top of page
SPECIAL - KIM, TAMEME SA KASAL DAW NILA NI PAULO SA US-IG _chinitaprincess.jpg
Search

ni Chit Luna @News | November 13, 2025


Photo File



Bilang paghahanda sa nalalapit na World Health Organization (WHO) Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) 11th Conference of the Parties, nagbabala ang mga Pilipinong magsasaka ng tabako tungkol sa mga panukalang nakasaad sa Expert Group Report na maaaring banta o tuluyang puksain ang kanilang kabuhayan at ang mga komunidad na umaasa rito.


Sa ilalim ng Agenda Item 4.1, inirerekomenda ng ulat ang ilang matinding hakbang tulad ng pagtigil ng suporta ng gobyerno sa pagtatanim ng tabako, pagbawas sa kita ng mga supplier ng tabako, paghinto sa komersyal na bentahan ng mga produkto ng industriya, at pagpataw ng manufacturing at import quotas na may regular na pagbabawas.


Kinakatawan ng Philippine Tobacco Growers Association Inc. (PTGA) ang 50,000 magsasaka sa buong bansa, ngunit sinasabi ng National Tobacco Administration na ang sektor ng tabako ay sumusuporta sa higit 2.1 milyong manggagawang Pilipino.


Ani PTGA President Saturnino Distor, “The extreme measures proposed in Agenda Item 4.1 are a direct threat to our livelihoods. If implemented, they will not only destroy farms but also devastate entire communities.”


Dagdag niya, malaki ang kontribusyon ng sektor sa ekonomiya sa pamamagitan ng trabaho, export, at excise taxes, at dapat timbangin ng mga delegado ng COP ang mga fiscal at sosyal na implikasyon bago magpatupad ng mahigpit na polisiya.


Binanggit din ni Distor ang Sustainable Tobacco Enhancement Program (STEP) ng Department of Agriculture, na nagtataguyod ng sustainable na pagtatanim ng tabako at nag-uugnay sa lokal na produksyon sa lumalaking demand para sa alternatibong nicotine products tulad ng vapes at e-cigarettes.


Binigyang-diin niya na ang layunin ng STEP na tiyakin ang pangmatagalang seguridad sa kabuhayan ng mga magsasaka. “Makikita sa STEP na may kinabukasan pa rin ang pagtatanim ng tabako sa bansa, lalo na kung makikilala ang mga produktong alternatibong mas ligtas,” ayon sa kanyang pahayag noong 2024.


Labis na nag-aalala ang grupo ng mga magsasaka na inuuna ng Agenda Item 4.1 ang pagbabawal kaysa sa praktikal na solusyon, hindi isinasaalang-alang ang aral mula sa mga bansang tulad ng United Kingdom, Japan, at Sweden, kung saan nakatulong ang regulated na pagpapakilala ng smoke-free alternatives sa pagbawas ng smoking rates.


Ani Distor, bumababa ang demand para sa lokal na tabako sa Pilipinas, kung saan 80 porsyento ng bentahan ay napupunta sa export market. Nahihirapan din ang mga magsasaka laban sa pagpasok ng murang ilegal na sigarilyo, na ayon sa kanila ay pinalalala ng taunang pagtaas ng buwis sa legal na produkto, na lumilikha ng malaking pagkakaiba sa presyo.


Sasali sa COP ngayong taon ang mga delegado mula sa 183 bansa. Nag-aalala ang mga magsasaka na maaaring mauwi sa pagkawala ng kanilang pangunahing kabuhayan ang talakayan.


“We urge the COP delegates to reject policies that kill livelihoods,” ani Distor. “Any future tobacco control policy must strike a balance between public health and the economic realities of millions of farmers and workers whose lives depend on this industry.”


Gayunpaman, nakatanggap ng kritisismo ang WHO FCTC mula sa ilang eksperto sa kalusugan dahil sa pagbibigay-diin sa mahigpit at prohibitionistang polisiya laban sa mga produktong ito.


Nanawagan din ang THR advocates sa WHO na kilalanin na ang pagbawas ng smoking rate ay tumigil na sa kabila ng dekada ng mga polisiya sa kontrol ng tabako.


Hinimok nila ang WHO na isama ang harm reduction sa polisiya at magbigay ng alternatibo sa mahigit 1.3 bilyong smokers sa buong mundo upang mabawasan ang panganib sa kalusugan.

 
 

ni Chit Luna @News | October 11, 2025


Cigarette, nicotine

Photo File: Mga pag-aaral na nagpapahiwatig na ang nikotina ay ligtas para sa kalusugan ng cardiovascular at hindi nauugnay sa mga kondisyon tulad ng paulit-ulit na stroke.



Nagbabala ang mga siyentipiko at doktor na ang maling paniniwala tungkol sa pinsalang dulot ng nikotina ay aktibong humahadlang sa milyun-milyong naninigarilyo sa buong mundo na gumamit ng mas epektibo at hindi gaanong mapaminsalang mga alternatibo.


Sa isang panel discussion sa ikawalong Summit on Tobacco Harm Reduction: Novel Products, Research & Policy sa Athens noong Setyembre 30 at Oktubre 1, 2025, na inorganisa ng SCOHRE o International Association on Smoking Control & Harm Reduction, binigyang-diin ng dalawang daang eksperto mula sa 51 bansa na dapat gabayan ng agham, hindi ng ideolohiya, ang pandaigdigang pagsisikap sa pagkontrol sa tabako at yakapin ang "harm reduction" para matulungan ang mga naninigarilyo na hindi kayang tumigil o ayaw tumigil.


Ang tobacco harm reduction (THR) ay isang estratehiya sa kalusugan ng publiko na naglalayong bawasan ang pinsalang dulot ng tradisyonal na sigarilyo sa pamamagitan ng mga hindi gaanong mapaminsalang alternatibo tulad ng e-cigarettes, heated tobacco at nicotine pouches. Bagama't nananatiling "gold standard" ang tuluyang pagtigil, sinabi ng mga eksperto na ang mga alternatibong ito ay kumakatawan sa isang pragmatiko at nakabatay sa agham na opsyon.


Binanggit ni Dr. Konstantinos Farsalinos, isang doktor at research associate sa Greece, ang mahalagang papel ng komunidad ng siyentipiko sa tamang pagpapaliwanag ng mga epekto ng nikotina para pigilan ang maling paniniwala tungkol dito.


Batay sa pananaliksik, ang nikotina mismo ay hindi ang pangunahing sanhi ng mga sakit na nauugnay sa paninigarilyo.


Binanggit ni Dr. Giovanni Li Volti, isang professor ng Biochemistry sa University of Catania, ang mga pag-aaral na nagpapahiwatig na ang nikotina ay ligtas para sa kalusugan ng cardiovascular at hindi nauugnay sa mga kondisyon tulad ng paulit-ulit na stroke. Sinabi niya na ang mismong pagkakaroon ng "nicotine replacement therapy (NRT)" ay walang saysay kung ang nikotina ay likas na mapanganib.


Sa kabila ng ebidensyang ito, sinabi ni Li Volti na laganap ang umiiral na maling pananaw. Aniya, ito ay resulta ng kabiguan ng mga siyentipiko na magpaliwanag.


Ang kabiguang ito ay inilarawan ni Dr. Rohan Andrade Sequeira, isang consultant cardio-endocrine physician sa Mumbai, India, kung saan ang malawakang paggamit ng oral tobacco ay nag-aambag sa napakataas na antas ng oral cancer.


Dahil ang success rate para sa NRT sa buong mundo ay nasa pitong porsiyento lamang, sinabi ni Sequeira na ang natitirang 93 porsiyento ng mga gumagamit ay kailangang bumalik sa kanilang dating mga gawi.


Para kay Sequeira, ang nicotine pouches ay nagpapakita ng pagkakataon para sa India na umusad mula sa tradisyonal na mga gawi sa paggamit ng lokal na oral tobacco.


Ayon kay Damian Sweeney, chair ng New Nicotine Alliance Ireland, ang Sweden ay isang matibay na "proof of concept." Habang ang pangkalahatang paggamit ng nikotina sa bansa ay nasa average ng EU, ang karamihan sa Sweden ay gumagamit ng snus, isang smoke-free na produkto.


Naibaba nito ang paglaganap ng paninigarilyo sa Sweden sa 5 porsiyento lamang—na pinakamababa sa European Union—at ito ay isang malinaw na tagumpay para sa tobacco harm reduction, na sinusuportahan ng matibay na real-world data, ayon kay Sweeney.


Iginiit ni Sweeney na ang maling impormasyon tungkol sa nikotina at mababang-panganib na mga alternatibo ay "kasing-nakamamatay ng paninigarilyo mismo."


Mahalaga ang perspektibo ng mamimili, ani Sweeney, habang hinihimok ang mga indibidwal na ibahagi ang kanilang positibong karanasan sa mga bagong produkto sa mga policymaker.


Kinumpirma ni Farsalinos ang epekto ng maling impormasyon, batay sa isang survey noong 2017 na inilathala niya na nagpakita na limang porsiyento lamang ng mga naninigarilyo ang tama ang paniniwala na ang e-cigarettes ay mas mababa ang pinsala kaysa sa paninigarilyo.


Kapag hindi sila wastong nabibigyan ng impormasyon, hindi man lang sila susubok na huminto gamit ang isang produkto ng harm reduction, ayon kay Farsalinos.


Binanggit ni Clive Bates, dating direktor ng Action on Smoking and Health (ASH) UK, ang ebidensya na ang lahat ng non-combustible nicotine sources ay "mas mababa ang panganib kaysa sa paninigarilyo."


Aniya, ang World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control (WHO FCTC) ay lumihis mula sa pangunahing layunin nitong bawasan ang paninigarilyo at aktibong humaharang sa tobacco harm reduction.


Nanawagan siya para sa isang "coalition of the willing" sa mga partido ng FCTC para hamunin ang secretariat at ang WHO na isama ang harm reduction at baligtarin ang kasalukuyang "fanaticism" laban sa nikotina.


Nagkaisa ang mga dumalo sa summit na dapat ipaalam ng mga siyentipiko ang ebidensya tungkol sa nikotina, habang ang media outlets ay may responsibilidad na itama ang maling impormasyon at magbigay ng balanseng pag-uulat tungkol sa harm reduction.

 
 

ni Chit Luna @News | October 2, 2025


World Health Organization (WHO)

Photo File: World Health Organization (WHO)



Nanawagan ang mga eksperto sa World Health Organization (WHO) na isama ang harm reduction bilang pangunahing haligi ng mga polisiya nito sa pagtutok sa tabako.


Noong Setyembre 3, 2025 sa isang forum sa Fairmont Hotel sa Makati City, lumagda ang mga eksperto mula sa Pilipinas at iba pang bansa sa isang joint statement na nananawagan sa mga delegado ng WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) meeting sa Nobyembre na "fully integrate harm reduction into tobacco control."


"The evidence is clear: combustion kills, not nicotine. Safer alternatives exist and are effective. This is the time to stand with science and evidence," ayon sa pahayag.


Binigyang-diin ni Fred Roeder, isang health economist at presidente ng Consumer Choice Center (CCC), na "many countries have seen different results with harm reduction approaches, yet these strategies remain largely unexplored in Southeast Asian policy discussions." Ipinunto rin niya ang pananaliksik ng Public Health England na nagpapakita na ang vaping ay hindi bababa sa 95 porsyentong mas ligtas kaysa paninigarilyo. Gayunpaman, kanyang ikinalungkot na ang mga produkto gaya ng vapes at heated tobacco ay madalas na "attacked more fiercely than cigarettes."


Ayon kay Anton Israel, presidente ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP), ang mga konsumer ay "consistently ignored, stigmatized and silenced."


"Nicotine consumers are not the enemy. We need honest education that reaches the grassroots so smokers understand that less harmful alternatives exist,” aniya.


Iginiit ni Israel na ang nalalapit na 11th Conference of the Parties (COP11) ng WHO FCTC ay pagkakataon para sa mga policymaker na "not punish us for failing to quit. Help us succeed."


Inilarawan naman ni Dr. Lorenzo Mata, presidente ng Quit for Good, ang harm reduction bilang "humanity in action." Aniya, "Harm reduction means three things in practice: offering safer alternatives when abstinence isn't possible, supporting incremental improvements instead of demanding perfection and building trust instead of shame or fear."


Ipinunto rin ni Mata ang Republic Act No. 11900 ng Pilipinas bilang patunay na "public health is not protected only by prohibition, but also through responsible, science-based regulation." Gayunman, kanyang ikinalungkot na "on the global stage, the WHO FCTC often takes a rigid stance, treating safer alternatives like vaping with the same severity as smoking."


Binigyang-diin ng mga medical expert ang epekto sa kalusugan ng patuloy na paninigarilyo ng tradisyonal na sigarilyo. Binalaan ni Urologist Dr. Rogelio Varela na ang usok ng tabako ay nagdaragdag ng panganib ng sakit sa baga at kanser, pati na rin ng mga urological na kondisyon gaya ng prostatitis at bladder cancer. “For most Filipinos, tobacco harm reduction is something that's foreign. They are not too familiar with it. I think even doctors are not too familiar and not practicing harm reduction," aniya. "So harm reduction will help us somehow decrease the amount of harm that's being brought about by these factors. And that is very important, especially for Filipinos."


Ibinunyag naman ng ekonomistang si Christopher Cabuay ng De La Salle University na umabot sa $9.8 bilyon ang gastos ng Pilipinas noong 2019 dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa tabako, o katumbas ng 2.48 porsyento ng GDP. Iginiit niya na maaaring makatipid ang bansa ng $3.4 bilyon taun-taon kung kalahati ng mga adultong naninigarilyo ay lilipat sa harm reduction products. “The model I developed shows that fewer people would get sick, productivity losses would decline, and health care spending would go down,” paliwanag niya.


Kaugnay nito, ibinahagi ni Dr. Rohan Savio Sequeira ng India’s Society of Medically Harm Reduced Alternatives (SOMHRA) ang kaparehong projections. Aniya, “If India does a tobacco harm reduction policy which includes nicotine pouches, within 30 years, there will be 35 million lives saved just by one policy change.”


Ayon sa mga tagapagtaguyod, binale-wala ng WHO ang sariling depinisyon ng FCTC ukol sa tobacco control, na kinabibilangan ng harm reduction. “Safer alternatives to nicotine are still painted as threats instead of solutions,” ani Nancy Loucas ng Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates (CAPHRA).


Binigyang-diin naman ni Michael Landl ng World Vapers' Alliance ang tagumpay ng Sweden. Sa pamamagitan ng pagbubuwis ng mga produkto batay sa kanilang antas ng panganib, aniya, nakamit ng Sweden ang smoking rate na mas mababa sa 6 porsyento. “Sweden is about to become the first smoke-free country in the world,” wika ni Landl. “They achieved this not through bans or punishment, but by giving people options.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page