top of page
Search

ni Lolet Abania | January 17, 2022



Nasa tinatayang 510 health workers ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o Tala Hospital sa Tala, Caloocan City, ang sumailalim sa home quarantine dahil sa COVID-19.


Ginawa ni Tala Hospital medical director Dr. Alfonso Famaran, Jr. ang anunsiyo isang araw matapos na makapag-record ang Department of Health (DOH) ng 37,154 bagong kaso ng COVID-19 nitong Enero 16, mas mababa ng kaunti sa naitalang record-high na 39,004 bagong COVID-19 cases naman noong Enero 15.


“We have 510 health workers under quarantine out of the 1,300 we have,” ani Famaran sa Laging Handa public briefing ngayong Lunes.


Gayunman, sinabi ni Famaran na ang DOH at ang PNP General Hospital ay nagpadala na sa kanila ng 229 dagdag na health workers para mapunan ang mga staff ng ospital sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases.


“We received augmentation for our health personnel and [so] our hospital operations remain unhampered,” sabi ni Famaran.


Batay sa guidelines ng DOH, ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ay isang COVID-19 referral hospital at dahil dito prayoridad ng ospital ang mga COVID-19 cases, kung saan mga pasyenteng severe o critical, o iyong may mga comorbidities, matatandang mayroon o walang comorbidities, at high-risk na mga buntis.


Ayon kay Famaran, sa kasalukuyan ang ospital ay gumagamot ng 297 COVID-19 patients, kung saan umookupa ng 53% ng kanilang COVID-19 bed capacity.


“It (getting infected with COVID-19) is really due to non-compliance of minimum public health standards. Mainly [lack of social distancing], and failing to wear face mask,” giit ni Famaran.


“We really have to strictly follow the minimum public health standards,” dagdag pa ng opisyal.


Gayunman, dahil sa sitwasyon ngayon, sinabi ni Famaran na magandang development ang pinaiksing quarantine na hanggang limang araw na lamang para sa mga fully vaccinated health workers na infected o na-expose sa COVID-19.


“That shortened quarantine is a big help for us since it allows us to have our health workers at an earlier date,” sabi pa ni Famaran.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 17, 2022



Nagpositibo sa COVID-19 sina Cagayan Governor Manuel Mamba at asawa nitong si Mabel at kasalukuyang naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) nitong Linggo.


Sa kanyang video message na ibinahagi ng Cagayan Provincial Information Office, sinabi ni Mamba na na-swab silang mag-asawa noong Biyernes, January 14.


Sa kanilang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-CPR) tests ay lumabas na sila ay positibo sa Covid noong Sabado, January 15.


Naka-confine ang mag-asawa sa isang isolated room sa CVMC dahil parehong may comorbidities, hypertensive and diabetic. Ang kaso nila ay mild lamang.


Parehong fully vaccinated ang gobernadora at kanyang may bahay at nakatanggap na rin ng booster shots.


Pinaalalahanan din ni Mamba ang kanyang close contacts na mag-isolate.


“We seek patience from you for not being able to answer your calls and texts as we are confined. Please pray for us,” ani Mamba.


Si Mamba ay kumakandidato sa kanyang ikatlo at huling termino laban kay Dr. Zarah Lara, habang ang kanyang asawa na isang abogado ay tumatakbo laban kay incumbent Rep. Joseph Lara, asawa ni Zarah, bilang third district representative.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 16, 2022



Libu-libo ang nagsagawa ng kilos-protesta sa Austria laban sa plano ng gobyerno nito na ipatupad ang mandatory COVID-19 vaccination sa mga susunod na buwan.


“The government must go!” sigaw ng mga nagra-rally sa central Vienna kung saan isinasagawa na ang kilos-protesta tuwing Sabado.


Nakatakdang pagbotohan ng parliament sa susunod na linggo ang hinggil sa usaping ito.


Noong Nobyembre ay isinailalim sa ikaapat na lockdown ang Austria at sinabing gagawin nang mandatory ang vaccination sa lahat ng Austrians, na siyang unang European country na magpapatupad nito.


Ayon sa report ng health authorities sa naturang bansa, mahigit 1.4 milyon na ang nagpositibo sa COVID-19 kung saan halos 14,000 ang nasawi simula nang umusbong ang pandemya noong 2020.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page