top of page
Search

ni Lolet Abania | November 3, 2021



Nagpahayag ng suporta si Quezon City Joy Belmonte hinggil sa pagpapatigil ng pagsusuot ng face shield, kung saan isa sa requirements pa rin ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa isang interview ngayong Miyerkules, sumang-ayon si Belmonte sa desisyon ng ibang local government units (LGUs) na ang pagsusuot ng face shields ay gawin na lamang optional. “I believe that it is the right thing to do,” ani Belmonte.


“It doesn't actually work for the purpose it should serve. It is just there for the compliance. If that is the case, we might as well do away with it and just stress wearing facing face masks,” dagdag ng mayor.


Batay sa kanilang city ordinance, sinabi ni Belmonte na nire-require lamang ng QC government ang pagsusuot ng face shields sa mga closed spaces.


Kahapon, ayon sa Malacañang, ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force ang pabor sa pagpapatigil ng mandatory use ng face shield kapag nasa labas dahil na rin anila sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.


Gayunman, giit ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala pang pinal na desisyon IATF kung ang face shield ay tuluyang aalisin.


 
 

ni Lolet Abania | October 27, 2021



Nakapagtala ng karagdagang 34 kaso ng COVID-19 sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) kung saan umabot na sa kabuuang 41,701 cases ngayong Miyerkules.


Sa inilabas na update ng PNP, nasa 40,923 ang nakarekober sa sakit habang 655 naman ang nananatiling active cases.


Ang mga nasawi dahil sa COVID-19 sa organisasyon ng mga pulis ay 123 pa rin.


Hanggang ngayong Miyerkules, ayon sa PNP nasa 198,016 o 88.74% ng kanilang personnel ay mga fully vaccinated na habang 22,493 o 10.08% ang naghihintay ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine.


Tinatayang nasa 2,624 o 1.18% ng PNP personnel ang hindi pa nababakunahan.



 
 

ni Lolet Abania | October 27, 2021



Posibleng simulan na ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa lahat ng kabataan edad 12 hanggang 17-anyos sa buong bansa sa Nobyembre 3, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.


“We will open up ’yung (vaccination ng) 12 to 17 years old sa November 3 dahil nakita natin na maganda naman ang naging result ng ating trials at pilot sa hospitals. Nakita natin very minimum ‘yung adverse effects,” ani Galvez sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon sa opisyal mahigit sa 14,000 menor-de-edad na may comorbidities na ang kanilang nabakunahan. “Nakapagbakuna na tayo ng more than 14,000, io-open na po natin para wala nang tinatawag nating bottleneck,” paliwanag ni Galvez.


Sinabi ni Galvez na ang mga pribadong kumpanya ay maaari na ring isagawa ang pagbabakuna sa mga minor dependents ng kanilang mga empleyado.


“Puwede na po ‘yun, just in case sa November 3 puwede na po mag-start. They have to coordinate with the different LGUs... coordinate with the National Vaccination Operation Center (NVOC) para ma-inspect at sa training,” sabi ni Galvez.


Binanggit naman ni Galvez na nasa tinatayang 40 hanggang 50 pang ospital sa buong Pilipinas ang nakatakdang magsagawa ng pediatric vaccination. “Magkakaroon na tayo ng more than 50, (There will be) additional 50 hospitals all throughout the Philippines,” sabi naman ni Galvez sa hiwalay na interview nito sa CNN Philippines.


Samantala, ipinahayag ng Department of Health (DOH) na mananatiling Pfizer at Moderna vaccines ang gagamitin para sa nationwide rollout.


“Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Hinimok din ng DOH ang mga nasa populasyon ng mga adult o matatanda, lalo na iyong mga nasa A2 at A3 priority groups na magpabakuna na kontra-COVID-19 para sa dagdag na proteksyon laban sa sakit.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page