top of page
Search

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Sisimulan ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17-anyos kung saan prayoridad ang mayroong comorbidities sa Oktubre 15, ayon sa Department of Health (DOH).


“We are targeting October 15, and we will start with National Capital Region because they have a significant vaccine coverage so far [at around 70%],” ani DOH Undersecretary Myrna C. Cabotaje sa Laging Handa briefing ngayong Miyerkules.


“We will be prioritizing those with comorbidities like respiratory and kidney disease, among other medical complexities,” dagdag ng kalihim.


Ayon kay Cabotaje, dalawang linggo matapos simulan ang pagbabakuna sa Metro Manila, isasagawa naman ang gradual transition ng COVID-19 vaccination sa mga kabataan sa iba’t ibang rehiyon.


Sa isang statement ng DOH, ang mga kabataan ay nakabilang sa ilalim ng priority group A3 na ayon sa ahensiya, ang expansion pa sa grupong ito ay agad isusunod kapag naabot na ang coverage ng mga senior citizens sa buong bansa na makatanggap ng bakuna at sapat na rin ang suplay ng COVID-19 vaccine.


Una nang inanunsiyo ng Malacañang kahapon, na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna kontra-COVID-19 ng general population, kabilang din dito ang mga menor-de-edad simula sa Oktubre.


“For the initial run, we recommend that children with comorbidities will be vaccinated in selected sites with clearance from their pediatricians or trained doctors, or for far-flung or Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), with clearance from on-site trained physicians guided by a checklist from the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP),” paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


“We have to ensure that children have equitable access to vaccines. Eventually, as we get more local experience, we will be able to retool our current vaccinators on the additional precautionary steps on screening and vaccine administration,” dagdag ni Vergeire.


Ayon sa DOH, kinakailangan ng tinatawag na informed consent ng mga magulang o guardian at ng mga bata bago pa ang kanilang vaccination. Dapat ding sapat ang suplay ng Pfizer at Moderna vaccines dahil ito lamang ang bakuna sa ngayon na inaprubahang gamitin para sa mga edad 12 hanggang 17-anyos ng Food and Drug Administration (FDA).


“These are two doses with an interval of 28 days, and the same amount of dose used on adults,” sabi naman ni Cabotaje. Binigyang-diin din ng DOH ang kahalagahan ng medical clearance na ayon sa ahensiya mayroong, “Equitable access to medical clearance by a physician for children with comorbidities.”


“The DOH emphasized the need for a careful and planned rollout of vaccines for children,” pahayag ng DOH. “Considering that the risks of contracting severe COVID-19 infection or dying from COVID-19 is significantly lower for healthy children, it follows that the benefits from vaccination relative to the risk of a healthy child is also lower, compared to a sick child, adult or senior citizen,” dagdag ng ahensiya.


Matatandaang sinabi ni FDA chief Eric Domingo na kapag nakabilang na ang mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17-anyos sa COVID-19 vaccination program ng bansa, ibig sabihin nito 12 milyon pang indibidwal ang babakunahan, o aabot ito sa 24 milyong doses ng vaccines ang kailangan.

 
 

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Ipinahayag ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ngayong Miyerkules na ang mga manggagawa na tinamaan ng COVID-19 sa ilalim ng tinatawag na job-related circumstances ay makakatanggap ng tinatayang P10,000.


Sa isang interview kay ECC senior information officer Alvin Garcia, sinabi nitong ang naturang assistance ay hiwalay sa mga benepisyo mula sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).


“They can receive cash assistance benefit. Sa ngayon, fixed siya na P10,000 for sickness claim, P15,000 for death claim,” ani Garcia. Ayon kay Garcia, para naman sa mga tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang taon ay maaari pa ring maka-avail ng cash aid.


Gayunman, paliwanag ni Garcia, ang mga empleyado na nakasakop sa tinatawag na work-from-home arrangement simula ng implementasyon ng community quarantines ay hindi covered ng cash assistance ng ECC.


Sinabi naman ni Garcia na pinag-aaralan na sa ngayon ng mga medical experts ang coverage para sa work-from-home employees na nagkaroon ng COVID-19.


Ang mga requirements para sa P10,000 cash assistance ay ang mga sumusunod:

• ang accomplished forms na downloadable mula sa mga websites ng ECC, SSS, GSIS

• certificate of employment na naka-indicate ang huling petsa na nag-report sa trabaho bago ang infection ng empleyado

• swab test result

• medical certificate o quarantine clearance

• dalawang valid IDs Noong Abril, inaprubahan ng ECC ang inclusion o pagsama ng COVID-19 sa kanilang listahan ng occupational at work-related compensable diseases.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page