top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 8, 2026



Mariel Rodriguez Padilla

Photo: Robin at Mariel Rodriguez Padilla - IG



Fifteen years nang kasal sina Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez. 

Aminado si Mariel na hindi laging smooth sailing ang kanilang pagsasama. May mga away at tampuhan din na nangyayari kapag may mga bagay na hindi nila mapagkasunduan. 


Pero hindi raw humahantong sa paghihiwalay ang kanilang marital problems. In fact, mas nagiging matibay daw ang kanilang relasyon.


At tuwing sila ay nag-aaway, nananaig daw ang pagmamahal ni Sen. Padilla kay Mariel, kaya hindi nauuwi sa hiwalayan kahit may hindi sila pagkakaunawaan.


Naiintindihan ni Sen. Padilla na iba ang mindset ng era ni Mariel. Kaya kapag may problema o isyu sa kanilang pagsasama ay agad na hinaharap at inaayos ni Mariel. 

Ayon nga kay Sen. Padilla, ayaw ni Mariel na pinatatagal ang mga bagay na dapat ayusin at i-settle agad.


Hindi naman sanay si Sen. Robin sa confrontation scene. Martyr type raw kasi ang mga babaeng una niyang nakarelasyon, malayung-malayo sa ugali ng kanyang wife na si Mariel. Kaya, madali nilang naaayos ang kanilang mga problema.


Well, mas maganda naman na open si Mariel lalo na kapag may kinalaman sa kanilang pagsasama ni Sen. Padilla. Ito ang sikreto kaya sila nagtatagal.





ISANG makabuluhan at napapanahong dokumentaryo ang Rebuilding Broken Rooms (RBR) ng GMA Public Affairs Education Special. 


Mismong si Alden Richards ang mag-iikot sa iba’t ibang panig ng Pilipinas upang alamin ang lumalalang krisis sa edukasyon ng bansa.


Ang TV special na ito ay isang panawagan na rin upang kumilos ang ating pamahalaan at ang Department of Education (DepEd). Gustong maging advocacy ni Alden ang kalagayan ng edukasyon sa ating bansa.


Sisimulan niya ang paglalakbay sa Tinungkaan Elementary School sa Alabel, Sarangani Province. Kasama niya rito si Teacher Gerwin, at nasaksihan ang araw-araw na pagtawid sa ilog at pag-akyat ng bundok ng mga mag-aaral upang makarating sa kanilang paaralan.


Dadalawin din ni Alden ang mga mag-aaral ng Rosauro Almario Elementary School sa Tondo. Dito ay mataas ang bilang ng mga mag-aaral na hirap magbasa at umunawa ng binabasa.





MAY role na gagampanan ang nagbabalik-showbiz na si Roxanne Guinoo sa Mommy Guard (MG), na pinagbibidahan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at mapapanood na sa TV5 simula sa September 14.


Pipirma na si Roxanne ng contract sa TV5 at Star Worx PH, kaya ia-announce na rin ang kanyang mga projects na gagawin.


Ilang taon ding nagpahinga sa pag-arte ang aktres at naging full-time wife and mom. Nagpakasal siya sa non-showbiz businessman na si Elton Yap. Tatlo ang kanilang naging anak — dalawang babae at isang lalaki.


Wala pa ring ipinagbago si Roxanne, maganda pa rin siya, kaya tama ang naging desisyon niyang balikan ang pag-arte.


Kinaaliwan noon ng marami ang tambalan nila ni Joross Gamboa. 


Sa MG ay si Dominic Ochoa ang kanyang partner.


Mahilig sa comedy si Roxanne, kaya gustung-gusto niyang panoorin si Roderick Paulate. Paborito rin niya ang mga comedy icons na sina Dolphy at Vic Sotto.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 8, 2026



Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Photo: IG _blythe & _annecurtissmith



Opisyal na nagbabalik ang Queen of All Media na si Kris Aquino bilang host. Mabilis na kumalat online ang posting regarding her comeback. And this time, sa isang streaming platform naman sasabak si Kris sa hosting.


Siya ay nakakuha ng isang kapana-panabik na bagong papel sa isang streaming platform bilang C.H.I.K.A. (Chief Head of Insights and Content Analysis).


Another milestone na naman ito for Kris sa kanyang unti-unting pagbabalik sa entertainment industry pagkatapos nang ilang taon na pahinga.


Unang nagbigay ng hint si Kris sa kanyang pagbabalik-hosting last August 7. Ipinost ng kanyang makeup artist na si RB Chanco ang isang picture kung saan makikita ang isang studio at nakalagay ang linyahan tungkol sa pagbabalik ni Kris bilang host.


And then now, may post si Kris sa kanyang Instagram (IG) Story na pa-teaser sa kanyang show sa Netflix.


Sey ni Kris sa video na naka-post, “Netflix is hiring! Chief Head of Insights and Kontent Analysis. Well, with my forty years of experience in commercials, TV, the movies, and let's be honest, I was the very first to do online vlogging. This job is meant for me. So Netflix, game na!”


Caption ng Netflix sa video ni Kris sa IG: “Ano itong pasabog ni madam?! Kris Aquino is Netflix’s C.H.I.K.A. (Chief Head of Insight and Kontent Analysis) with some bonggang upgrades to local shows, Krissy style (heart emoji).”


Nagbukas ang reel na makikitang naglalakad si Kris sa Netflix’s editing room kung saan imi-meet niya ang editor na si Earljohn at nagsimula na nga siyang magmando rito.

“Hello, everyone, good morning! Ako ang bago ninyong boss. The new Netflix C.H.I.K.A. Are you ready para simulan na natin ang ating August campaign?” pag-announce ni Kris.


Very Kris Aquino ang mga eksena kung saan maririnig ang signature witty observations niya at mga suhestiyon kung paano iangat ang Filipino series na available sa Netflix.

Tinanggap ni Kris ang kanyang bagong papel na may karisma at tapat na personalidad na ginawa siyang isa sa pinakamamahal na icons ng Philippine entertainment.


Natuwa ang mga followers ni Kris sa kanyang bagong pasabog.


“OMG! The Queen is back! Love you, Ms. @krisaquino,” isinulat ng isang fan.

“Miss @krisaquino balik-sigla, balik-kadaldalan! Na-miss ka namin,” sabi naman ng isa.

“I miss this ENERGY!” komento pa ng isang netizen.


Matagal nang naghihintay ang mga tagahanga ni Kris sa pagbabalik niya sa screen pagkatapos umalis sa showbiz para tutukan ang kanyang kalusugan habang nakikipaglaban sa maraming autoimmune diseases.





Swimsuit, na-delay, ‘di na nahintay…

ELLEN, PROUD NA PANTY ANG SUOT PANG-SWIMMING



  • IG Maria Elena Adarna
    IG Maria Elena Adarna


NA-DELAY ang pagdating ng luggage ni Ellen Adarna sa Maldives.

Sa kanyang Instagram (IG) Story ay ini-reveal ni Ellen na ang suot niyang underwear ang ginamit na rin niyang pang-swimming sa bakasyon nila ng kanyang mga anak at kamag-anak sa Maldives.


“When your luggage is delayed, basic everyday underwear suddenly becomes a swimsuit,” sey ni Ellen sa kanyang IG post.


Nag-share si Ellen ng vacation trip nila nina Elias at Lili sa Maldives sa Instagram (IG). Tinawag ni Ellen ang kanyang mga anak na “My forever” sa kanyang caption.

Aniya, “Why is one decent photo where everyone’s looking at the camera and smiling at the same time so impossible to achieve?”


Sa kanyang IG Story ay ipinakita ni Ellen ang mga ganap nila nina Elias at Lili habang nasa Maldives.


Pinuri ng IG follower ni Ellen si Elias kung gaano siya ka-caring kay Lili. Ipinost kasi ng aktres ang video kung saan sinipa niya ang duyan na hinihigaan ng kanyang mga anak.


Nag-react si Elias sa ginawa ng ina at maririnig sa video ang sinabi nito kay Ellen na “Mom, don’t do that.” 


Dito nakita kung gaano ka-protective si Elias sa kanyang baby sister. Napalaki nang maayos ang anak ni John Lloyd Cruz, kung ganoon.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 8, 2026



Claudine Barretto - IG

Photo: Claudine Barretto - IG



Hindi maitago ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang pagmamalaki sa anak na si Santino matapos nitong makamit ang sunud-sunod na tagumpay sa paaralan.


Sa isang emosyonal na Instagram (IG) post, ibinahagi ni Claudine ang isang bukas na liham para kay Santino, kalakip ang kanyang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanya bilang isang single mom.


Ikinuwento rin ng aktres ang mga tagumpay ng kanyang iba pang mga anak. Ayon kay Claudine, scholar sa University of the Philippines (UP) Diliman ang kanyang anak na si Sab, habang straight-A student naman si Quia.


Aniya, “Pagbigyan n’yo po akong ipagmayabang ang mga anak ko. Scholar po si Sab sa UP Diliman. Mahirap po maging single mom, pero dahil sa inyo na patuloy na sumusuporta sa akin, kinaya ko pong mag-isa. 





“Maraming salamat sa inyong lahat. I want to share this dahil kayo rin ang dahilan kung bakit maginhawa ang buhay naming mag-iina. Si Quia rin po ay straight-A student. Lord, grabe Ka na!”


Kasabay ng kanyang post ang pagtugtog ng awiting Rockabye ng Clean Bandit, na lalong nagbigay ng emosyon sa kanyang mensahe.


Sa kanyang bukas na liham para kay Santino, pinasalamatan niya ang anak sa pagsisikap at dedikasyon nito sa pag-aaral.


Ayon kay Claudine, nakatanggap si Santino ng maraming awards, medals at certificates, at isa rin itong honor student at mabuting anak.


Ibinahagi rin ng aktres na para sa kanya, napakalaking bagay ng mga tagumpay ng kanyang anak dahil bilang single mother, hindi naging madali ang pagpapalaki at pagpapaaral sa mga ito nang mag-isa.


Pinasalamatan din niya ang mga taong naging bahagi ng kanilang paglalakbay, kabilang si Vic del Rosario ng Viva sa pagbibigay sa kanya ng trabaho, gayundin ang mga manonood ng kanyang mga pelikula at palabas, mga kumpanyang nagtitiwala sa kanya bilang endorser, at ang kanyang mga tagahanga.


“Your achievements are mine too. Thank you. You didn’t have to earn all these, just that you pass is more than okay to mommy na, but you gave me more than I just prayed,” bahagi ng kanyang liham.


Tinapos ni Claudine ang kanyang mensahe sa pagsasabing lagi niyang susuportahan ang anak at ipinagmamalaki niya ito.


“Mommy will always be here to support you. I love you and I’m so proud of you... Thank you, my amazing son. I’m on cloud nine,” aniya.


Isang malaking congratulations, Claudine! Ang suwerte mo sa mga anak mong matatalino at mababait.





Sana raw mapansin sa pa-giveaway ng aktres… 

MAYOR VICO, INIHINGI NG IPHONE KAY IVANA



MATAPOS maging usap-usapan ang umano’y simpleng cellphone na ginagamit ni Pasig City Mayor Vico Sotto, isang netizen naman ang nagbiro at isinama siya sa iPhone giveaway ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi.


Nauna nang nag-viral ang mga biro ng netizens na handa raw silang mag-ambag ng piso upang mabilhan ng bagong cellphone ang alkalde.

Sey ng isang netizen, “Ako na ang bahala sa cellphone mo. Isinali na kita kay Ivana.”


Marami ang natuwa sa naturang biro at nagkomento pa na sana ay mapili si Mayor Vico bilang isa sa mga mananalo sa giveaway.


Sa ngayon, wala pang reaksiyon si Ivana Alawi tungkol sa viral na biro ng netizen. Gayunpaman, marami ang naghihintay kung papansinin ba niya ang nakaaaliw na hiling ng mga netizens.


Well, ano kaya ang magiging reaksiyon ni Ivana? At sa tingin ninyo, mananalo kaya ang anak ni Bossing Vic Sotto na si Mayor Vico?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page