top of page
Search

by Info @Buti na lang may SSS | October 5, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Nais kong ilapit ang nanay ko na surviving pensioner ng SSS. Mayroon bang iniaalok na loan program para sa mga pensioner nito? Magkano naman ang loanable amount at ilang taon itong babayaran? Salamat. —Leslie



Mabuting araw sa iyo, Leslie! 


Napapanahon ang iyong katanungan dahil kalulunsad lang ng Social Security System (SSS) ang Pension Loan Program (PLP) para sa mga surviving spouse pensioner.


Ang PLP ay isang loan program o pautang na unang binuksan noong Setyembre 2018 para sa mga retiradong pensyonado o retirement pensioners ngunit ngayon ay pinalawak upang masaklaw din ang mga surviving spouse pensioner sa ilalim ng SSS Circular No. 2025-007 na may petsang 23 Setyembre 2025.


Layunin ng nasabing programa ang makapagbigay ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng isang pautang na may mas mababang interes. Batid naman natin na kailangan ng iyong ina at ng ating mga pensyonado ng karagdagang financial assistance para sa kanilang mga pangangailangang medikal, at iba pa. 


Dagdag pa rito, ang PLP ay nagsisilbing alternatibo sa mga private lending institutions na nagbibigay din ng pautang na may mataas na interest rates at ginagamit na kolateral ang ATM cards ng mga pensyonado.


Upang makahiram sa ilalim ng PLP, kinakailangan lamang na matugunan niya ang mga sumusunod na kondisyon:

  • mayroong social security number;

  • nakarehistro sa My.SSS Portal na may updated na contact information;

  • may naka-enroll na disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM);

  • hindi bababa sa 18 taong gulang panahon ng pagpa-file ng loan application ngunit hindi lalagpas sa 85 taong gulang sa katapusan ng termino ng pautang;

  • walang ibinabawas sa kanyang buwanang pensyon;

  • walang utang sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package (CAP);

  • tumatanggap na ng regular na pensyon na hindi bababa sa isang (1) buwan;

  • nag-iisang binabayaran sa benepisyo ng pagkamatay; at

  • hindi na-disqualify dahil sa fraud o panlilinlang sa SSS.


Maaaring makahiram ng katumbas ng tatlo hanggang 12 beses ng kanyang tinatanggap na basic monthly pension (BMP) kasama ang P1,000 additional benefit na ibinigay noong 2017. Subalit, hindi ito hihigit sa P150,000 na siyang maximum loanable amount na ipinapahiram sa ilalim ng PLP.  Dagdag pa rito, ang net take-home pension o matitira sa inyong buwanang pensyon ay hindi dapat bababa sa 40%.


Ang pag-file ng pension loan application sa PLP ay maaaring isagawa online sa pamamagitan ng kanyang My.SSS account. Maaari ring mag-file over-the-counter sa mga sangay ng SSS. 


Samantala, ang pension loan na katumbas ng tatlong beses ng inyong tinatanggap na buwanang pensyon ay babayaran ninyo sa loob ng anim na buwan; kung katumbas naman ng anim na beses ng inyong buwanang pensyon, maaari ninyo itong bayaran sa loob ng 12 buwan. Kung ang nahiram na pension loan ay katumbas ng siyam o 12 beses ng buwanang pensyon, maaari naman itong bayaran ng hanggang 24 buwan o sa loob ng dalawang taon. 


Ang isang kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng credit life insurance ng borrowers. Kung sakali mang pumanaw ang nangutang na pensyonado at dahil dito ay hindi na nito maituloy ang pagbabayad ng kanyang loan, sa ilalim ng credit life insurance, babayaran ng isang insurance company ang natitirang utang ng pensyonado sa SSS.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | Setyembre 21, 2025



Buti na lang may SSS


Dear SSS, 

 

Magandang araw! Ako ay dentista dito sa Mandaluyong City. Ano ang schedule ng pagbabayad sa SSS ng katulad kong dentista? Salamat. — Lara



Mabuting araw sa iyo, Lara! 


Itinuturing ng SSS ang mga katulad ninyong dentista bilang mga self-employed member. At para sa mga self-employed member, ang deadline ng pagbabayad ng inyong kontribusyon sa SSS ay tuwing huling araw ng kasunod na buwan ng applicable month o quarter.


Kung nagbabayad ka ng quarterly, tuwing last working day ng kasunod na buwan ng applicable quarter ang inyong deadline. Ibig sabihin ang iyong kontribusyon para sa 3rd quarter ng 2025 (Hulyo hanggang Setyembre 2025) ay maaari mong bayaran hanggang 31 Oktubre 2025.


Kung monthly naman ang pagbabayad mo, ang iyong kontribusyon para sa buwan ng Agosto 2025 ay maaari mong bayaran hanggang 30 Setyembre 2025. Samantala, ang iyong kontribusyon para sa buwan ng Setyembre 2025 ay maaari mong bayaran hanggang 31 Oktubre 2025.


Ito rin ang sinusunod na deadline ng contribution payment ng mga voluntary at non-working spouse member ng SSS gayundin ng ibang self-employed members na katulad mo.


Subalit alinsunod sa SSS Circular No. 2022-028, ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang self-employed members na kabilang sa informal economy ay mayroong flexible payment schedule kung saan pinapayagan ng SSS na bayaran nila ang kanilang kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan mula sa kasalukuyang buwan. Halimbawa, ngayong buwan ng Setyembre 2025, maaari nilang bayaran ang mga kontribusyon para sa Setyembre 2024 hanggang Agosto 2025.


Iba rin ang payment schedule ng mga overseas Filipino workers (OFW) members. Ang kanilang SSS contributions para sa Enero hanggang Setyembre 2025 ay maaari nilang bayaran hanggang 31 Oktubre 2025. At ang hulog nila para sa Enero hanggang Disyembre 2025 ay maaari nilang bayaran hanggang sa huling working day ng Enero 2026. 


Tandaan na hindi pinahihintulutan ng SSS ang retroactive payments. Halimbawa, ang isang self-employed member ay hindi niya nabayaran ang kanyang kontribusyon para sa Abril 2025. Hindi na niya ito maaaring bayaran pa ngayong buwan at ito ay magiging laktaw sa kanyang contribution records. Napakahalaga na alam ng isang miyembro ang akmang contribution payment deadline sa kanya.


Mas pinadali na rin ng SSS ang pagbabayad ng kontribusyon na maaaring gawin sa iba’t ibang SSS-accredited payment channels tulad mga accredited banks, payment centers, online banking, at e-wallet facilities.

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito. Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 

by Info @Buti na lang may SSS | August 31, 2025



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw! Ako ay isang construction worker dito sa Taguig City. Nais kong itanong kung bakit kinakailangan akong magpamiyembro sa Social Security System (SSS)? Bakit ba ito mahalaga sa isang manggagawa na katulad ko? Salamat  Randy



Mabuting araw sa iyo, Randy!


Napapanahon ang iyong katanungan sapagkat bukas, Setyembre 1, ay ipagdiriwang natin ang ika-68th SSS anniversary, kung saan sa buong buwan ng Setyembre ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad upang gunitain ang anibersaryo ng SSS. Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang Pensioners’ Day sa Setyembre 12 na isasagawa bilang pagpupugay sa mga SSS pensioners at Balikat ng Bayan Awards sa Setyembre 17 na pararangalan ang mga top employers, disbursement partners, media organizations, at accredited partner agents sa 31 kategorya.


Para sa iyong kaalaman, ang SSS ay naitatag noong Setyembre 1, 1957 sa bisa ng Republic Act No. 1161 o ang Social Security Act of 1954. Layon ng batas na mabigyang proteksyon ang mga manggagawa sa pribadong sektor, maging mga propesyunal at nasa informal sector. Bilang tugon, ang SSS ang itinalaga ng gobyerno upang pangasiwaan ang iba’t ibang social security programs para sa mga miyembro nito. Ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018 ang kasalukuyang batas na gabay ng SSS.


Samantala, ang paghuhulog sa SSS ay isang paraan ng pag-iipon para sa iyong pagreretiro, maging ang paghahanda sa oras ng pangangailangan o contingencies. 


Bilang isang miyembro, maaari kang makakuha ng benepisyo para sa pagkakasakit (sickness), panganganak (maternity), pagkabalda (disability), pagkawala ng trabaho (unemployment), pagreretiro (retirement), pagpapalibing (funeral) at pagkamatay (death). Kailangan lamang na makatugon ka sa mga kwalipikasyon ng bawat benepisyo. Gayundin, maaari kang makahiram sa mga programang pautang nito tulad ng salary loan, calamity loan, educational assistance loan, at pension loan para naman sa retirement pensioners. 


May kasabihan na “once a member, always a member” dahil pang-habambuhay ang pagiging miyembro sa SSS. Kahit pa mahabang panahon ka na hindi nakapaghulog ay hindi mawawalang bisa ang iyong mga naihulog na kontribusyon sa SSS. 


Kaya, malaki ang maitutulong ng SSS sa mga taon ng iyong pagtatrabaho, Randy. Sa panahon ng iyong pagreretiro ay mapapakinabangan mo na ang naimpok mo sa SSS bilang pensyon na tatanggapin mo habang ikaw ay nabubuhay.

 

Ang SSS ay patuloy na mananatiling kaagapay ng bawat manggagawang Pilipino sa makabagong panahon at sinisiguro na makapagbigay ng tamang benepisyo sa mga miyembro sapagkat “Sa SSS, Sigurado ang Bukas.”

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng ConsoLoan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page