top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 26, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 24, 2024



ree

““Ano'ng nangyayari sa’yo?”


Biglang napapitlag si Gabriel sa tanong na iyon ni Princess. Para tuloy gusto niyang murahin ang kanyang sarili. Napaka-oa naman kasi ng kanyang reaksyon.


“Ha? Wala!” Natataranta niyang sagot.


Hindi kumibo si Princess, pero ramdam niyang gulat na gulat ito. Kunsabagay, iyon din naman ang kanyang nararamdaman.


Hindi maintindihan ni Gabriel ang kanyang sarili, at para bang may mukhang gustong mag-flash sa kanyang isipan kaya lang napakalabo nito. Ibinuka niya ang kanyang bibig para sana magsalita pero walang lumalabas na tinig doon.


Sure ka?” Paniniguradong tanong ni Princess.


“Oo naman.” Napangiwi siya dahil kasinungalingan ang kanyang isinagot.


Sa katunayan, gusto na niyang itanong kay Princess ang tungkol sa babaeng pumapasok sa kanyang utak, pero kapag ginawa niya iyon ay para na rin siyang nakagawa ng kasalanan dito.


Bakit nga ba may ibang babaeng pumapasok sa kanyang isipan? Hindi naman niya siyempre maikakatwiran na kaibigan niya lang iyon.


“Mahal ko si Princess,” wika niya.


Kaya wala dapat ibang pumapasok sa kanyang isipan, kundi ito lang. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Para sa pamamagitan nu'n ay maalis sa kanyang isipan ang tungkol sa babaeng ‘yun.


“Nagsisinungaling ka,” malungkot na sabi ni Princess.


“No way” Buong diin niyang sabi, para sabihin dito na hindi siya nagsisinungaling. Ngunit, ang atribidang bahagi ng kanyang isip ay nagsasabing magpakatotoo ka. Kahit naman kasi ano’ng gawin niyang pagtataboy ay hindi nawawala sa isip niya ang hitsura ng babae.


“Huwag mo naman akong awayin,” natataranta niyang sabi.


“Lalabas na ang kasalanang ginawa ko.”


“Ano bang ginawa mo?” Nagtataka niyang sabi.


Marahas na buntong hininga ang pinawalan nito at sabay sabing,  “ginayuma lang din kita”


Itutuloy…

 
 
  • BULGAR
  • Jan 24, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 24, 2024



ree

Kailanma'y hindi nawala sa puso ni Gabriel si Princess, kaya naman kahit nasaang katawan ang kanyang nobya ay agad niya itong nalalaman. Ang puso kasi niya ang mismong nagsasabi na ito ang mahal niya. 


Ang buong pag-aakala ni Gabriel noon ay imposible malaman kung siya nga ba ang taong hinahanap mo kapag nakapikit ang iyong mga mata. Ngunit, hindi pala iyon imposible, nalaman niya agad na hindi talaga si Princess ang kanyang kaharap dahil hindi tumitibok ang kanyang puso para rito. 


“Congrats,” bati niya sa kanyang sarili. 


Hindi siya nagawang lokohin ng taong sa tingin niya ang nagmamahal sa kanya. Mali nga lang ang uri ng pagmamahal nito, dahil ang layunin lang nito ay maagaw siya.


Ngunit, nabigo si Baninay sa kanyang binabalak. 


Aware siyang crush na crush siya ni Baninay. Hindi naman kasi siya manhid. Nakikita niya sa pagtitig nito ang tunay nitong damdamin. Ngunit, hindi naman niya aakalain na gagawa ito ng maduming hakbang para lang maagaw siya kay Princess. 


Napailing tuloy siya ng ilang ulit dahil hindi niya pinakinggan ang sinabi rati sa kanya ni Princess na kakaiba ang tingin ni Baninay sa kanya. Pinagtawanan pa nga niya ito at siyempre kinilig din. Nangangahulugan kasi na mahal talaga siya ni Princess.


Malaki ang tiwala sa kanya ni Princess, alam naman nito kung gaano niya ito kamahal.


Ngunit, bakit nga ba matindi ang takot na nakikita niya sa mga mata nito?


Nang may biglang nag-flash sa kanyang isipan, hindi niya ito kilala pero pamilyar sa kanya ang ganitong hitsura. 


Itutuloy…


 
 
  • BULGAR
  • Jan 24, 2024

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 23, 2024



ree

Sumakit ang katawan ni Princess, lalo na ang kanyang kamay at mga paa. Bigla niyang naalala na itinali nga pala siya roon habang pumapasok sa kanyang isipan ang hitsura ni Baninay. Nang mapatingin siya sa salamin, naningkit ang kanyang mga mata. Iyon din kasi ang hitsura niya ngayon. 


Gusto sana niyang umiyak, pero hindi niya magawa. Naisip niya kasi na hindi naman maibabalik sa dati ang kanyang hitsura kung sasayangin lang niya ang kanyang luha. 


Ang kailangan niya ay makaisip ng solusyon. Hindi naman kasi normal ang pinagdaraanan niya kaya dapat bawat desisyon na gawin niya ay may kaakibat na pag-iingat. 


Bata pa lamang si Baninay, alam niya nang may kakaiba rito. Ramdam niya ‘yun sa tuwing tumititig ito kay Gabriel. Gayunman, ni minsan ay hindi niya nag-isip na komprontahin ito.


Una, ayaw niyang lumabas na kontrabida sa paningin ninuman. Hindi naman kasi masama kung may paghanga ito kay Gabriel. Natural lang na hangaan nito ang kanyang nobyo na talaga namang napakaguwapo. Pangalawa, may takot siyang nararamdaman kay Baninay, sa tuwing tinitingnan siya nito. Kung may kakayahan nga lang siguro itong magbato ng punyal sa pamamagitan ng pagtitig ay ginawa na nito.


Ngunit, hindi siya dapat na magpadala sa kanyang negatibong nararamdaman. Ang kailangan niyang isipin palagi ay mahal niya si Gabriel kaya hindi siya gagawa ng anumang bagay na maaaring maging daan para sila’y magkahiwalay. 


“Maligayang pagbabalik,” wika ng matandang lalaki na kanyang nasalubong. 


“Hindi ko gustong pumunta rito,” wika niyang biglang kinabahan. Naalala kasi niya bigla ang transaksyon na ginawa niya rito. 


Kumunot ang kanyang noo nito, at sabay sabing, “bakit ka narito?” 


“Hindi ko rin alam. Ang gusto ko lang ay makauwi na ako.”


“Isa na namang kahilingan mo ang tutuparin ko.”


“Alam ko. Ngunit, kailangan ko itong gamitin. Anyway, may isa pa naman akong kahilingan na natitira bago mo tuparin ang ikalawa kong kahilingan na makauwi kay Gabriel.”


Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page