top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 6, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Dog o Aso ay nahahati sa limang uri o klase, batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Dog o Bakal na Aso - silang mga isinilang noong 1970 at 2030

  • Water Dog o Tubig na Aso - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Dog o Kahoy na Aso - silang mga isinilang noong 1934 at 1994

  • Fire Dog o Apoy na Aso - silang mga isinilang noong 1946 at 2006

  • Earth Dog o Lupa na Aso - silang mga isinilang noong 1958 at 2018

Sa pagkakataong ito, tatalakayin natin ang magiging kapalaran ng Metal Dog.

Kung ikaw ay isinilang noong 1970, ikaw ay nasa ilalim sa impluwensiya at kapangyarihan ng Metal Dog o Bakal na Aso at humigit-kumulang na ganito ang magiging kapalaran mo ngayong 2020 hanggang 2021.

Sinasabing sa career, nakatakda kang kumita ng malaking halaga at magkakaroon ng maraming pagkakataon ng pagkakakitaan at pagkakaperahan, na dapat sunggaban agad nang walang pagdadalawang-isip at pag-aalinlangan.

Dagdag pa rito, ngayong 2020 hanggang 2021, ‘yung matagal mo nang inaasam-asam na pangarap at mga bagay na pinaghirapan ay ngayon na mamumunga.

Tandaan din namang kapag napasaiyo ang tagumpay, dapat itong ingatan at ilaan para sa future.

Kung masaya ang pamilya at buong mag-anak, ingatan mo ito upang mapanatili ang pagsasama-sama at pagmamahalan ng pamilya. Kung malaking halaga naman ng salapi, pilitin mong maitago ito bago tuluyang maubos. Kung karangalan naman at promosyon sa iyong trabaho o inaaturgang gawain, panatilihin mo ang maganda mo nang nasimulan upang lalo pang dumami ang iyong karangalan at pagkilala.

Tandaan mo rin na ngayong 2020 hanggang 2021, madodoble ang lahat ng bagay sa iyong buhay. Kaya naman kung nasimulan mong magbisyo o maging tamad, ang iyong bisyo at masamang nakaugalian ay madodoble rin at lalo kang tatamarin. Kung walang pag-asa mong sisimulan ang 2020 at 2021, madodoble ito, kaya lalong manlulupaypay ang iyong kapalaran.

Kaya dapat ay palagi kang nakatingin sa positibo at maunlad na buhay sa taong ito at lagi kang maging masaya upang sa susunod 2021, magtuluy-tuloy ang pag-unlad at pagiging masaya ng iyong kapalaran.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, alalahanin mong minsan lang dumating ang pandemya at malapit na itong matapos. Ito ang pagkakataong lalo mong maipadarama sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay ang iyong pagkalinga at pagmamahal. Sa halip na mag-aburtido at makunsumi sa buhay, lalo mo pang pag-igihan ang lambing at pagmamalasakit at pag-aaruga sa bawat miyembro ng iyong pamilya.

Sa ganitong paraan, sa 2021, kung paano mo pinagsisikapang mapanatili ang buo at masayang relasyon, ganundin ang nakatakdang darating sa iyo sa susunod na taon – ang dobleng suwerte at magagadang kapalaran na may kaakibat ding saya at walang kahulilip na ligaya.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 3, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Kung ikaw ay isinilang noong 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006 at 2018, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Aso o Dog.


Sa pakikipag-ugnayan at aspetong pandamdamin, nais at palaging naghahangad ang Aso na maging malaya, ngunit sa pagiging malaya na ito, hindi pa rin maaalis sa kanyang isipan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pamilya. Ito ang kadalasan at tunay na motibasyon ng isang Aso—ang maging malaya habang pinapangalagaan ang kanyang pamilya.


Anuman ang mangyari, nananatiling tapat ang Aso sa kanyang pamilya at anumang pagkakamali ng isang miyembro, laging handa niyang patawarin ito at pagbigyan upang makapagsimula ng bago at mas masayang tahanan.


Bagama’t mahilig magduda at matagal magtiwala, sa sandaling nakuha mo ang tiwala ng isang Aso, habambuhay ka na niyang sasambahin at mamahalin, gayundin, habambuhay siyang magiging tapat sa iyo hanggang sa sukdulang ipagkaloob niya ang lahat at handa rin siyang magsakripisyo alang-alang sa pagmamahal niya sa iyo.


Dagdag pa rito, ayaw na ayaw ng Aso na makakita ng taong inaapi at nakararanas ng kawalan ng katarungan. Sa ganitong sitwasyon, nag-aapoy siya sa inis at galit dahil para sa kanya, batid ng kanyang puso na walang dapat apihin na nilalang ng mga nakatataas.


Kaya naman kadalasan, ang Aso ay nagiging rebelde at oposisyon sa mga may kapangyarihan, higit lalo kung ang naghaharing uri ay nang-aapi at nang-aabuso ng mga maliit na mamamayan. Dahil dito, karamihan sa mga Aso ay nagiging labor leader, tagapagtanggol ng mga naaapi at kadalasan, sila rin ang mga nagiging martir at bayani para sa pagmamahal sa maliit na uri ng nilalang at para sa kanilang sinilangang bayan.


Sa pakikipagrelasyon, tugma-tugma ang Aso sa Kabayo at Tigre kung saan habambuhay na makadarama ng ligaya, pagmamahal at kalinga ang Aso sa piling ng nabanggit na animal signs.


Dagdag pa rito, sinasabi ring ang relasyong Aso at Tigre, ganundin ang relasyon ng Kabayo at Aso ay mananatili nang tapat sa isa’t isa habambuhay.


Kung nais naman ng Aso ang masarap at panghabambuhay na kaibigan at kasama, na tugmang-tugma rin sa kanyang panlasa, bagay sa Aso ang Daga, Ahas, Unggoy at Baboy.


Sobrang hinahangaan naman ng Kuneho ang kakaibang ganda, katalinuhan at karisma ng Aso, kaya ang pakikipagrelasyon sa Kuneho ay tinatayang magbubunga rin ng panghabambuhay na ligaya.

Itutuloy

 
 

Bagay sa Year of the Dog dahil laging ipinaglalaban ang karapatan ng ibang tao

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | October 1, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, pag-usapan natin ang ugali at magiging kapalaran ng Dog o Aso ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa 2021 o Year of the Metal Ox.

Kung ikaw ay isinilang noong 1934, 1946, 1958, 1970, 1982, 1994, 2006 at 2018, ikaw ay mapabibilang sa animal sign na Aso o Dog.


Sa career at propesyon, dahil sa kakaibang husay sa pangangatwiran at lagi niyang ipinaglalaban ang karapatan ng mga naaapi at maliliit na nilalang, bagay na bagay sa Aso ang pagiging abogado, labor leaders, union organizer at social worker. Puwede rin sa kanya ang pulitika o pamumuno sa isang bayan o lungsod upang maisagawa niya ang pangarap niyang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga tao at magkaroon ng isang payapa, ideal at maunlad na lipunan na matagal na niyang nais makita at maisagawa sa kanyang mga nasasakupan.


Dagdag pa rito, tugma at bagay din sa kanya ang mga gawaing may kaugnayan sa sining, pag-arte, literatura, musika, pagpipinta at iba pang gawaing made-develop at mai-express ng isang Aso ang kakaibang husay at lihim niyang galing sa sining at paglikha.


Ang propesyong may kaugnayan sa pagpapari at pagpapayo ay bagay na bagay din sa isang Aso, gayundin ang mga gawaing may kaugnayan sa malalim na espirituwalidad kung saan marami ring naging martyr at santo na kabilang sa animal sign na Dog.

Sa pakikipagrleasyon at pakikisalamuha sa kapwa, ang Aso ang isa sa may pinakamalakas na karisma sa 12 animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo. Kapag nakuha mo na ang tiwala niya, kung ano ang hiling mo, ‘yun mismo ang ibibigay at matatanggap mo sa kanya. Pambihira rin ang kanilang atraksiyon sa panlabas na anyo at kakaibang ligaya ang dulot nila sa romansa at kaligayang pangkatawan. May mga sandali ring nagiging tunay na palaban at may pagka-wild ang Aso pagdating na sa kama.


Gayunman, sobrang loyal o tapat ng Aso sa pag-ibig hanggang sa sukdulang hindi na niya nakikita ang pagkakamali ng kanyang minamahal, ganundin ang pagkakamali ng pag-ibig o relasyong kanyang pinasok, kaya minsan ay nasusuot siya sa isang hangal at immoral na relasyon.


At dahil sa sobrang umibig at magmahal, minsan, ang debosyon na ito sa kanyang pagnanasa at pag-ibig ay nagagawang samantalahin ng kanilang minamahal. Kaya huli na kapag na-realize o naisip niya na sinamantala lamang siya at ginamit ng taong matagal din niyang minahal at sinamba.


Kung maiiwasan ng Aso na sambahin at sobrang maging deboto hanggang sa sukdulang maging alipin siya ng kanyang minamahal, kumbaga, ‘wag masyadong ibigay ang buong sarili at kaluluwa sa kanyang mamahalin, higit na magtatagal at magiging maligaya ang bawat pakikipagrelasyon papasukin ng isang Aso.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page