Isang bagong kabanata sa mayamang kasaysayan ng Basketball sa Pilipinas ay binuksan noong Biyernes matapos magwagi ang Team Pilipinas ng dalawang beses kontra Indonesia sa unang araw ng FIBA Esports Open 2020. Ang mga iskor na 56-29 at 64-30 ay nagbigay sa mga Pinoy ng 2-0 na kalamangan sa kanilang seryeng best of five na nagpatuloy Sabado ng gabi. Matinding depensa at tira sa labas ang naging susi ng kambal na tagumpay kasama ang malalim na karanasan at kaalaman ng koponan. Ang mga laro ay hinati sa apat na quarter na limang minuto bawat isa kaya binilIsan din ang tiyempo na nagresulta ng maraming dunk. Sa unang laro, pinasok ng Pilipinas ang magkasunod na tres upang buksan ang huling quarter at maabot ang kanilang pinakamalaking kalamangan, 50-23. Maagang sumuko ang mga Indones at naghanda para sa rebanse. Mas ganadong Indonesia ang dumating para sa pangalawang laro at nagawa pa nilang lumamang sa second quarter, 15-14. Sinagot ito ng 11 sunod-sunod na puntos ng Pilipinas upang lumamang sa pagsapit ng halftime, 25-15, at lalong diniin ang kalaro sa second half. Nagpamalas ng husay sina Custer Galas, Aljon Cruzin at Philippe Herrero IV sa dalawang panalo. Nag-ambag din ng tulong sina Rial Polog Jr. at Clark Banzon. Ang magwawagi sa serye ng Pilipinas at Indonesia ay tatanghaling kampeon ng Timog Silangang Asya. Gagawaran ng pinakabagong edisyon ng NBA2K21 Digital bago pa ito lumabas sa merkado ang lahat ng kampeon sa bawat kontinente. Mapapanood ang lahat ng laro sa Facebook at YouTube ng FIBA. Maaring manalo ng sombrero o t-shirt ang ilang masuwerteng fans. Sa ibang mga laro, parehong nagtagumpay ng tatlong beses ang Lithuania at Espana upang sumosyo sa liderato ng Europa. Panalo ang Lithuania sa Cyprus (85-51), Switzerland (67-55) at Ukraine (81-55) habang winalis ng Espanya ang Austria (83-39), Russia (92-47) at Switzerland (81-42). Malinis rin ang Italya na wagi sa Latvia (79-54) at Russia (62-52). Maglalaro ng single round ang siyam na bansa at ang may pinakamataas na kartada ang magiging kampeon ng kontinente. Tabla sa 1-1 ang mga serye para sa Oceania sa pagitan ng New Zealand at Australia at sa Timog Amerika na Argentina kontra Brazil. Nakauna ang Saudi Arabia sa Lebanon, 87-54, sa serye ng Gitnang Silangan.
top of page
Search
- A. Servinio
- Jun 18, 2020
HANDANG-HANDA na ang Team Pilipinas para sumabak sa simula ng FIBA Esports Open 2020 ngayong araw ng Biyernes at tatakbo hanggang Linggo. Unang haharapin ng mga Pinoy ang Indonesia simula 6:45 ng gabi at mapapanood ang buong laban sa pahina ng Facebook ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP). Binubuo ang pambansang koponan nina point guard Aljon Cruzin, shooting guard Rial Polog Jr., small forward Custer Galas, power forward Clark Banzon, sentro Philippe Herrero IV at mga reserbang sina David John Timajo at Rocky Brana. Tatayong head coach si Nite Alparas habang si Richard Brojan ang team manager. Gamit ang pinakabagong edisyon ng NBA 2K, asahan ang matinding palitan ng mga kalahok na bansa. “Filipinos have a high Basketball IQ and passion for the game so I expect them to do well,” wika ni David Crocker ng FIBA. “Parang Dream Team ito kasi sila ang top players sa Pilipinas,” tugon ni Coach Alparas. “Advantage natin ay defense so defense ang ginagalingan namin sa training.” Galing sa puspusang dalawang linggong ensayo ang koponan. Kahit balot ang Pilipinas at buong mundo ng pandemya, pinatuloy nila ang ensayo sa kanilang mga tahanan at ginamit ang social media para sa kanilang pagpulong. “This team is well accomplished, but we are the underdog and we have to prove something first,” dagdag ni Brojan. “We will give a good fight and make the country proud just like the way you supported Gilas.”
- A. Servinio
- Jun 15, 2020
Unang makakaharap ng mga Pinoy ang Indonesia. Ang iba pang kalahok ay ang Argentina, Australia, Austria, Brazil, Cyprus, Italya, Latvia, Lebanon, Lithuania, New Zealand, Russia, Saudi Arabia, Espana, Switzerland at Ukraine kung saan kasama ang Pilipinas sa pinakaunang paligsahan ng Esports ng FIBA , ang idaraos na Esports Open 2020. Gamit ang NBA2k, ang makabagong torneo ay gaganapin mula Hunyo 19 hanggang 21, 2020.
Ang bawat koponan ay may pitong manlalaro, lima sa court at dalawang reserba. Ang NBA 2K ay ilalagay sa Pro-Am mode kaya maaring gumawa ng sariling avatar at disenyo ng uniporme at court.
Gaya ng Basketball, bibigyan ng puwesto ang bawat manlalaro. Ang Pilipinas ay kakatawanin nina point guard Aljon Cruzin, shooting guard Rial Polog Jr., mga forward na sina Custer Galas, Clark Banzon, Rocky Brana at Al Timajo at sentro Philippe Alcaraz IV.
“FIBA is extremely proud and excited to start its Esports journey with the FIBA EsportsOpen 2020, a pilot project of exhibition games between national teams in collaboration with NBA 2K,” wika ni Frank Leenders, ang FIBA Media and Marketing Services Director General. “The Esports initiative was identified by the FIBA Central Board as important and consistent with the strategic objective to enlarge the FIBA family.”
Maglalaro sa kaniya-kanyang lugar at hindi maglalakbay ang mga koponan. “NBA 2K is honored to partner with FIBA and we’re excited to celebrate the global appeal of Basketball,” tugon ni Jason Argent, ang Senior Vice President for Basketball Operations ng 2K.
Maaring mapanood ang mga laro araw-araw sa YouTube o Facebook ng FIBA sa wikang Ingles. Sa tinayong bagong FIBA Esports Studio sa Riga, Latvia manggagaling ang palabas.
RECOMMENDED
bottom of page