top of page
Search

ni Lolet Abania | December 3, 2021



Tatlong biyahero na dumating sa Pilipinas mula sa South Africa, Burkina Faso, at Egypt ang nagpositibo sa test sa COVID-19 sa gitna ng banta ng Omicron variant, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sa isang media briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroong 253 travelers galing sa South Africa, tatlo mula sa Burkina Faso, at 541 galing naman sa Egypt, ang dumating sa bansa mula Nobyembre 15 hanggang 29.


“Each of these countries nagkaroon ng travelers who tested positive for COVID-19. Merong isa out of 253 from South Africa, isa out of 541 from Egypt, at isa out of three from Burkina Faso,” sabi ni Vergeire.


“So lahat po ng nag-positive na ‘yan as long as CT values are appropriate, ipapadala po natin sa Philippine Genome Center for whole-genome sequencing,” aniya pa.


Ang Omicron variant ay unang na-detect sa South Africa at itinuturing bilang isang variant of concern ng World Health Organization (WHO).


Agad na naglabas ng update ang Pilipinas ng mga nasa red list na bansa, kung saan ang mga travelers ay pansamantalang ipinagbawal makapasok sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Kabilang sa mga bansang nasa red list ay South Africa at 13 iba pa gaya ng Austria, Czech Republic, Hungary, the Netherlands, Switzerland, Belgium, Italy, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique.


Sinabi naman ni Vergeire kahapon na pinoproseso pa ng DOH ang batch na subject para sa genome sequencing nitong linggo. “Results might be tonight or tomorrow,” sabi pa ni Vergeire.


 
 

ni Lolet Abania | December 3, 2021



Maaari nang iklasipika ang National Capital Region (NCR) na nasa “very low risk” sa COVID-19, ayon sa independent group na OCTA Research.


Sa isang table na nai-post sa Twitter ni OCTA fellow Dr. Guido David, nagpapakita ito ng improvement sa bilang na naitala noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2 ngayong taon, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.


“Based on our metrics, the NCR is now classified as VERY LOW RISK. The figure compares the numbers this week vs the same week last year,” pahayag ni David ngayong Biyernes.

Ayon sa OCTA, ang average ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw ay umabot sa 138 lamang mula Nob. 26-Dis. 2, 2021, kumpara sa 416 sa pareho ring panahon noong nakaraang taon.


Mas mababa naman ang reproduction number na 0.36 ngayong taon, mula sa 0.94 noong 2020.


Ang reproduction rate ay bilang ng mga taong infected ng isang kaso, habang ang reproduction number naman na below 1 ay nagpapahiwatig na bumabagal na ang transmission ng virus.


Paliwanag pa ng OCTA, “The daily attack rate per 100,000 fell to 0.97 this year from 2.94 last year. The same goes with positive rate -- down to 1.2% in 2021 from 3.9% in 2020.”


Gayundin, nagpakita ng pagbaba sa mga okupado ng hospital beds mula sa 1,791 nitong 2021 ay bumaba ito kumpara sa 2,305 noong 2020; ang hospital bed occupancy na may 21% ng 2021 na mababa na mula sa 38% noong 2020; at ang ICU bed occupancy na 27% ng 2021 ay bumaba na mula sa 47% noong 2020.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 3, 2021



Naitala ng Philippine General Hospital sa nakalipas na dalawang araw na walang naisugod na COVID-19 patient.


Ayon sa tagapagsalita ng PGH na si Dr. Jonas Del Rosario, mayroon silang 54 COVID patients sa ngayon, na pinakamababa sa mahigit isang taon mula nang isailalim sa public health crisis ang bansa.


Matatandaang nasa 350 beds ang inilaan ng PGH para sa mga COVID-19 patients sa mga surge na naranasan sa mga nakalipas na buwan.


Patuloy ding umaasa ang pamunuan ng PGH na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 hindi lang sa kanilang ospital kundi maging sa buong bansa.


Samantala, dahil sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 patients sa PGH, sinabi ni Del Rosario na mas marami pang non-COVID-19 patients ang puwede na nilang tanggapin.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page