top of page
Search

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Ipinahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Romando Artes na nasa 60 personnel ng MMDA ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Sa Kapihan sa Manila Bay forum ngayong Miyerkules, sinabi ni Artes na 100 empleyado ng MMDA ang sumailalim sa COVID-19 testing nitong Martes at nang lumabas ang kanilang resulta, tinatayang 60 indibidwal ang tinamaan ng coronavirus.


“Right now po, mayroon po tayong infections... in fact kahapon po nagpa-swab tayo ng may mga symptoms, out of 100, it was reported this morning, ‘yung na-swab kahapon, ay nasa 60 plus po ‘yung positive,” ani Artes.


Ayon sa opisyal, karamihan sa mga kaso ay mild at asymptomatic, kung saan halos lahat ng mga empleyado at workers ng MMDA ang nabakunahan na kontra-COVID-19.


Aniya, patuloy naman ang MMDA na nagsasagawa ng booster shots para sa kanilang mga manggagawa. Gayundin, nitong Martes, nakapag-administer sila ng booster shots para sa 680 personnel. Sinabi rin ni Artes na mayroong tinatayang 8,000 empleyado ng MMDA.

 
 

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Kinumpirma ni House Deputy Speaker at Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante ngayong Miyerkules na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“As part of regular precautions we have undertaken in our home to protect ourselves, our family, and our loved ones from COVID-19, I recently got tested for COVID. This morning I received the results of my test, which revealed that I am COVID-positive,” ani Abante sa isang statement.


Ayon kay Abante, natukoy na niya ang mga naging direct contact nitong mga nakalipas na araw, at pinayuhan na ring sumailalim sa self-quarantine habang sinabihan silang dapat na i-monitor ang kanilang sarili sa anumang COVID-19 symptoms.


Sinabi ni Abante na sa ngayon, nakakaramdam siya ng pananakit ng katawan subalit mino-monitor naman siya ng kanyang mga doktor.


“Aside from being fully vaccinated, I have also received my booster shot -- and it is clear, in my view, that the vaccines have helped me in these two bouts with the virus,” sabi ng Deputy Speaker.


“I enjoin everyone -- especially senior citizens like myself -- to get vaccinated and to get their booster shots, especially with the rising number of COVID cases in the country,” dagdag ni Abante. Ayon pa sa mambabatas, ito na ang ikalawang beses na tinamaan siya ng COVID-19.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 5, 2022



Muling nakapagtala ng COVID-19 case ang Batanes nitong Martes.


Ayon sa provincial government, dalawang residente na umuwi sa probinsya sakay ng Philippine Airlines noong Disyembre 30, 2021 ang nagpositibo sa COVID-19. 


Mayroon silang nararanasang mild symptoms ng sakit noong sila ay dumating kaya sumailalim sila sa RT-PCR Test.


Kasalukuyan nang nasa isolation facility ang dalawang pasaherong nagpositibo.


Isinailalim na rin sa quarantine ang kanilang close contacts at nakasabay sa biyahe sa kani-kanilang bayang inuwian.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page