top of page
Search

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Isang executive order ang inisyu ni Cebu Governor Gwen Garcia hinggil sa pagbawi sa mandato ng pagsusuot ng face mask sa mga open spaces sa lalawigan.


Sa Executive Order 16 na inisyu nitong Miyerkules, ayon kay Garcia ang mga face masks ay kakailanganin na lamang sa mga closed at air-conditioned areas.


“The use of face masks shall be optional in well-ventilated and open spaces,” nakasaad sa order.


Gayunman aniya, ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, ubo o runny nose ay required pa rin na magsuot ng mask kapag aalis ng kanilang bahay. Binanggit naman ni Garcia na ang pag-improve ng probinsiya sa sitwasyon ng COVID-19, ang dahilan kaya pinaluwag na ang mandato ng face mask.


“Other countries, including Singapore, have already directed the wearing of masks and other personal protective equipment be optional in outdoor settings,” ani Garcia sa kanyang order.


Batay sa latest health bulletin na ini-release ng Central Visayas health office, nakapag-record ang Cebu ng average na 36 kaso ng COVID-19 kada araw mula Mayo 29 hanggang Hunyo 4, habang tinatayang 4 milyong mamamayan sa rehiyon ay fully vaccinated na.


Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang mandatory na paggamit ng face masks ang magiging anila, “last to go” o huling aalisin sa transition ng bansa sa new normal.


Marami na ring beses na hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang probinsiya na sumunod sa national mandates ng COVID-19 response.


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022



Nasa tinatayang 300,000 COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang nakatakdang dumating sa Hunyo 20, bilang kapalit sa mga expired doses ng bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


“We are still ongoing with our negotiations with them but by June 20, may initial na tayong replacements coming from COVAX and this will be worth 300,000 vaccines,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.


“So tapos sa mga susunod pa na negosasyon may mga madadagdag pa na papalitan nila,” dagdag ng opisyal. Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ilang 3.6 milyong expired COVID-19 vaccine doses ay nakatakdang palitan ng COVAX Facility.


Ayon kay Duque, nakipag-usap na sila sa mga COVAX representatives at hiniling sa mga ito na i-replace hindi lamang ang mga donasyong vaccine na malapit nang mag-expire kundi pati na rin ang mga na-procure na ng bansa.


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022



Nakapagtala ang bansa ng 10 karagdagang kaso ng mas nakahahawang Omicron subvariants BA.5 at BA.2.12.1, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa latest sequencing na ginawa mula sa 190 samples lumabas na may 114 bagong kaso ng Omicron, kung saan tatlo rito ay BA.5 cases at pito ang BA.2.12.1 cases.


Sa tatlong BA.5 cases, dalawa ay mula sa Calabarzon habang ang isa ay bineberipika pa. Ayon kay Vergeire, bineberipika naman ang lokasyon ng indibidwal pero fully vaccinated na ito laban sa COVID-19, habang ang isang kaso mula sa Calabarzon ay unvaccinated.


“Sa kasalukuyan unknown pa ang exposure ng mga individuals dahil we are still undergoing verification regarding their travel history,” saad ni Vergeire sa isang media briefing ngayong Martes. Inaalam na rin ng mga awtoridad ang kanilang mga sintomas at naging close contacts.


Gayunman, sinabi ni Vergeire na ang mga kaso ay itinuturing ngayong nakarekober na. Aniya, dalawa sa mga samples ay nakolekta noong Mayo 23 habang isa ay nakolekta naman noong Mayo 12. Dahil dito, ang kabuuang bilang ng kaso ng BA.5 sa bansa ay lima matapos na ma-detect ang dalawang naunang BA.5 cases sa Central Luzon.


Samantala, sa pitong kaso ng BA.2.12.1 subvariant, tatlo ay mula sa National Capital Region (NCR), isa sa Ilocos Region, isa mula sa Cagayan Valley, isa sa Calabarzon, at isa mula sa Bicol Region.


Sinabi ni Vergeire na tatlo rito ay fully vaccinated, tatlo ang hindi pa nabakunahan, at isa ay bineberipika pa. Ayon pa ng opisyal, na sa naitalang Omicron cases, 103 ay local cases, tatlo ay returning overseas Filipino (ROF), habang walo ay bineberipika pa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page