top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 22, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 22, 2024



ree

Kitang-kita ni Gabriel ang takot sa mga mata ni Princess, kaya maski siya ay nag-panic din. Hindi niya kasi makakayang mawala sa piling niya ang kanyang pinakamamahal, at hindi niya hahayaang mangyari ang kinatatakutan nito. 


Huwag ka ngang ganyan,” buong diin niyang sabi. 


“Ito ang mangyayari. Mamamatay ako kapag hindi agad ako nakabalik sa aking katawan.”


“Sisiguraduhin kong makababalik ka sa katawan mo,” tiyak niyang sabi. 


Ikinatuwa naman ni Princess ang pagbibigay ng assurance ni Gabriel sa kanya, at hanggang sa hindi niya na napigilang yakapin ito. 


“Thank you,” wika nito habang nakayakap.


Dapat sana ay masiyahan si Gabriel sa ipinapakita ni Princess, pero may kakaiba siyang nararamdaman.


“Ano'ng gagawin natin?” Pagtatanong ni Princess. 


Sa tingin niya, hindi siya tatantanan ni Princess hanggang hindi nito nakukuha ang kanyang nais. Hindi rin naman kasi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.


Basta, nakatitiyak siya na hindi siya papayag na mawala ito sa kanya. 


“Wala pa akong ideya.”


“Ako mayroon.” 


“Ano?” 


“Hindi madali.”  


“Sabihin mo.”


“Kailangan natin ng albularyo para maitaboy na si Baninay sa katawan ko.”

“Sige, magpapahanap ako.”


“Hindi na kailangan, nand'yan naman si Manang.”


“'Yung ina ni Baninay?”


“Yes.”


“Kaya lang may babala ako sa’yo.”


Kumunot ang noo niya, sa napakaseryosong pananalita ni Princess. 


“Kailangan masaktan ang katawan ko.” Mariing sabi nito.


Itutuloy…



 
 
  • BULGAR
  • Jan 21, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 21, 2024



ree

Napangiwi si Princess dahil sa biglang pagtawa ni Gabriel. Ang inaasahan kasi niya ay magalit ito. Ngunit, nakabibigla ang positibong pagtanggap nito sa kanyang sinabi. 


“Huwag ka ngang magpatawa,” wika niya. 


Hindi man lang sineryoso ni Gabriel ang kanyang sinabi. Kung hindi siya nagkakamali, inakala lang ng binata na siya'y nagbibiro.


Gustong ipagpilitan ni Princess ang kanyang sinasabi, pero pagkaraan ng ilang sandali ay parang naglaho ang lakas ng kanyang loob, at hindi na nga niya maibuka pa ang kanyang bibig para sana magsalita muli.


“Bakit ginayuma mo ba ako? ” Tanong nito. 


“Hindi ka ba naniniwala?” Tanong niya sa halip na sagutin ng diretsahan ang itinatanong nito. 


Marahang tawa ang pinawalan nito at sabay sabing, “hindi mo naman ako kailangang gayumahin. Day 1 palang mula nang magkakilala tayo, nagawa mo na akong magayuma.” 


Gusto sana niyang kiligin sa mga salitang sinasabi ni Gabriel, pero hindi niya masiguro kung seryoso ba ito o hindi. 


“Eh, bakit hindi ka nainlab kay Baninay? Iisa lang naman ang mukha namin.”


“Kasi nga ikaw ang mahal ko, kahit na ano pa ang hitsura mo, mahal kita. At hindi ikaw si Baninay, kaya hindi niya ako malilinlang.” Marahang sabi nito. 


May mga gusto pa sana siyang sabihin, pero pinili na lamang niyang itikom ang kanyang bibig. Basta ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang narinig. 


“Pero, kailangan ko na bumalik sa katawan ko,” pagmamadali niyang sabi. 


“Kahit hindi na…”


“Hindi puwede,” gilalas niyang sabi. 


“Dahil nanghihinayang kang mawala ang kagandahan mo?”


“Dahil mamamatay ako kapag hindi na ako nakabalik sa katawan ko,” mariin niyang sabi.


Itutuloy…



 
 
  • BULGAR
  • Jan 20, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 20, 2024



ree

Akala ni Princess ay magagawa niyang kalimutan na minsan sa kanyang buhay ay gumawa rin siya ng ritwal para mapaibig ang kanyang pinakamamahal na si Gabriel Monteverde. 


Ngunit mali siya roon, sapagkat ngayon ay para itong bangungot na palagi niyang naiisip. Noon, hindi talaga siya pinapansin ni Gabriel, at binabalewala lang nito ang kanyang pagpapa-cute. 


Si Princess Sandoval ay isang campus princess, mapapahiya siya nang husto sa lahat kung ibang babae ang magugustuhan ni Gabriel, kaya kahit magmukha siyang katawa-tawa sa paningin ng iba, nag-research siya kung paano gayumahin ang isang tao, alam niyang isang malaking kalokohan ang kanyang gagawin pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay mahal niya si Gabriel kaya handa niyang gawin ang lahat para lamang mahalin siya ng binata. 


Matapos niya ibulalas ang ritwal na nagsasabi na mamahalin siya ni Gabriel, laking gulat niya dahil hindi na nga siya tinantanan nito. Mula noon ay palagi na itong nakabuntot sa kanya. 


Napangisi siya nang husto, hindi niya kasi lubos akalain na sa unang subok palang ay gagana na agad ang ritwal na kanyang ginawa. Siguro dahil isinapuso niya ang mga katagang kanyang binibigkas kaya matapos niyang gawin ang ritwal na iyon, ito ay agad na umepekto. 


“Ang lalim naman nang iniisip ng mahal ko,” wika ni Gabriel.


“Mabuti na lang hindi ka tinablan ng gayuma,” sagot niya. 


“Hindi ako tatablan ng gayuma. Sabi ko nga sa’yo, mas matindi ang pagmamahal na ibinibigay ko para sa’yo.” Pagmamalaking sambit ng kanyang nobyo

“Pero, paano kung ginayuma rin kita?” Wika niya sabay harap kay Gabriel. 


‘Ika nga sa kasabihan, “walang lihim na hindi nabubunyag.” Kaya naisip niyang aminin na rito ang katotohanan. 

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page