lugar upang may magamit ang mga batang nangangarap maging basketbolista.


Plano rin ng parents ni Rene na ang bahagi ng kikitain ay ilalaan sa pagpapaaral sa ilang mahihirap na kabataan. Ito rin ang pangarap ng anak noong nabubuhay pa siya.

Well, sino kaya ang kukuning aktor para gumanap na Rene? Sino ang tatayong producer ng movie?


Matunog ang pangalan ni Donny Pangilinan para sa role ni Rene. Wholesome ang image niya at matulungin pa sa kapwa.


Tiyak na marami ang manonood sa biopic ni Rene Baterbonia dahil maraming Pinoy ang nakikisimpatya sa kanyang sinapit na pagkalunod.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page