top of page
Search

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | August 5, 2020


ree


Nakalatag pa rin sa malaking bahagi ng daigdig ng palakasan ang lagim ng coronavirus pandemic matapos umatras sa paglalaro ang dalawang tennisters sa U.S. Open at matapos na itumba ang isang boxing coach.


Unang nagdesisyong hindi na lalaro sa pamosong grandslam event na masasaksihan sa makasaysayang Arthur Ashe Stadium si Ashleigh Barty ng Australia na sinundan ni World Tennis Association (WTA) no. 40 Nick Kyrgios.


Let’s take a breathe here and remember what is important, which is health and safety as a community.” pahayag ni Kyrgios. Idinagdag din nito na wala siyang problema sa mga organizers na prestihiyosong event o sa mga manlalarong sasabak dito basta kikilos ang mga ito ayon sa mga patakarang pangkaligtasan.


Nauna rito, isang tennis tour (binansagang “Adria Tour”), ang isinagawa pero dinapuan ng COVID-19 ang ilan sa mga kalahok. Kabilang na rito ang pinakamalupit na tennis player sa buong mundo na si Novak Djokovic, ang kanyang maybahay at si world no. 3 Grigor Dimitrov. Hindi na tinapos ang pagsasagawa ng event.


Samantala, nagbigay-pugay ang Russian Boxing Federation o RBF sa mga naiambag ni Alexander Nikolaev sa isports. Ang Ruso ay pumanaw sa Yekaterinburg dahil sa COVID-19 na pandemya kamakailan. Sumailalim sa kanyang patnubay ang ilang mga boksingerong Ruso na namayagpag sa Europe. Mayroon din siyang pinapangasiwaang boxing club sa Kamenks-Uralsky bago siya namaalam.

 
 

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | August 3, 2020


ree


Hindi nagmemenor ang atake ng pandemyang coronavirus at patuloy na nangongolekta ng mga biktima sa daigdig ng Ladies Professional Golf, World Athletics at Formula One.


Sa LPGA Tour kung saan tatlong Pinay parbusters ang sumabak, nakumpirmang positibo sa COVID-19 si Marina Alex kasama ang isang caddie base sa resulta ng pre-tournament testing. Asymptomatic ang LPGA Tour member pero ngayon ay naka-quarantine na.


Isa pang lady golfer, si Gaby Lopez ay nabiktima rin ng virus at ngayon nasa self-isolation na habang nakikipagtulungan sa mga opisyales para sa contact-tracing.


Hindi naman naapektuhan ang mga Pinay na sina Bianca Pagdanganan, Clariss Guce at Dottie Ardina bagamat matamlay ang kanilang mga iskor sa LPGA Drive On Championships sa Toledo, Ohio. Nasa pang 32 na baytang si Pagdanganan (3 over par) habang si Guce ay nakaupo sa pang-43 na puwesto (4 over par) pagkatapos ng penultimate round. Nakalusot sila sa salaan at ngayon ay nakapasok sila sa last round. Si Ardina ay nasibak dahil sa lumobong iskor (+12).


Sa track and field naman, quarantine din ang magiging buhay ni Wayde Niekerk ng South Africa matapos itong maging positibo sa COVID-19. Si Niekerk ang kasalukuyang world record holder ng 400 meters at nakabase sa Gemona, Italy kung saan siya nag-eensayo.


Pinigilan din ng virus ang mga aktibidad ni Sergio Perez, isang Formula One driver mula sa Mexico, dahil sa positibong resulta. Hindi pinapasok sa Silverstone circuit ang Mehikanong kumakatawan sa Racing Point.


Sa isang pahayag ng Formula One at ng Federation Internationale de l'Automboile or FIA, sinabi nilang, "Perez has entered self-quarantine in accordance with the instructions of relevant public health authorities, and will continue to follow the procedures by those authorities."

 
 

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | August 2, 2020


ree


Makukumpleto na ang listahan ng mga makakaribal ng tropa ni International Physically Disabled Chess Association (IPCA) world champion Sander Severino ng Pilipinas sa ginaganap na 2020 FIDE Online Chess Olympiad.


Ang atensyon sa torneo, na ginaganap sa unang pagkakataon bunga na rin ng pag-atake sa buong mundo ng coronavirus 2019 o COVID-19 pandemic, ay nasa Division 4 na at ang 15 qualifiers mula sa grupong ito ay sasabak sa Division 3 kung saan nakaluklok ang pangkat ng IPCA ni Severino.


Ang Pinoy FIDE Master, may rating na 2364, ang uupo sa board 1 para sa IPCA samantalang si Israeli Andrey Gurbanov (rating: :2301) naman ang sasandigan sa pangalawang board. Si Alexandra Alexandrova, mula pa rin sa Israel, ang nakaposisyon sa board 3 habang si Indian Anto K. Jennitha ang aasahan ng grupo sa pang-apat na board. Dalawang Russian chessers (Ilya Lipilin at Maria Dorozhkina) naman ang mga nakaposisyon sa dalawang huling boards.


Bukod sa IPCA Team, may average FIDE rating na 1973, seeded na rin sa Division 3 ang mga sumusunod: Venezuela, Uruguay, Scotland, Portugal, Mexico, Denmark, Chile at Albania na pawang may average rating na mas mataas sa 2000.


Hindi pa rin sumasalang sa kompetisyon ang Philippine Team (average rating: 2144) nina Grandmaster Rogelio Barcenilla Jr., GM Mark Paragua,. WGM Janelle Mae Frayna, WIM Jan Jodilyn Fronda, IM Daniel Quizon at Kylen Joy Mordido dahil kabilang ang bansa sa mas mataas na pulutong (Division 2) ng malupit na kompetisyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page