- BULGAR
- Dec 24, 2020
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | December 24, 2020
Habang isinusulat ang balitang itong naghihintay ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng kumpirmasyon kung makakasali ang 2020 Philacom Triple Crown Champion na Heneral Kalentong sa magaganap na laban ng Pesidential Gold Cup sa Linggo San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite.
Nabatid na pito ang kalahok sa Philracom 2020 Presidential Gold Cup at ito ay ang Boss Emong, Princess Eowyn, Super Swerte, Pangalusian Island, Jay Z, For the Big Boy at Electric Truth.
Hanggang ngayon naghihintay ng kumpirmasyon ang Philracom mula sa may ari ng kabayo na si Benhur Abalos. Ang 2020 PGC ay bibitawan sa Linggo Dis.27 sa Manila Jockey Club Inc.(MJCI) sa Carmona.
Kung hindi makakasali ang Heneral Kalentong malaking panghihinayang ng bayang karerista. Maging ang dating kampeon ng 2019 PGC na Super Sonic ay di makakasali sa naturang laban.
May nakalaang P3-M ang karera na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Ang kampeon ay magkakamit ng P1.8-M habang ang 2nd place ay may P600,000,mag-uuwi ng P300,000 ang 3rd place samantalang makatatanggap ng P150,000 ang 4th place habang may pampalubag-loob sa 5th place na P90,000 at tatanggap ng P60,000 ang 6th place. Tatanggap ang horsebreeder ng P100,000 sa sinuman ang tatanghaling kampeon.
