top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 8, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa magiging kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Rooster o Tandang ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Rooster o Bakal na Tandang - silang mga isinilang noong 1921 at 1981

  • Water Rooster o Tubig na Tandang - silang mga isinilang noong 1933 at 1993

  • Wood Rooster o Kahoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1945 at 2005

  • Fire Rooster o Apoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1957 at 2017

  • Earth Rooster o Lupa na Tandang - silang mga isinilang noong 1909 at 1969

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang kapalaran ng Metal Rooster o Bakal na Tandang, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Water Rooster o Tubig na Tandang.


Isa sa mga pangunahing katangian mo ay ang kahusayan sa pangungumbinsi na maaaring magamit upang madagdagan ang iyong income at lalo pang gumanda ang iyong career. Bukod sa pangungumbinsi, may taglay ka ring husay upang manghikayat ng grupo ng mga tao. Kaya naman kung pagbebenta ang pangunahin mong negosyo o career ngayong 2020, malaki ang posibilidad na makabenta ka ng malaking halaga at lalo mo pang mapalago ang iyong kabuhayan kahit dumaraan sa matinding pagsubok ang mundo dahil sa COVID-19 pandemic.


Dagdag pa rito, ang pagiging palakaibigan ay magagamit mo rin upang lalo pang madagdagan ang iyong kliyente at benta. Kung wala namang kaugnayan sa pagbebenta o pag-aalok ang iyong career o hanapbuhay sa kasalukuyan, magagamit mo pa rin ang iyong mga kaibigan upang kumita ng malaking halaga sa pamamagitan ng kanilang rekomendasyon. Ibig sabihin, habang patuloy ka sa pakikipagkaibigan sa panahong ito ng iyong buhay, kusa namang darami ang magagandang oportunidad upang lalo pang lumago ang iyong kabuhayan sa buong 2020 hanggang 2021.


Samatala, dapat ding alalahanin na may mga tukso o alok ng mga pagbabagong diskarte ngayong 2020 hanggang 2021, na hindi mo dapat basta-basta patulan, sapagkat ang mas mainam sa iyong career at kabuhayan ay mag-stay kung saan ka nakatuntong ngayon.


Tunay ngang ang malawakan at malakihang pagbabago ngayong 2020 hanggang 2021 ay hindi inirerekomenda. Sa halip, anuman ang ginagawa at pinagkakaabalahan mo ngayon, mas mainam na manatili ka muna r’yan habang unti-unti mong pinabubuti at pinagaganda ang iyong sitwasyon at kalagayan.


Gayunman, bukod sa mga gawain at pagpapaunlad ng career na nabanggit, inirerekomenda rin na ituon mo ang iyong mga libreng oras sa pagseserbisyo nang walang hinihintay na kapalit. Sapagkat ayon sa iyong kapalaran, sa pamamagitan ng pag-aalok mo ng tulong sa iyong kapwa o komunidad na iyong ginagalawan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran kang aanihin sa buong 2020 hanggang 2021.


Sa pag-ibig, sa mga wala pang karelasyon o kapareha sa buhay, hindi mo dapat ituon ang paghahanap ng mamahalin dahil hindi naman siya ngayon darating. Ibig sabihin, may dumating man ngayong love interest, hindi mo ito dapat seryosohin dahil tulad ng bulalakaw, mabilis siyang darating at siguradong mabilis din siyang mawawala sa iyong piling. Kaya kung may darating man ngayon na kusang lumalapit, puwede mong pansinin o patusin, pero ‘wag ka namang masyadong seryoso at umasa na kayo na ang forever dahil tulad ng nasabi na, hindi sa panahong ito nakalaan ang iyong suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon kundi sa 2021 pa.


Sa mga may karelasyon, asawa o kapareha na, magiging masarap at romantiko sana ang inyong suyuan, kaya lang, manaka-nakang kakapusin kayo sa budget o pinansiyal na aspeto. Kaya mas maganda kung pilitin n’yo munang makapagtabi ng malaki-laking halaga para sa future at seguridad n’yong magkapareha. Kapag alam na alam n’yong may ipon na kayo, tiyak na ngayong 2020 hanggang 2021, tulad ng naipaliwanag na, lalong sasarap at tatamis ang suyuan, higit lalo kapag unti-unti nang nakarekober ang mundo sa pandemya kung saan may pangako na lalo pang lalago at sasaya ang inyong relasyon na magiging panghabambuhay na.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 5, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang pagtalakay sa magiging kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Rooster o Tandang ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Rooster o Bakal na Tandang - silang mga isinilang noong 1921 at 1981

  • Water Rooster o Tubig na Tandang - silang mga isinilang noong 1933 at 1993

  • Wood Rooster o Kahoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1945 at 2005

  • Fire Rooster o Apoy na Tandang - silang mga isinilang noong 1957 at 2017

  • Earth Rooster o Lupa na Tandang - silang mga isinilang noong 1909 at 1969

Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Metal Rooster o Bakal na Tandang ngayong 2020 hanggang sa 2021.


Sinasabing basta ipinagpatuloy ng Metal Rooster ang dati na niyang ugali na praktikal at laging may positibong kaisipan, hindi lamang niya malalagpasan ang krisis na pangkabuhayang dulot ng COVID-19 pandemic, bagkus, malaki ang tsansa na sa panahong ito ng mga pagsubok, maraming matutuklasang bagong oportunidad ng pagkakakitaan ang Tandang na lalo pang ikauunlad at ikalalago ng kanyang kabuhayan.


Sa patuloy na pag-unlad at paglago nito, hindi dapat maging dominante at palautos ang Bakal na Tandang dahil ngayong 2020, may babala rin na maraming maiinis nang lihim kanya kung saan maaaring ito pa ang maging daan upang siya ay tuluyang siraan sa trabaho at negosyo.


Kaya kung mapananatili ng Tandang ang ugali niyang mapagpakumbaba at iwasan ang pamimintas, intriga at pamumula sa kanyang mga kasamahan, malaki pa ang ilalayo at ikauunlad ng kanyang career, negosyo o kabuhayan sa buong 2020 hanggang 2021.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, maraming mga surpresa at biglaang relasyon ang kakatok sa puso ng Metal Rooster. Kung ang nasabing Tandang ay lalaki, malaki ang posibilidad ng nakakikilig at hindi malilimutang biglaang pag-ibig ang mabubuo na labis na magdudulot ng ligaya at sarap.


Kung babae naman ang Tandang, bagama’t marami ring biglaan at hindi pinaghandaang romansa na mararanasan, ang lahat ng ito ay masarap at masaya lamang sa simula. Ngunit sa bandang huli, ito ay magdudulot ng kalungkutan at labis na panghihinayang dahil may babala na ang anumang relasyon na dumating sa panahong ito ng pandemya ay magiging pansamantala lamang para sa babaeng Tandang.


Sa pangkalahatan, sa umpisa lang magiging mabigat ang pag-unlad sa aspetong pangkabuhayan at career, ngunit habang tumatagal, maraming oportunidad ng pagkakakitaan ang mabubuksan na magpapalago sa kabuhayan at career ng Metal Rooster.


Habang sa pag-ibig, maraming maiinit pero minadaling relasyon at romansa ang mararanasan, na tiyak namang magdudulot ng pansamantalang sarap at kaligayahan.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | September 3, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, talakayin naman natin ang pangunahing ugali at kapalaran ng Rooster o Tandang ngayong Year of the Metal Rat at maging sa 2021 o ang Taon ng Gintong Baka.

Samantala, kung ikaw ay isinilang noong 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005 at 2017, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Rooster o Tandang.


Bukod sa pagiging matalino, matindi rin ang will power at pagpupumilit ng Tandang kung saan kapag pinlano at pinag-isipan talaga nilang makuha ang isang bagay, tiyak na ito ay kanilang nakakamit.


Sa pakikipagrelasyon, mahirap pakisamahan ang Tandang dahil bukod sa pagiging perpeksiyunista, mahilig din siyang mag-kritiko at mamintas. Dagdag pa rito, hilig niya ring makipag-debate at makipagtalo.


Pero alalahaning kahit nakikipagtalo o nakikipagdebate ang Tandang, hindi naman ito personal kung saan matalo man ang isa sa inyo, hindi naman ito labis na ikinasasama ng kanyang loob dahil para sa kanya, ang pakikipag-debate ay simpleng libangan o pampalipas-oras lamang kahit ayaw na ayaw niyang magpatalo sa kanyang kadebate. At kahit sa maliit na bagay, sadya at talaga namang makakadebate o makikipagtalo sa iyo ang Tandang.


Sinasabing higit na magiging maligaya ang Tandang sa anumang uri ng pakikipagrelasyon kung iiwasan na niyang makipagdebate at igiit ang mga bagay na hindi naman dapat ipilit dahil matapos ng debate, wala rin namang nananalo. Sa halip, nagkakasakitan lang ng pride at ego ang dalawang nagdedebate. Kaya kung matutunan ng Tandang na magpasensiya sa kanyang kausap at tanggapin ang mga imperfection ng mundo, higit siyang magiging maligaya sa pakikisalamuha sa kanyang kapwa.


Bukod sa hilig sa debate at pakikipagtalo, ang isa pang weakness ng Tandang ay ang pamimintas at kahiligan niyang makialam sa mga personal na katangian ng kanyang kapwa, lalo na ng mga taong mahal niya.


Mahirap unawain ang Tandang kung bakit niya ginagawa ito— kung totoo bang concern siya sa tao na pinipintasan niya para maitama ang mali o sadyang likas siyang pintasero at palahanap ng mga pagkakamali?


Samantala, kung matutunan ng Tandang na 'wag nang pansinin at intindihin pa ang mga negatibong ugali at maliit na pagkakamali ng kanyang mga kasama at mahal sa buhay, siguradong higit siyang magiging satisfied at maligaya sa anumang interpersonal relationship na kanyang papasukin.


Isa lang ang talagang ikatutuwa mo sa pangunahing ugali ng Tandang– 'yung lagi siyang masiyahin at nakatingin sa positibo at magagandang mga bagay. Kaya naman kung gusto mong mawala ang iyong mga problema at bibigyan ka niya ng mga positibong advice, sa gau'ng mga sitwasyon, maaasahan siya.


Sa pag-ibig, tugma ang Ahas na malakas ang intuition at pandama at dahil matalino at tuso, mauunawaan ng Ahas ang lahat ng negatibong ugali ng Tandang. Ang masipag at walang kibo na Baka ay eksakto ring maging karelasyon ng Tandang, dahil kapag sinunod niya ang kapareha niya ito, ang pagyaman ay tiyak na matatamggap ng kanilang pamilya.


Saludo at malaki naman ang paghanga ng Dragon sa Tandang, kaya sa sandaling sila ay nagkaroon ng relasyon, inaasahan ang maunlad at maligayang pagpapamilya.


Bagay din sa Tandang ang mapormang Tigre, tahimik na Kambing, masayahing baboy at maharot na Unggoy.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page