top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021



Simula noong Biyernes ay puwede nang magpaturok ng booster shots kontra COVID-19 ang mga 18-anyos pataas na wala sa unang tatlong priority groups.


Para makapagpasaksak ng booster shot, dapat lagpas 6 na buwan na mula nang makumpleto ang dalawang doses ng COVID-19 vaccines.


Para naman sa mga nasaksakan ng Janssen vaccine, maaari nang magpa-booster shot 3 buwan matapos maturukan ng single dose. 


Puwedeng mamili kung pareho o iba ang brand ng booster sa naunang itinurok sa kanila.


Pinaaalala rin na kailangang dala ng vaccination card at valid ID kapag magpapa-booster.


Noong Biyernes ay nasa 389,451 na ang nabakunahan ng booster shots kontra COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | December 4, 2021



Halos 100 na mga Pilipino ang stranded sa Europe at Africa matapos na 14 bansa mula sa naturang rehiyon ang isinailalim sa red list ng Pilipinas sa gitna ng banta ng Omicron COVID-19 variant.


Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola, tinatayang 50 Pinoy ang stranded sa Europe, kung saan pitong bansa ang nasa red list hanggang Disyembre 15. Ito ay ang Austria, Czech Republic, Hungary, The Netherlands, Switzerland, Belgium, at Italy.


“So far we have more or less 50 Filipinos stranded in Europe,” ani Arriola at the Laging Handa public briefing ngayong Sabado. Sa South Africa naman, tinatayang 49 Pilipino ang stranded, kung saan ang South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini, at Mozambique ay una nang inilagay sa red list matapos na ang Omicron variant ay unang mai-report sa naturang rehiyon.


“We just received word this morning from our post in South Africa that there are around 49 [stranded OFWs],” dagdag ni Arriola. Ang mga pasahero na nagmula o nanggaling sa mga bansa na inilagay sa red list ng bansa sa loob ng huling 14-araw ay hindi papayagang pumasok sa Pilipinas.


Sinabi naman ni Arriola na nag-organisa na ang gobyerno ng repatriation flights mula sa Europe na nakatakda sa Disyembre 10 at 13.


Subalit aniya, nahihirapan itong isagawa sa South Africa dahil sa karamihan sa mga transit countries ay ayaw tumanggap ng mga flights mula roon, kung saan ang Omicron ay unang na-detect sa naturang bansa.


“Ang kailangan po namin talaga at the moment, nakikiusap po kami, makipag-ugnayan po tayo sa ating mga embahada so that we can help you,” sabi pa ni Arriola.


Payo ni Arriola sa mga stranded overseas Filipinos hinggil sa kanilang repatriation, maaaring bisitahin ang DFA’s official OFW Help Facebook Page para sila ay kanilang matulungan.


“We stand ready in DFA, all our posts are prepared. We pray that other countries will no longer be added under the red list, but should it happen, all our embassies and consulates around the world, we stand ready to assist,” saad pa ni Arriola.



 
 

ni Lolet Abania | December 4, 2021



Simula sa Enero 2022, ang mga indibidwal na hindi pa nabakunahan kontra-COVID-19 ay hindi papayagan sa mga indoor at outdoor na mga establisimyento sa Cebu City.


Gayunman, ang mga nasa edad 11 at pababa na kasama ang kanilang mga magulang o guardian na fully vaccinated na ang papayagan sa mga establisimyento.


Dapat namang i-require ng mga establisimyento sa mga kustomer na magpakita ng kanilang vaccination cards bago pa ang mga ito pumasok.


Ang bigong gawin ang mga panuntunang ito ang magiging basehan para ipasara ang isang establisimyento.


Nakatakdang mag-isyu ang Cebu City local government unit (LGU) ng isang executive order hinggil dito sa Disyembre 29.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page