top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | August 18, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at kapalaran ng Monkey o Unggoy ngayong Year of the Metal Rat.

Alalahaning ang Unggoy o Monkey ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Monkey o Bakal na Unggoy - mga isinilang noong 1920 at 1980

  • Water Monkey o Tubig na Unggoy - mga isinilang noong 1932 at 1992

  • Wood Monkey o Kahoy na Unggoy - mga isinilang noong 1944 at 2004

  • Fire Monkey o Apoy na Unggoy - mga isinilang noong 1956 at 2016

  • Earth Monkey o Lupa na Unggoy - mga isinilang noong 1908 at 1968

Sa nakaraang mga isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Monkey at Water Monkey, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Wood Monkey o Kahoy na Unggoy.


Sadyang pinagkalooban ng kakaibang kasipagan at pagiging mapagmahal—ito ang pangunahing sandata ng Wood Monkey sa panahong ito ng pandemya upang lalo pa niyang mapaunlad at mapalago ang kanyang career at kabuhayan.


Sinasabi ring sa panahong ito ng iyong buhay, ang pagtulong sa kapwa ang una mong dapat isaalang-alang, lalo na sa iyong mga kamag-anak at bawat miyembro ng inyong pamilya.


Tunay ngang habang dedikado at seryoso kang tumutulong sa mga gawaing-bahay at pagpapaunlad ng inyong kabuhayan kahit may pandemya, tuluy-tuloy ang kakaibang suwerte at magagandang kapalarang magdaratingan sa iyong buhay.


Sa pakikipagkaibigan, ang mga Wood Monkey ay nagiging tapat at mapagmahal na kaibigan. Dahil sa mahusay na pakikitungo sa kanila, ang mga kaibigan din nilang ito ang ang kadalasang tumutulong at nagbibigay ng ayuda, simpatya at pagmamahal sa mga Wood Monkey.


Sa damdamin at pakikipag-date, may pambihirang lambing at pagmamahal na naipadarama ang Wood Monkey sa taong mahal na mahal niya, na sukdulang hindi siya makalilimutan nito sa tanang buhay ng nasabing nilalang na minsang minahal ng Unggoy.


Sa pakikipagtipan naman, ayaw na ayaw ng Wood Monkey na siya ay nale-late, kaya pinipilit niyang dumating sa itinakdang oras at kadalasan ay mas maaga pa siya sa inaasahan. Ganito niya iniingatan ang kanyang pangako at binibitiwang mga salita, hindi lamang sa pakikipagtipan kundi sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.


Habang napananatili ng Wood Monkey ang punctuality sa kanyang pang-araw-araw na buhay, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa kanya ng langit sa buong buhay niya ngayong 2020 hanggang 2021.


Bagama’t masarap, totoo at may kakaibang init kung magmahal, sa panahong ito, hindi naman inirerekomenda na pumasok siya sa seryoso at totohanang relasyon. Sa halip, dapat muna niyang iprayoridad ang pagpapaunlad ng career at propesyon. Pagkalipas ng lima hanggang pitong taon pa, mas maganda kung saka muna isaalang-alang ang seryoso at totohanang relasyon. Sa ganitong paraan, sa panahong nakipagrelasyon ka na, may pangako ng maligaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | August 15, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at kapalaran ng Monkey o Unggoy ngayong Year of the Metal Rat.

Alalahaning ang Unggoy o Monkey ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Monkey o Bakal na Unggoy - mga isinilang noong 1920 at 1980

  • Water Monkey o Tubig na Unggoy - mga isinilang noong 1932 at 1992

  • Wood Monkey o Kahoy na Unggoy - mga isinilang noong 1944 at 2004

  • Fire Monkey o Apoy na Unggoy - mga isinilang noong 1956 at 2016

  • Earth Monkey o Lupa na Unggoy - mga isinilang noong 1908 at 1968

Noong nakaraang araw, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Monkey at sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Water Monkey o Tubig na Unggoy.


Dahil sa katatagan at kakaibang tapang ng Water Monkey, anumang mga pagsubok ang dumating sa kanyang buhay na dala ng COVID-19 pandemic, ito ay agad niyang malalabanan at mapagtatagumpayan. May mga pagkakataon pang dahil sa pandemya, ito ang magiging stepping stone ng Tubig na Unggoy upang lalong umunlad at mapalago ang kanyang kabuhayan, basta’t patuloy niyang gagamitin ang talas ng kanyang isipan at praktikalidad.


Bukod pa rito, may kakayahan din ang Tubig na Unggoy na bumuo ng grupo ng tao na mapaniniwala niya sa iisang layunin. Ang husay na ito na humikayat ng tao na susunod sa kanya ay kanyang mapakikinabangan ngayong panahon ng pandemya upang lalo pa niyang mapalago ang kanyang kabuhayan.


Gayunman, dahil minsan ay likas sa Water Monkey ang pagiging agresibo at dominante, ang ugaling ito ay dapat na isinasantabi ngayong may pandemya. Ito ay dahil ang pagiging arogante at dominante ay siya namang anay na sisira sa magagandang pundasyon ng kabuhayan at materyal na bagay na madaling maitatayo ng Tubig na Unggoy ngayong may krisis sa ekonomiya at kalusugan sa buong mundo.


Tandaang ang pagiging kampante, mahinahon, may mabuting kaisipan at mabait sa mga kasama at tauhan ang bertud na kailangang-kailangan patatagin ng Tubig na Unggoy sa kanyang mga nasasakupan upang masigurado ang tuluy-tuloy na maunlad at papalagong kabuhayan, hindi lamang ngayong 2020, bagkus, lalago at patuloy na madaragdagan ang kabuhayan ng Water Monkey hanggang sumapit ang 2021.


Sa panahon ding ito, inaasahan na magkakaroon ng sari-saring source of income ang Tubig na Unggoy at sa dinami-rami ng pagkakakitaan, ito na rin ang magiging isang panahon sa iyong buhay upang makaipon. Samantalahin mo ang pagkakataong ito na itabi at lalo pang paramihin ang iyong ipon at kabuhayan dahil minsan lamang dumating ang napakaganda at masaganang pagkakataon sa iyong buhay.


Sa pag-ibig, tandaang kindness is all that matters. Sa panahong ito ng iyong buhay, sa aspetong pandamdamin, ang pagiging mabuti at mabait ang magdadala sa iyo sa maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.


Kaya naman kung ikaw ay may kasintahan, kinakasama o asawa, wala kang ibang dapat gawin kundi magpakabait. Habang ginagawa mo ito, lalo kang pagsisilbihan ng kapalaran na maghahatid sa iyo sa maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.


Kung ikaw naman ay dalaga o binata, ganu’n din ang pormula. Basta’t magpakabait ka at magpakabuti, ngayong 2020 hanggang 2021, sa hindi mo inaasahang lugar at pagkakataon, isang masaya at nakakikilig na pag-ibig ang dahan-dahang mabubuo na ite-treasure mo habambuhay.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | August 13, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang pangunahing ugali at kapalaran ng Monkey o Unggoy ngayong Year of the Metal Rat.

Alalahaning ang Unggoy o Monkey ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:


  • Metal Monkey o Bakal na Unggoy - mga isinilang noong 1920 at 1980

  • Water Monkey o Tubig na Unggoy - mga isinilang noong 1932 at 1992

  • Wood Monkey o Kahoy na Unggoy - mga isinilang noong 1944 at 2004

  • Fire Monkey o Apoy na Unggoy - mga isinilang noong 1956 at 2016

  • Earth Monkey o Lupa na Unggoy - mga isinilang noong 1908 at 1968

Sa pagkakatong ito, ang tatalakayin natin ay magiging kapalaran ng Metal Monkey o Bakal na Unggoy ngayong Year of the Metal Rat.

Bukod sa Metal Monkey, ikaw din ay tinatawag na Gold Monkey o Gintong Unggoy kung saan sa sandaling pinairal mo ang pagiging tuso, materyoso at matalino sa buong taon, kahit sabihin pang dumaranas ng pandemya ang buong mundo, sa halip na malugi at matibag ang kabuhayan mo, ito ay lalo pang aasenso at lalago.


Tandaan din na bukod sa tuso at mteryoso, isa lang ang pinakaayaw ng Unggoy sa buhay at ito ay sinasagkaan o pinipigil ang kanyang kalayaan. Sa puntong may nagbabawal at naghihigpit sa Unggoy, kaya hindi niya nagagawa ang lahat ng kanyang gusto, sa pagkakataong ito, tiyak na kusang babagsak ang kanyang kasiglahan at husay, kaya wala siyang magagawang matino kahit anupamang gawain o proyekto.


Kaya naman para sa mga asawa, karelasyon o kapareha ng Unggoy, ang pinakamasamang magagawa mo sa buhay n’yong mag-asawa o mag-partner ay ang tanggalin ang kalayaan ng iyong kapareha. Kapag ginawa mo ‘yan, tuluyang malalaos at mabibigo sa buhay ang Unggoy.


Tulad ng nasabi na, napakalahaga sa Metal Monkey ang maging malaya at nagagawa niya ang lahat ng nais at ibig niyang gawin, lalo na sa panahong ito ng pandemya, upang magtuluy-tuloy ang kanyang kasiglahan na magdudulot ng suwerte at magandang kapalaran, hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa lahat ng miyembro ng kanyang pamilya at kamag-anak.


Sa career, tulad ng nasabi na, basta hinayaan mong maging malaya at nagagawa niya ang lahat ng nais at ibig niya sa buhay, ngayong 2020 hanggang 2021, kahit may pandemya, tiyak na tuluy-tuloy pa ring uunlad at lalago ang kanyang kabuhayan.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, basta ang relasyon o samahan ay dahan-dahang na-develop, mula sa unang pagkikita ay unti-unting nabuo ang pagkakaibigan hanggang sa humantong sa mainit at masarap na relasyon, ang ganitong pahimakas o pangyayari ay siguradong maghahatid sa Metal Monkey sa maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Kabaligtaran naman nito, kapag ang Bakal na Unggoy ay narahuyo agad-agad ng kanyang mainit na damdamin, ibig sabihin ay na-in love agad gayung hindi pa gaanong nade-develop ang pagkakaibigan, tulad ng naipaliwanag na, ang ganitong relasyon ay magdudulot lamang ng pagluha at kabiguan na ikalulungkot nang labis ng Bakal na Unggoy.


Tandaang mientras hindi muna nade-develop nang husto ang pag-ibig o relasyon, kumbaga, dahan-dahang nahihinog ang pagmamahalan, mas magiging masarap ang mabubuong ugnayan at magiging pangmatagalan ang pag-iibigan. Habang ang relayson minadali, walang dudang magdudulot ito ng pagluha at kabiguan sa Bakal na Unggoy.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page