top of page
Search

ni Lolet Abania | January 10, 2022



Ipinahayag ni Pampanga 2nd District Representative Juan Miguel “Mikey” Arroyo ngayong Lunes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“Did antigen test [at] 7 a.m. today and I am [positive] for [COVID-19]. I’m [asymptomatic] for now and have gotten in touch with a doctor to take care of me,” ani Arroyo sa isang Facebook post.


Ayon kay Arroyo, pinayuhan na siyang sumailalim sa home isolation sa Pampanga at uminom ng anti-COVID-19 drug na Molnupiravir.


“The advice for now is to isolate at home and take Molnupiravir and vitamins… Thank you, Lord that I… am fully inoculated plus [I already got] a booster shot,” sabi pa ni Arroyo.

 
 

ni Lolet Abania | January 9, 2022



Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang broadcaster na si Arnold Clavio. Sa kanyang Instagram post ngayong Linggo, sinabi ni Clavio na sumailalim siya sa antigen test matapos na magkaroon ng close contact sa isang nagpositibo sa test sa COVID-19 nitong Huwebes.


Unang beses na tinamaan si Clavio ng virus simula ng magkaroon ng pandemya sa bansa.


“Sa kabila ng pag-iingat ko, wearing of mask, hand washing, social distancing, vitamins, immune booster, lots of vitamin D, tinamaan pa rin ako,” sabi ni Clavio.


Ayon pa sa kanya, nakararamdam siya ng mild symptoms gaya ng ubo. Sa ngayon ay naka-self-isolation na si Clavio.


Marami naman sa kanyang celebrity friends gaya nina Chyna Ortaleza, Arthur Solinap, Juancho Trivino, at Bea Binene ang nagbigay ng mga well-wishes sa paglaban niya sa sakit.


Gayundin, ang mga GMA News reporters na sina Tina Panganiban-Perez at Connie Sison ay nagsabing, “get well soon” para sa veteran journalist.


 
 

ni Lolet Abania | January 8, 2022



Muling ni-require ng lokal na gobyerno ng Marikina City sa mga indibidwal ang pagsusuot ng face shields sa mga vaccination centers.


“Bunsod ng pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagdeklara sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3, ang lahat ng pupunta sa MARIKINA VACCINATION CENTERS ay REQUIRED na MAGSUOT NG FACE SHIELD at FACE MASK,” batay sa Marikina Public Information Office sa isang Facebook post.


“Sama-sama po nating ingatan ang kaligtasan at kalusugan ng bawat isa. Maraming salamat po,” dagdag ng LGU.


Matatandaan na ipinahayag ng national government na ang paggamit ng mga face shields ay boluntaryo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2, at 3. Gayunman, ang mga establisimyento o employers ay maaaring i-require ang paggamit ng face shields sa kanilang nasasakupan.


Sa isang report, binanggit ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na, “Hiniling na rin ito ng mga vaccinators natin na kung pwede as an added precaution i-require na magsuot ng face shield ang mga nagpapabakuna lalo na ngayon itinaas namin ang output capacity sa mga vaccination sites sa Marikina from previously 3,000 or 4,000 na nagpapabakuna araw-araw ngayon halos nadoble na ito 8,000 na.”


Bukod sa mga vaccination sites, nire-require na rin sa mga indibidwal ang pagsusuot face shields sa mga crowded places gaya ng wet markets, ayon pa sa report.


“Ang ginagawa natin positive reinforcement dahil mahirap na ang buhay iniiwasan talaga namin ‘yung pagmulta more on ang ginagawa namin, we simply notify or issue ticket or ine-encourage namin minsan mga barangay namin or mga volunteer groups kung may pinamimigay silang face mask or face shield,” paliwanag ni Teodoro.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page