top of page
Search

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 5, 2023


ree

Makalipas ang apat na dekada, hawak pa rin ng isang tao, bagama't yumao na, ang titulo bilang pinakamabigat sa buong mundo.


Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Jon Brower Minnoch na siyang may hawak pa rin ng Guinness World Record na may pinakamabigat na timbang sa buong mundo, at wala pang sinuman ang nakaka-beat sa kanyang pangmalakasang timbang.


Bata pa lang umano siya ay labis na ang kanyang katabaan, sa edad na 12 ay umabot na siya sa 132kg. At sa edad na 22, tumimbang siya ng 178kg. (392lb o 28st) at sa mga nagdaang buwan at taon ay patuloy pa rin na nadadagdagan ang kanyang timbang.


Bilang world record holder, ang timbang ni Minnoch ay umabot sa 1,400lbs, na halos katumbas ng 635kg.


Gayunman, dahil sa kanyang timbang ay dumanas siya ng iba’t ibang sakit tulad ng sakit sa puso, at ang isa pa niyang naging seryosong karamdaman ay ang edema na sa kasamaang palad ay pahirapan na umanong gamutin.


Noong 1978, kinakailangan siyang i-admit sa Seattle University Hospital, upang madala siya ru’n, nagtulung-tulong ang isang dosenang bumbero at ilan pang mga tao. Pagdating sa ospital, inilagay siya sa dalawang kama na ipinagdugtong, at kinailangang muli siyang buhatin ng 13 katao upang mailipat sa kama.


Sa kanyang pamamalagi sa ospital, bumaba ang kanyang timbang dahil sa mahigpit na diyeta na 1,200 calories lang umano ang puwede niyang kainin araw-araw. Kung susumahin ay aabot sa 419 kilo ang nabawas sa kanyang timbang. Samantala, noong 1981, nadagdagan na naman ang kanyang timbang ng halos 89kg., at kinakailangan muli siyang i-admit sa ospital.


Makalipas ang 23 months, sa kasamaang palad si Minnoch ay binawian ng buhay.


 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 1, 2023


ree

Ang iba ay gumagastos pa buwan-buwan para sa nail extension na usung-uso ngayon, at ang iba naman ay namomroblema kung paano nila pahahabain ang kanilang mga kuko.


Malamang sa malamang ay bumilib kayo kay Lee Redmond, dahil nasungkit lang naman niya ang titulong may pinakamahabang kuko sa buong mundo.


Noong 1979, napagdesisyunan ni Redmond na pahabain na lamang ang kanyang mga kuko. Makalipas ang 30 years, umabot na ito sa 8.56 meters (28 ft 4.5 in).


Sa kabila ng pagkakaroon ng mahahabang kuko, patuloy na gumagawa ng kanilang gawaing-bahay si Redmond. Nagagawa pa rin niyang maglinis, maglaba at marami pang iba.


Kahit noong magkasakit umano ang kanyang mister ng Alzheimer, nagawa niyang alagaan at asikasuhin ito.


Gayunman, taong 2009 nang maaksidente si Redmond habang minamaneho ang kanyang SUV.


Nagtamo siya ng serious injury at ang kanyang pinakaiingatang mga kuko sa loob ng tatlong dekada ay nasira at naputol.


Bagama't nakakalungkot at nakapanghihinayang, nagawa naman ni Redmond na masungkit muna ang titulong may pinakamahabang kuko sa Guinness World Record.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | August 27, 2023


ree

Sapat ang kinakain pero patuloy pa rin sa pagtaba?


Ang aking ibabahaging kuwento ay tungkol sa kambal na kahit anong pagpapapayat ang gawin ay mas lalo silang lumalaki.


Ang aking tinutukoy ay sina Billy Leon at Benny Loyd McCrary.


Si Billy ay may timbang na 337 kgs. habang si Benny naman ay 328 kgs. na naging dahilan kung bakit sila tinaguriang "World’s Heaviest Twins".


Ang kambal ay ipinanganak na premature noong Disyembre 7, 1946 na may timbang na 2.2 kgs.

Gayunman, nagsimula silang mas lumaki sa edad na 4.


Sa kabila ng kanilang hindi pangkaraniwang timbang, maniniwala ba kayong hindi ito dahil sa labis na pagkain? Ito ay matapos silang magkaroon ng rubella na sumisira ng pituitary glands, ang bahagi ng utak na kumokontrol sa paglaki.


Ang kanilang magulang ay gumawa ng paraan upang maresolba ang problema ng kambal sa pamamagitan ng pagbili ng sakahan, umaasa na ang pagdagdag ng physical activity ay makakatulong upang mabawasan ang timbang ng kanilang mga anak.


Nagpatuloy sila sa pagtatrabaho sa bukid ng kanilang ama, gamit ang mga mini bike para matapos ang kanilang mga gawain.


Bagama’t tutol ang mga magulang nina Billy at Benny sa kanilang mga ginagawa, nagpasya ang kambal na sulitin ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng pagiging performers.


Nagsimulang makatanggap sina Billy at Benny ng iba’t ibang alok sa show business, at sa loob ng ilang linggo ay nagsagawa sila ng night club act sa isang casino sa Las Vegas.


Noong taong 1970, itinampok sa Guinness Book of Records ang kambal na nagtulak sa kanila sa international fame.


Ginawa ng kambal ang kanilang mga professional wrestling debut, at makalipas ang 5 taon ay nagpahinga sila dahil si Billy ay nagkaroon ng severe case ng pneumonia.


Noong Hulyo 1979, sa edad na 32, si Billy ay namatay matapos na magtamo ng mga injuries sa botched stunt sa Niagara Falls, Canada.


Kasunod ng pagkamatay ni Billy, sinubukan ni Benny na ipagpatuloy ang pakikipag-wrestling, kasama ang kanyang partner na si Andre the Giant.


Kalaunan ay nawala ang cartilage sa tuhod ni Benny at siya ay namatay dahil sa heart failure noong 2001, sa edad na 54.


Sina Benny at Billy ay inilibing nang magkatabi sa Crab Creek Baptist Church Cemetery malapit sa Hendersonville.


Ang kanilang 13-ft-wide na lapida, na nagtatampok ng mga motorsiklo ng Honda, at may nakasulat na “The World’s Largest Twins”.


Nakakatuwa ang kanilang bonding, hindi naging hadlang ang kanilang timbang sa mga gusto nilang gawin sa kanilang buhay.


Kahit hindi pangkaraniwan ang kanilang timbang ay nagagawa pa rin nilang magmotor, makipag-wrestling at mag-perform sa harap ng maraming tao.


Kaya mga ka-BULGAR, anuman ang ating hitsura, timbang, o kondisyon sa buhay ay ipagpatuloy pa rin nating gawin kung ano ang makakapagpasaya sa atin. Magsilbi sanang inspirasyon sina Billy at Benny sa ating lahat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page