top of page
Search

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Nasa tinatayang 5.7 milyong kabataan na edad 12 hanggang 17 sa Pilipinas, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang patuloy ang gobyerno sa pagsugpo sa nakahahawang sakit.


“We are good to report na ang vaccination po natin sa mga minors, particularly ‘yung 12 to 17, eight million na po ang nakakuha ng first dose at 5.7 million ang nakakuha po ng second dose,” sabi ni vaccination chief Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang pulong nitong Martes na ipinalabas naman sa telebisyon ngayong Miyerkules.


Ayon kay Galvez, sunod namang tututukan ng mga awtoridad ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga kabataan na nasa edad 5 hanggang 11.


Sinabi rin ng kalihim na nakikipag-ugnayan na siya kay Philippine ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez upang mapabilis ang delivery ng mga Pfizer vaccines para sa naturang grupo ng mga kabataan.


Sa kabuuan nasa 50.6 milyon Pilipino na ang fully vaccinated, ayon pa kay Galvez.

 
 

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatalaga ng mga pulis sa mga COVID-19 quarantine hotels ay hindi nangangahulugan na binibigyan ang pamunuan ng mga establisimyento ng free pass sakaling ang mga guests nito ay lumabag sa quarantine rules, ayon sa Malacañang.


Ito ang naging komento ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles matapos na dalawang Pinay na mula sa United States ay dumating sa Pilipinas para sa Christmas holidays na tumakas at nakalusot sa kanilang quarantine at kalaunan ay tinamaan ng COVID-19, habang nahawaan naman ang ilan sa kanilang naging close contacts ng coronavirus.


“The President was just emphasizing the limitations on the part of the hotel, especially if the violators become aggressive. You would need law enforcement [personnel to be there]. But it does not absolve them of their negligence,” ani Nograles sa Palace briefing ngayong Miyerkules.


“The omission, non-reporting of violation... cases will be filed over that. They will be prosecuted, and it is up for the judge to decide,” sabi pa ni Nograles.


Nitong Martes, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga law enforcers na guwardiyahan ang mga hotels na nagsisilbing quarantine facilities para sa mga returning Filipinos, matapos ang viral report ng isang babaeng tumakas sa kanyang quarantine nang dumating sa bansa mula sa US.


Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na ang mga indibidwal na lalabag sa mandatory COVID-19 quarantine protocols ay papatawan ng criminal charges sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act (Republic Act 1132), bukod sa iba pang civil cases.


Nakasaad sa ipinagbabawal sa ilalim ng RA 11332 ay:

• unauthorized disclosure of private and confidential information pertaining to a patient’s medical condition or treatment;

• tampering of records or intentionally providing misinformation;

• non-operation of the disease surveillance and response systems;

• non-cooperation of persons and entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern; and

• non-cooperation of the person or entities identified as having the notifiable disease, or affected by the health event of public concern.


Sa pareho ring batas, nakasaad na ang mga violators ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000 hanggang P50,000 o pagkabilanggo ng hindi bababa ng isang buwan hanggang anim na buwan, o parehong pagmumulta at pagkakulong, batay sa deskrisyon ng korte.

 
 

ni Lolet Abania | January 5, 2022



Nagpositibo sa test sa COVID-19 si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian matapos na sumailalim sa routine work safety testing.


Sa kanyang Twitter post ngayong Miyerkules, sinabi ni Gatchalian na nakararanas siya ng mild symptoms subalit aniya, patuloy siya sa kanyang duties bilang local chief executive ng Valenzuela.


“I am manifesting very mild symptoms and will continue to discharge my responsibilities as City Mayor from one of the City’s isolation units where I am currently under mandatory quarantine. Rest assured the services of City Hall will continue without any hitches,” ani Gatchalian.


“Vice Mayor Lorie Natividad Borja as well as the whole Management Team of City Hall will also be in full force physically running the affairs of the city,” dagdag niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page