top of page
Search

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Nagpositibo si Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Roderick Alba sa test sa COVID-19.


Ayon kay Alba ang resulta ng kanyang COVID-19 test ay lumabas lamang nitong Lunes ng gabi.


Aniya, “I tested positive for COVID-19, report from the Health Service just came out now.”


Sinabi ng opisyal na nakararamdam siya ng flu symptoms, dry cough, runny nose na mayroong plema at pananakit ng katawan.


Binanggit din ni Alba na sasailalim siya sa quarantine sa Kiangan Emergency and Treatment Facility sa Camp Crame.


“I am now focusing on my immediate recovery,” saad ni Alba. Matatandaang noong nakaraang linggo, kinumpirma ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na siya rin ay nagpositibo sa COVID-19.


Si Carlos at kanyang close-in security, at staff ay sumailalim sa RT-PCR tests ng Linggo matapos na ang tauhan niya ay magkaroon ng lagnat at makaramdam ng panginginig.


Bukod pa sa kanya, ang duty driver niya at aide ay nagpositibo na rin sa test sa COVID-19. Sa ngayon, nakapagtala na ng kabuuang 43,992, kung saan 537 ang bagong kaso ng impeksyon sa hanay ng kapulisan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 11, 2022



Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Martes na siya ay naka-isolate matapos muling magpositibo sa COVID-19 sa ikatlong pagkakataon.


Sa kanyang pahayag ngayong Martes, lumabas sa kanyang RT-PCR test ang positive result. Positibo rin sa virus ang kanyang close contacts.


“After several of my close contacts had tested positive, last night I also received a positive COVID-19 RT-PCR test result,” aniya.


“Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating,” dagdag niya.


Naunang nagpositibo sa COVID-19 si Año noong March 2020 at muling nagpositibo noong August 2020


Hinikayat naman ng interior chief ang publiko na magbakuna at magpa-booster, at patuloy na sumunod sa health protocols.


“I encourage everyone to get vaccinated and boostered as soon as possible, and to continue following health protocols,” pahayag ni Año.


Noong nakaraang linggo, sina Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Transportation Secretary Arthur Tugade, at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ay sumailalim sa quarantine dahil sa exposure sa COVID patients.

 
 

ni Lolet Abania | January 11, 2022



Anim mula sa 48 na mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na sumailalim sa random antigen tests ngayong Martes ng umaga ang nagpositibo sa COVID-19.


Sa ulat, isinagawa ang mga testing sa apat na MRT3 stations, sa North Avenue, Cubao, Shaw Boulevard at Taft Avenue.


Ang mga indibidwal na nag-positive sa test ay hindi pinayagang bumiyahe at pinayuhang agad na mag-isolate habang agad na inatasang agad makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs).


Samantala, ang bilang naman ng mga empleyado ng MRT 3 na nagpositibo sa CPVID-19 sa pamamagitan ng RT-PCR ay umakyat na 147.


Sa ngayon, ang mga nasabing personnel ay naka-home quarantine na habang ang iba naman ay nasa quarantine facility. Nasa kabuuang 753 empleyado ng MRT3 ang sumailalim sa RT-PCR test.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page