top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 8, 2021



Nadagdagan at umabot ng P3,721,838.53 ang carry over sa Winner Take All (WTA) habang nabigong mapanalunan ang Pick 6 na may P238,257.91 ang carry over sa karerang naganap noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.


Nagbigay ng dividendo na P55,018.80 sa lahat ng nakakuha ng 6 points sa WTA at halagang P19,855.00 sa 5 points ng Pick 6 makaraang mabigong mapanalunan noong Sabado sa SLLP.


Sa simula ng karera sa Race 1 ng 1st Pick 5 napanalunan ng liyamadong The Believer na nasundan kaagad ng dehado na Noon Bell sa Race 2 na simula ng 1st Pick 6. Sa simula ng WTA sa Race 3 bumenta ng mahigit na P6 milyon ay agad na nanalo ang dehadong maaasahan at nasundan pa ng dehadong Heart of Gold sa Race 4.


Sa Race 5 nagbigay ng dividendong P126,814.00 sa 1st Pick 5 sa pagkakapanalo ng Princess Via at sinundan ng dehadong Forest Gump sa Race 6. Sa Race 7 nagbigay ng dibidendo P249,082.40 sa 1st Pick 6 sa pagkakapanalo ng Bato at nasundan ng dehadong Paruparong Bukid sa Race 8.


Sa Race 9 ang dehadong Rogelio kung kaya’t walang nanalo sa WTA at Pick 6 at pagkakapanalo ng 2nd Pick 5 na nagbigay ng dividendo P316,574.8.


Resulta ng karera noong Sabado, Marso 6,2021


RACE 01 – THE BELIEVER (8)Finish: 8/11/7/2/12/6,P5.00 WIN 8 P6.00,P5.00 FC 8/11 P15.50,P2.00 TRI 8/11/7 P38.00,P2.00 QRT 8/11/7/2 P214.40,P2.00 PEN 8/11/7/2/12 P1,485.80,SIX CarryOver P39,499.16


RACE 02 – NOON BELL (7)Finish: 7/1/3/6,P5.00 WIN 7 P21.00,P5.00 FC 7/1 P107.50,P2.00 TRI 7/1/3 P178.60,P5.00 DD 8/7 P43.00,P2.00 QRT 7/1/3/6 P331.40


RACE 03 – MAAASAHAN (1)Finish: 1/9/14/5/12/2,P5.00 WIN 1 P17.50,P5.00 FC 1/9 P86.00,P2.00 TRI 1/9/14 P129.00,P5.00 DD 7/1 P116.50,P2.00 QRT 1/9/14/5 P323.20,P2.00 DD1 8/7/1 P58.40,P5.00 XD 8/1 P17.50,P2.00 PEN 1/9/14/5/12 P1,098.40,P2.00 SIX 1/9/14/5/12/2 P11,393.20


RACE 04 – HEART OF GOLD (8)Finish: 8/1/2/4/3,P5.00 WIN 8 P66.00,P5.00 FC 8/1 P1,468.50,P2.00 TRI 8/1/2 P4,475.20,P5.00 DD 1/8 P825.50,P2.00 QRT 8/1/2/4 P37,573.00,P2.00 DD1 7/1/8 P1,453.20,P5.00 XD 7/8 P848.00,PEN CarryOver P24,838.26


RACE 05 – PRINCESS VIA (9)Finish: 9/7/11/3/2/5,P5.00 WIN 9 P63.50,P5.00 FC 9/7 P455.00,P2.00 TRI 9/7/11 P1,571.20,P5.00 DD 8/9 P7,085.50,P2.00 QRT 9/7/11/3 P9,715.40,P2.00 DD1 1/8/9 P7,749.40,P2.00 PK5 8/7/1/8/9 ( 5 of 5 ) P126,814.00, P5.00 XD 1/9 P678.50,PEN CarryOver P55,112.55,SIX CarryOver P4,802.71


RACE 06 – FORREST GUMP (11)Finish: 11/4/5/2/9/3,P5.00 WIN 11 P22.50,P5.00 FC 11/4 P48.50,P2.00 TRI 11/4/5 P1,243.00,P5.00 DD 9/11 P656.00,P2.00 QRT 11/4/5/2 P1,955.00,P2.00 DD1 8/9/11 P5,627.00,P5.00 XD 8/11 P600.50,P2.00 PEN 11/4/5/2/9 P8,285.60,SIX CarryOver P7,288.05


RACE 07 – BATO (8)Finish: 8/10/7/2/4/5,P5.00 WIN 8 P19.00,P5.00 FC 8/10 P65.00,P2.00 TRI 8/10/7 P392.00,P5.00 DD 11/8 P19.50,P2.00 QRT 8/10/7/2 P960.00,P2.00 PK6 7/1/8/9/11/8 ( 6 of 6 ) P249,082.40,P2.00 DD1 9/11/8 P717.80

P5.00 XD 9/8 P567.50,P2.00 PEN 8/10/7/2/4 P2,365.60,P2.00 SIX 8/10/7/2/4/5 P8,975.20


RACE 08 – PARUPARUNG BUKID (6)Finish: 6/7/2/5,P5.00 WIN 6 P8.00,P5.00 FC 6/7 P30.50,P2.00 TRI 6/7/2 P41.80,P5.00 DD 8/6 P86.00,P2.00 QRT 6/7/2/5 P192.00,P2.00 DD1 11/8/6 P117.20,P5.00 XD 11/6 P85.00,


RACE 09 – ROGELIO (5)Finish: 5/2/10/14/13/4,P5.00 WIN 5 P95.00,P5.00 FC 5/2 P420.00,P2.00 TRI 5/2/10 P333.80,P5.00 DD 6/5 P870.50,P2.00 PK4 11/8/6/5 ( 4 of 4 ) P2,437.20,P2.00 QRT 5/2/10/14 P2,501.00,P2.00 PK6 8/9/11/8/6/5 ( 5 of 6 ) P19,855.00,CarryOver P238,257.91,P2.00 DD1 8/6/5 P1,064.60,P2.00 PK5 9/11/8/6/5 ( 5 of 5 ) P316,574.80,P2.00 WTA 1/8/9/11/8/6/5 ( 6 of 7 ) P55,018.80, CarryOver P3,721,838.53,P5.00 XD 8/5 P986.00,PEN CarryOver P18,995.44,SIX CarryOver P22,934.92

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 7, 2021



Magandang araw sa ating Bayang Karerista, matutunghayan ngayong araw ng Linggo ang karera sa Philippine Racing Club,Inc (PRCI) ang tagapamahala sa Santa Ana Race Track, Naic, Cavite.


Sa Race 1 magaganap ang karera na pinapaboran ang Bonifacio (5), Crown in My Head (7) at Kapangyarihan(6).


Sa Race 2, pinapaboran ang Runawayfromrosenot (3) magsisilbing kalaban ang Hukbong Dagat (2) at Race 3 nakalalamang ang Red Hawk(I) Ultimate Royale/Under Cover(8) at subukan ang Aida’s Favorite(4). Sa Race 4 binibigyan ko ng magandang laban ang Big Big Brown(8),makakalaban ang Konzeelans at Pagbabago.


Sa Race 5 mahigpit na maglalaban ang Charlord(2) at Grandox at ang Hula Discovery makikita sa unahan.


Sa Race 6, puwedeng solohin ang Mayo Uno at Race 7 pang primera ang kalahok na Copy Cat at panegundo ang Bullet Proof(5) at susubukan ang Rockawaybye(1). Sa Race 8 maglalaban sa unahan ang Wannabe (5) sinusundan ng Coal Digger at Great Britain (4),sa Race 9 paglalabanan ng Batang Bangkal (1) at Batang Madrid (7).

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | March 6, 2021



Nakatakdang umalagwa ang 14th MHP Racing Festival Cool Summer Invitional Races sa Metro Manila Turf Club,Inc. (MMTCI) sa Malvar,Batangas sa susunod na Linggo.


Magaganap ang MHP-Cool Summer Invitational Races, kasabay ng 4 Year Old and Above Local-Imported Horses na may papremyo na P1-milyon na hahatiin sa apat.


Hahatiin sa apat na magkakasunod na darating na kalahok na unang ay makatatanggap ng P600,000 habang ang pangalawa ay may P225,000. Ang pangatlo ay tatanggap ng P125,000 at tatanggap naman ng P50,000 ang darating na pang-apat na kabayo.


May nagpatala na sasali sa naturang karera ito ay pinangungunahan ng Magnificent Lady, Wish Afan Star, In the Zone, Princess Eowyn, Sailing Along, Boss Emong, Change the the Racer, Sky Candy, Troubadour,Tony’s Love,Obra Maestro, Super Sonic, Patong-Patong,Dragon Butterfly, American Factor at Joyous solution.


May premyo ang bawat karera sa mananalong kabayo higit na pagkakalooban ng premyo ang mga maliliit na manggagawa sa karera ito’y mula sa mga sota ng kabayo. Inaasahan na darating ang mga may ari ng kabayo na matutunghayan sa araw ng Linggo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page