top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | August 24, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay isang magsasaka dito sa Pampanga. Nais ko sanang itanong kung paano maipagpapatuloy ng katulad kong magsasaka ang paghuhulog sa SSS. Salamat.

— Mang Pedring



Mabuting araw sa iyo, Mang Pedring! 


Kinikilala ng SSS ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga magsasaka at mangingisda sa ating ekonomiya. Noong Oktubre 1995 ay sinimulan ng SSS ang coverage ng mga magsasaka at mangingisda upang mabigyan din sila ng kaukulang social security protection upang sa panahon ng kanilang pagkakasakit, panganganak, pagkabalda, pagreretiro, inboluntaryong pagkawala ng trabaho, pagpapalibing at pagkamatay ay may magagamit sila sa oras ng kanilang pangangailangan. 


Batay sa SSS Circular No. 2022-028, inilunsad ng SSS ang programang Flexible Payment Schedule ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) contributions sa lahat ng magsasaka, mangingisda at mga self-employed individual sa informal economy.


Sa ilalim ng nasabing programa, maaari na kayong magbayad, Mang Pedring, ng inyong SSS contributions sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan. Halimbawa, kung kayo ay magbabayad ng SSS contributions ngayong buwan ng Agosto 2025, maaari ninyong bayaran ang mga kontribusyon para sa Agosto 2024 hanggang Hunyo 2025.


Samantala, ang schedule na ito ay hindi pinapahintulutan sa ibang mga miyembro lalo na sa mga regular na self-employed dahil walang retroactive payments. 


Narito naman ang comparison ng regular na payment schedule para sa mga self-employed member at ang bagong flexible payment schedule para sa mga magsasaka, mangingisda at mga self-employed individual na kabilang sa informal economy:


A. Regular Payment Schedule para sa mga Self-Employed Member

Petsa ng Pagbabayad

Mga Buwan na Maaaring Bayaran

31 Oktubre 2025

Hulyo 2024 to Setyembre 2025

31 Enero 2026

Oktubre 2025 to Disyembre 2025


B. New Payment Schedule para sa mga magsasaka, mangingisda at mga self-employed individual sa Informal Economy

Petsa ng Pagbabayad

Mga Buwan na Maaaring Bayaran

Agosto 2025

Agosto 2024 to Hunyo 2025

Setyembre 2025

Setyembre 2024 to Agosto 2025


Nakita ng SSS na ang regular payment schedule para sa mga self-employed member ay hindi naaayon sa schedule ng kita ng ating mga magsasaka at mangingisda. Hindi kasi ito tulad ng karaniwang manggagawa na tumatanggap ng kita kada buwan dahil sila ay nagkakaroon lamang ng kita sa panahon ng anihan ng kanilang produkto na may mga kaukulang buwan lamang sa loob ng isang taon. 


Sa isinagawang pag-aaral ng SSS, lumalabas na para sa ating mga magsasaka, may kaukulang harvest season sila na sinusunod at ito ay:


  • Para sa palay

Pangunahing ani: Setyembre hanggang Disyembre

Ikalawang ani: Enero hanggang Abril

Kabuuang bilang ng buwan: walong buwan/12 buwan


  • Para sa mais

Pangunahing ani: Hulyo hanggang Setyembre

Ikalawang ani: Pebrero hanggang Mayo

Kabuuang bilang ng buwan: walong buwan/12 buwan


Kaya minarapat ng SSS na ibatay sa kanilang harvesting season ang schedule ng pagbabayad ng kanilang kontribusyon at maipagpatuloy nila ang kanilang pagiging miyembro.


Ang kontribusyon naman na kanilang ihuhulog ay batay sa idedeklara nilang buwanang kita. Sa kasalukuyan, maaari silang maghulog ng P760 hanggang P5,280 na kontribusyon kada buwan. Kasama na rito ang kontribusyon sa ilalim ng EmployeesCompensation Program (ECP) na P10 kung ang Monthly Salary Credit o MSC ay P4,000 hanggang P14,500 at P30 naman kung ang MSC ay P15,000 o higit pa. Maaari silang magbayad ng kanilang kontribusyon gamit ang MySSS Mobile App o SSS collecting partner. Gayundin, maaari nila itong bayaran sa pamamagitan ng internet banking facility ng mga accredited banks at collecting partners, sa mga SSS branch na may tellering facility, mga accredited payment center, at SSS-accredited partner agents.


Malaki ang magiging pakinabang ng isang magsasaka o mangingisda kung patuloy na maghuhulog sa SSS hanggang sa siya ay magretiro. Sa panahon ng inyong pagreretiro, Mang Pedring, ay aanihin ninyo ang naimpok sa SSS bilang benepisyo gaya ng pensyon kung kayo ay may naipon na 120 buwan na kontribusyon. Kayo rin ang makikinabang sa kontribusyong inihuhulog ninyo ngayon sa SSS at sa darating pang mga taon.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | August 17, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang college student na gustong mag-part time work. Nag-apply ako sa isang call center at natanggap naman ako. Isa sa requirement ay ang pagkuha ng SSS number ngunit wala pa ako nito. Hindi ako makapunta sa branch ninyo dahil may pasok ako sa school. May paraan bang makakuha ako ng SSS number na hindi na pupunta sa SSS branch? Salamat. — Nathan

Mabuting araw sa iyo, Nathan!


Hindi mo na kinakailangang magtungo sa alinmang sangay ng SSS upang kumuha ng iyong Social Security (SS) number sapagkat available na ito online sa pamamagitan ng aming website, www.sss.gov.ph.


Inilunsad ito ng SSS upang mapabilis ang pagkuha ng SS number with My.SSS registration, lalo na ang mga bagong tapos sa kolehiyo at kabataang naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon. Kasama rin ang online na pagbigay ng SS number sa aming patuloy na kampanya upang palawakin pa ang kapasidad ng aming website para makapagbigay ng mas magandang alternatibo sa mga over-the-counter na aplikasyon.


Upang makakuha ng SS number, pumunta sa SSS homepage at pindutin ang “Apply for an SS Number Online” na makikita sa ibabang bahagi ng SSS website. Pagkaraan ay lalabas ang step-by-step guide na dapat mong sunduin para umusad ang iyong online application.


Kinakailangang ibigay mo ang iyong mga personal na impormasyon gaya ng pangalan, petsa ng kapanganakan at e-mail address. Pagkatapos isumite ang mga impormasyong ito, padadalhan ka ng link sa iyong ibinigay na e-mail kaya dapat ito ay aktibo at laging ginagamit. Sa iyong e-mail address, kailangan mong kumpirmahin ang link na ipinadala sa iyo sa loob ng limang araw dahil kung hindi mo ito gagawin ay uulitin mo ang buong proseso.


Para makumpleto ang registration, kinakailangang suriin mong mabuti ang mga impormasyon na iyong inilagay at itama ito kung may mali bago makakuha ng SS number sa online system.


Dapat maging maingat at suriing mabuti ang mga personal na datos na iyong ilalagay bago mo ito isumite. Maaari lamang kasi itong baguhin o itama ang iyong member information gamit ang My.SSS account o ‘di kaya’y sa pagsusumite ng Member’s Data Change Request kalakip ang mga kaukulang dokumento at ipasa ito sa alinmang sangay ng SSS.


Pagkatapos maisyu ang SS number, ipapakita sa screen ang iyong personal record at SS number slip. Maaari mo rin itong i-print bilang katibayan ng iyong online registration. Magpapadala naman ng soft copy ng iyong Personal Record (E-1) sa rehistradong e-mail address na ibinigay mo sa SSS. 


Maaari mo nang ibigay sa iyong employer ang naisyung SS number. Upang maging permanent naman ang status ng iyong SS number, kinakailangang mong magsumite online o sa pinakamalapit na SSS branch ng mga documentary requirements katulad ng Birth Certificate. Maaari mong itong gawin sa iyong libreng araw.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Batay sa SSS Circular 2022-022, maaaring bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran nang hulugan sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan, at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.




Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | August 13, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS, 

 

Magandang araw. Ako ay driver ng ride sharing app dito. Batid ko sa araw-araw na aking pamamasada ay may kalakip itong panganib. Kaya nais kong malaman kung maaari nga rin ba akong makapaghulog sa SSS? Salamat. — Luigi, Quezon City



Mabuting araw sa iyo, Luigi!


Malugod naming ipinaaalam sa iyo na maaari kang maging miyembro ng SSS o ipagpatuloy ang iyong SSS membership bilang self-employed. Simula pa noong 1980 ay itinakda sa ilalim ng Republic Act 1161 o Social Security Act of 1957 ang pagsakop sa mga self-employed na indibidwal na may buwanang kita na P1,000 o higit pa mula sa kanyang sariling negosyo o propesyon na walang employer kung hindi ang kanyang sarili habang hindi pa siya umaabot ng 60 taong gulang.


Kabilang dito ang mga propesyonal tulad ng abogado o doktor, may sariling opisina man o wala, mga nagmamay-ari o magkasosyo sa negosyo, mga artista, direktor o manunulat ng pelikula na hindi itinuturing na empleyado, mga propesyonal na atleta, coaches, hinete at tagapagsanay, gayundin ang mga magsasaka at mangingisda na sinaklaw naman noong 1995. Kabilang din dito ang mga nagtitinda sa palengke, tricycle o jeepney drivers, at mga contractual at job order na empleyado na nagtatrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.


Sa kasalukuyan, ang SSS contribution rate ay 15% at ang monthly salary credit ay hanggang P35,000. Maaari mo namang ibatay ang halaga ng iyong magiging buwanang kontribusyon, Luigi sa monthly salary credit o ang salary level kung saan nakabase ang iyong buwanang kita na idineklara mo naman sa iyong registration form o SSS Form E-1 (Personal Record). Samantala, ang table ng SSS contributions ay makikita sa SSS website, www.sss.gov.ph o kaya’y sa Facebook page nito sa Philippine Social Security System. Dagdag dito, ang buwanang kontribusyon ng self-employed ay maaaring tumaas o bumaba batay sa iyong aktuwal na kinikita.


Ang pinakambababang buwanang kontribusyon para sa mga self-employed ay P760 na binubuo ng hulog sa regular na SSS (P750) at hulog sa Employee’s Compensation (EC) Program (P10). Samantalang, P5,280 ang pinakamataas na binubuo ng P3,000 para sa regular na SSS, P2,250 para sa Mandatory Provident Fund Program, at P30 para sa hulog mo sa EC Program.


Para sa iyong kaalaman, Luigi, ang EC Program ay para sa mga work-related contingencies bunsod ng pagkakasakit, pagkabalda, o kaya’y pagkamatay na maaaring mangyari sa self-employed na gaya mo habang nagtatrabaho. Dagdag proteksyon naman din ito bukod sa regular SSS benefits na matatanggap mo sa hinaharap. 


Kung wala ka pang SS number, maaari ka na ring mag-apply sa pamamagitan ng online. Magtungo lamang sa SSS website at i-click ang link sa Apply for an SS Number. 


Matapos nito, maaari ka ng magbayad ng iyong kontribusyon kada buwan o kaya ay quarterly. Para makapagbayad ka naman ng iyong kontribusyon, kailangan mo munang makakuha ng Payment Reference Number (PRN) para sa iyong gagawing pagbabayad. Maaari kang makapag-generate ng PRN gamit ang iyong My.SSS account. 

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page