- BULGAR
- Jul 4, 2022
- BULGAR
- Jul 1, 2022
ni Lolet Abania | July 1, 2022

Patuloy ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) at siyam na iba pang lugar, kabilang na ang Cavite na nakapag-register ng pinakamataas, ayon sa independent monitoring group OCTA Research ngayong Biyernes.
Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na ang positivity rate ng Cavite ay umakyat ng 13.2% nitong Hunyo 29 mula sa 5.9% noong Hunyo 25. Habang ang positivity rate ng NCR ay tumaas ng 7.5% mula sa dating 6.0%.
Subalit, ang benchmark positive rate ng World Health Organization (WHO) ay nasa 5% lang. Ang positivity rate ay ang percentage ng mga tao na nagpopositibo sa COVID-19 na nakasama sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na na-test.
Sa parehong data ng OCTA, makikitang tumaas din ang kani-kanilang positivity rate ng Laguna, Batangas, Benguet, Bulacan, Cebu, Davao del Sur, Iloilo, at Pampanga. Gayunman, ang positivity rate ng Rizal ay bumaba naman mula 11.9% ay naging 9.7%.
- BULGAR
- Jun 30, 2022
ni Lolet Abania | June 30, 2022

Nagpositibo si incoming Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr. sa test sa COVID-19.
Sa isang statement ng DND ngayong Huwebes, si Faustino ay asymptomatic at kasalukuyang sumasailalim sa isolation.
Pansamantala naman niyang isasagawa ang mga tungkulin doon, habang magre-report physically sa trabaho matapos ang kanyang prescribed quarantine period.
Ayon sa DND, si Faustino na isang retired Armed Forces of the Philippines (AFP) general, ay tinamaan ng coronavirus matapos na magkaroon ng close contact sa isang COVID-positive na indibidwal sa isa sa mga naging engagements niya bago ang kanyang pag-upo sa puwesto ngayong Huwebes.
Sinabi pa ng DND, nagsasagawa na ng contact tracing sa lahat ng nakasalamuha niya. Isasagawa naman virtually ang transition ceremony para kay Faustino sa Biyernes, Hulyo 1.





