top of page
Search

ni Lolet Abania | October 16, 2021



Nakarekober na umano si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio matapos na makaranas ng mild symptoms ng COVID-19.


Sa pahayag ni Dr. Michelle Schlosser, spokesperson ng Davao City COVID-19 Task Force, nagkaroon na ng pagbabago sa kondisyon ni Mayor Sara matapos na sumailalim ito sa isolation at nakasama ang kanyang pamilya.


Ayon kay Schlosser, nabatid na rin ang lahat ng mga naging close contacts ng alkalde at isinailalim na ang mga ito sa swab test. Aniya, wala namang close contact ni Sara na nagpositibo sa COVID-19.


Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sara na nahawaan siya ng virus kahit na fully vaccinated na gamit ang gawa ng China na Sinopharm vaccine.


Matatandaang nakansela ang medical leave ni Sara na magtutungo sana sa Singapore matapos na magpositibo sa virus ang kasamahan nito. Si Mayor Sara ang ikatlo sa magkakapatid na tinamaan ng COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | October 13, 2021



Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Miyerkules ang rekomendasyon na isailalim ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31, 2021.


Sa ilalim ng Alert Level 3, maraming establisimyento bukod pa sa mga restaurants at personal care services ay papayagan nang mag-operate ng 30% ng venue capacity anuman ang vaccination status ng mga kustomer.


Ang mga establisimyento na papayagang mag-operate sa ilalim ng Alert Level 3 ay museums, libraries, internet cafes, billiard halls, amusement arcades, casinos, cockfighting, lottery, gyms, spas, leisure centers at iba pa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page