- BULGAR
- May 23, 2022
- BULGAR
- May 22, 2022
ni Lolet Abania | May 22, 2022

Sumailalim na ngayon si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at kanyang pamilya sa isolation matapos na magpositibo siya sa test sa COVID-19.
Ayon kay Galvez, lumabas na positive siya sa test sa COVID-19 mula sa kanyang weekly RT-PCR test ngayong Linggo, Mayo 22, habang kasalukuyang nakararanas ng mild symptoms, subalit nananatili siya aniya, “in high spirits” dahil siya at kanyang pamilya ay fully vaccinated.
“I would like to apologize to the people whom I have come in contact with over the last five to seven days. I encourage them to have themselves tested and observe their health conditions,” pahayag ni Galvez.
“While I am under isolation, I will continue to monitor the country’s peace processes and vaccination efforts,” sabi pa ng Presidential Peace Adviser.
Nanawagan din si Galvez sa publiko na magpabakuna na sa madaling panahon, at para sa mga bakunado ay tanggapin naman ang kanilang booster shots.
Kaugnay nito, sa latest data mula sa Department of Health (DOH), sa ngayon ay nakapag-administered na ang bansa ng kabuuang 149.119 milyong doses ng COVID-19 vaccines hanggang nitong Mayo.
- BULGAR
- May 21, 2022
ni Lolet Abania | May 21, 2022

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado na naka-detect na sa bansa ng Omicron subvariant BA.4, na isang Pilipino na nag-travel mula sa Middle East noong nakaraang Mayo 4.
Sa isang statement, ayon sa DOH ang lalaki ay dumating sa bansa noong Mayo 4 at ang kanyang positive test result para sa subvariant ay mula sa isang specimen na nakolekta noong Mayo 8. “He was asymptomatic,” saad ng DOH.
“[The] DOH has been coordinating with the concerned LGUs (local government units) since confirmation of the case to rapidly implement detection and isolation activities as part of the PDITR response,” dagdag ng ahensiya.
Hindi agad maibigay ang mga detalye ng pasyente hinggil sa kanyang travel history, kung ang naturang Pinoy ay returning tourist o worker, at kung saan sumailalim sa quarantine ang indibidwal.
Ayon sa DOH, klinasipika ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC), ang Omicron BA.4 bilang isang variant of concern (VOC), kaya maaaring mabilis itong kumalat o anila, “cause worse illness.”
“BA.4’s faster transmission is likely because of its ability to evade immune protection induced by prior infection and/or vaccination, particularly if this has waned over time. While the ECDC has not observed any change in severity for BA.4 compared to other Omicron subvariants, we must be careful because faster transmission will lead to a spike in cases that could overwhelm our hospitals and clinics,” ani DOH.
Mahigpit namang ipinaalala ng DOH sa mga LGUs, “to proactively seek the unvaccinated and those eligible for boosters, and to make it convenient to get a jab.”
Mariing ipinayo rin ng ahensiya sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at agad nang tanggapin ang mga booster shots, at ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocols.
Gayunman, base sa pag-aaral, maaaring hindi ito maging sanhi ng severe COVID-19 symptoms kumpara sa ibang Omicron subvariants subalit may posibilidad na potensiyal na dumami ulit ang nasa ospital dahil sa kanyang transmissibility.





