top of page
Search

ni Lolet Abania | January 13, 2022


Inamin ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero De Vera III ngayong Huwebes na nagpositibo siya sa test sa COVID-19, kamakailan.


Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni De Vera na ang kanyang buong pamilya ay tinamaan ng coronavirus aniya,


“Ako ay naka-quarantine sa bahay at ang aking buong pamilya ay infected.”


Sa kanyang Facebook post nitong Enero 6, pinayuhan naman ni De Vera ang mga naging close contact niya na mag-self-quarantine na habang i-monitor ang sarili sa anumang sintomas ng virus at sumailalim na rin sa COVID-19 testing.


“I am currently experiencing mild symptoms,” sabi ni De Vera.


Ayon kay De Vera, noong Enero 3, natanggap na niya ang kanyang booster shot kontra-COVID-19.


Gayunman nitong Miyerkules, sinabi ni De Vera na ang unti-unti nang bumubuti ang kanyang kondisyon. Habang patuloy naman niyang ginagawa ang kanyang mga tungkulin sa CHED.

 
 

ni Lolet Abania | January 13, 2022



Mahigit sa 100 tauhan ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa COVID-19, ayon sa PCG ngayong Huwebes.


Batay sa ahensiya, nasa kabuuang 133 officers at personnel ng PCG mula sa national headquarters ang tinamaan ng virus. Sa ngayon, naka-quarantine na ang mga infected personnel.


Gayundin, ang tatlong opisina ng national headquarters ng PCG ay isinailalim sa temporary lockdown dahil na rin sa pagtaas ng COVID-19 cases habang isinara ito mula Enero 10 hanggang 14.


Kabilang sa ini-lockdown ay ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership (CG-6), Coast Guard Public Affairs, at ang Coast Guard Finance Service.


Sinabi ng PCG na ilan sa kanilang mga tauhan na na-deploy sa “one-stop shops” na itinakda ng gobyerno ang mga tinamaan ng COVID-19.


Tiniyak naman ng ahensiya na lahat ng infected employees ay nabibigyan nila ng medical assistance habang agad nilang pinalitan ng mga bagong grupo ng personnel para hindi maantala ang kanilang operasyon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 13, 2022



Tumaas ng 250% o mahigit triple ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa Zambales kumpara sa naitalang mga kaso noong nakaraang linggo.


Sa pinakabagong datos mula sa provincial health office, mula sa 65 active cases noong Jan. 5, tumalon sa 232 ang mga bagong kaso nito lamang Jan. 12.


Mababa rin ang recovery rate kung saan 0.08% o 8 pasyente lamang ang gumaling sa naturang sakit.


Simula 2020, nakapagtala na ang Zambales ng 10,113 COVID-19 cases, kung saan 9,654 dito ay naka-recover habang 610 ang nasawi.


Nasa 61% naman ng target population o nasa 278,004 residente ng probinsiya ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page