top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 11, 2023

ree

Kadalasan kapag ang isang tao ay pumanaw, iniiwan nila ang anumang ari-arian na kanilang naipon para sa kanilang mga kaanak.


Ngunit ibahin natin si Ben Rea ng U.K at ang kanyang pinakamamahal na alagang pusa na si Blackie.


Nang namatay si Ben Rea, isang milyonaryo at antique dealer noong 1988, iniwanan nito si Blackie ng £7 milyon.


Ang katumbas nito ngayon ay nagkakahalaga ng nasa £18.5 milyon o P1.3B.


Dahil sa pamanang ito ay opisyal na itinuring si Blackie bilang pinakamayamang pusa sa buong mundo, na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakatalo.


Ang amo ni Blackie na si Ben ay kumikita ng milyones sa pamamagitan ng pagbili at pagbebenta ng mga antique, na nagbigay-daan sa kanya upang bigyan ang kanyang mga pusa ng karangyaan na sa tingin niya ay nararapat lang sa kanila.


At si Blackie, ang huling nabuhay sa 15 na pusa sa mansyon ni Ben sa Dorney, Buckinghamshire, ang nagmana ng pera.


Si Ben ay may pamilya, ngunit siya ay nabuhay nang mag-isa at tumangging kilalanin ang kanyang sariling pamilya ayon na rin sa kanyang kagustuhan.


Sa halip, karamihan sa kanyang pera ay nahati sa tatlong cat charities kasama ang kanyang habilin na alagaan ang kanyang mga alaga hanggang sa kanyang huling araw.


Pinamanahan din ni Ben ng maliit na halaga ang kanyang hardinero at mekaniko.


Hindi lamang si Blackie ang ‘mayamang’ pusa r’yan. May mga ilang sikat na pusa rin sa internet ang nagkakahalaga ng milyun-milyon, tulad ng pusa ni Taylor Swift na si Olivia Benson at internet sensation na si Grumpy Cat.


Pero technically, ang pera ni Ben ay habambuhay nang nakatali kay Blackie, samantalang ang mga charity ay hindi makatanggap ng pondo maliban na lang kung sila ay sumang-ayon na pangalagaan si Blackie.


Ilang araw bago ang malungkot na pagpanaw ni Ben, pumanaw din ang kanyang kapatid na babae at nag-iwan ng £2 milyon sa mga animal charity.


Sino ba naman ang hindi maaantig sa kuwentong ito? 'Ika nga nila “a dog is a man’s bestfriend”, pero napatunayan natin sa kuwento ni Ben na hindi lang aso ang maituturing nating bestfriend, puwede ring pusa o kung anumang uri ng hayop ang ating alaga.


Okey lang kahit hindi pera ang isukli natin sa ating mga alaga, alagaan lang natin silang mabuti at mahalin tiyak na susuklian naman nila tayo ng walang katumbas na pagmamahal at saya.


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 9, 2023



ree

Nahuhumaling ang mga kabataan ngayon sa iba't ibang disenyo ng marshmallow, pero wala na yatang tatalo sa marshmallow na ginawa sa Mexico.


Alam n'yo ba kung bakit? Ang ginawa lang naman nila ay ang dambuhalang marshmallow na mas mabigat pa sa isang grand piano. Biruin mo 'yun? Kahit sino ay bibilib kung paano nila ito ginawa.


Nakatanggap ng Guinness World Record title ang Mexico matapos nilang gawin ang higanteng marshmallow. Ginawa ng kumpanyang Dulces Mazapan de la Rosa ang marshmallow sa Plaza Fundadores sa Guadalajara, Jalisco.


Ang record breaking attempt na ito ay isa sa mga activities na bahagi ng kanilang 200th founding anniversary celebration.


Upang makasiguro na pasok sa requirements ng Guinness organization ang marshmallow, nakabantay sa industrial plant ng kompanya ang official adjudicator na si Carlos Tapia.


Alam kong curious na rin kayo kung ilang katao ang gumawa nito, kinakailangan lang naman ito ng 100-katao, yes 100! Tama kayo ng pagkakabasa mga ka-BULGAR, dahil ito ay may bigat lang namang 648.40 kilograms na tumagal ng 53 hours o mahigit dalawang araw para ma-perfect itong marshmallow.


Matapos makumpirma na ang Dulces Mazapan de la Rosa na ang bagong record holder, pinaghati-hatian at tinikman na ng mga mamamayan ng Guadalajara ang marshmallow.


Oh, saan ka pa? Panalo na sila, may pinaghati-hatian pa sila, grabe ‘di ba? Akalain mo ‘yun nagtulung-tulong sila para lang ma-perfect ‘to. Para sa akin ay deserved nila kung ano ang kanilang natanggap na parangal dahil ‘di biro ang kanilang ginawa, isipin mo ‘yun anytime puwede bumagsak o mag-collapse ‘yung marshmallow, grabe!


 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 6, 2023



ree

Malamang sa malamang ay magulat ka rin kung paano nagawa ng 92-years-old na sumali sa isang marathon.


Mapapasana all ka na lang talaga, dahil biruin mo ‘yun hindi naging hadlang ang kanyang edad sa mga gusto niyang gawin.


Curious na ba kayo kung sino ang aking tinutukoy? Siya lang naman si Mathea Allansmith, ang itinanghal na pinakamatandang babae na nakatapos ng marathon na ginanap sa U.S.


Lumaban siya noong Disyembre 11, 2022, at itinakbo lamang niya ng 10 hours, 48 minutes and 54 seconds ang 42.1 km. Grabe, ‘di ba? Kahit siguro ang mga bagets ay bibilib sa kanya.


Si Allansmith, ay 93-anyos na ngayon at nananatiling maganda sa pamamagitan ng pagtakbo ng anim na araw sa isang linggo, umulan man o umaraw ay wala umanong nakakapigil sa kanya.


Ayon sa kanya, “The Honolulu Marathon is my favorite marathon partly because they don’t close the gate at a certain time which allows even the slowest runners to finish the race.”


Dagdag pa niya, “running in cities around the world has allowed me to really get a feel for different places and people,”


Lingid sa ating kaalaman siya rin ay isang retired doctor na ngayon ay naninirahan sa Koloa, Hawaii.


Sa araw ng kanyang world record, ginulat siya ng kanyang anim na anak sa pamamagitan ng pagsusuot ng pare-parehong t-shirt na nagsasaad ng tagumpay ng kanilang ina. Labis ang kanyang kagalakan, at ngayon ay plano niya pa ring ipagpatuloy ang kanyang pagtakbo.


Maraming humanga sa kanyang kakayahan at dahil dito mukhang marami ring mga senior citizen dito sa ‘Pinas ang ‘di magpapatalo. Looking forward na ako sa mga nagnanais magpakitang gilas.


Nawa’y maging tulay ito upang ‘di panghinaan ng loob ang ating mga mahal na ka-BULGAR na ipagpatuloy ang kanilang nais.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page