top of page
Search

ni Jenny Rose Albason @Gulat Ka 'No?! | September 10, 2023


ree

Bulate sa tiyan, oo, pero sa utak at buhay pa, talaga ba?!!


Nagulat ang mga doktor sa Australia sa natuklasang buhay na bulate sa utak ng isang babaeng pasyente.


Simula taong 2021, ginagamot na ng mga doktor ang 64-anyos na babae gamit ang steroid at iba pang gamot para sa pneumonia, pananakit ng tiyan, pagtatae, tuyong ubo, lagnat at pagpapawis tuwing gabi.


Pagsapit ng 2022, nagpakita rin siya ng mga sintomas ng depresyon at pagiging makakalimutin, kaya nagsagawa ang mga doktor ng isang MRI scan sa kanyang utak, at may nakitang abnormalities na naging dahilan upang magrekomenda ang mga doktor ng operasyon.


Hanggang sa madiskubre ng surgical team ang 3-pulgada at mapulang bulate o Ophidascaris robertsi na karaniwang makikita sa ahas, at hindi sa tao. Posible umanong ito ang unang pagkakataon.


Ang partikular na roundworm na ito ay matatagpuan sa mga carpet python, isang malaking species ng constrictor na endemic sa Australia, Indonesia at Papua New Guinea.


Hindi pa matiyak ng mga doktor kung paano nakapasok ang bulate ng ahas sa katawan ng babae. Wala umano siyang direct contact sa mga ahas, bagama't naninirahan siya malapit sa isang lawa kung saan maraming ahas.


Ayon sa mga eksperto, posibleng ang mga itlog ng bulate ay nasa ilang halaman na nakakain o kilala bilang New Zealand spinach na kinokolekta ng babae para sa pagluluto.


Dahil wala pang taong na-diagnose na may ganitong parasitic infection, kinailangan ng mga doktor na i-adjust ang gamutan ng pasyente sa loob ng ilang buwan upang gamutin ang kanyang mga sintomas.


Ang kauna-unahang impeksyon na ito ay nagpapakita kung paano ang mga sakit na dating matatagpuan lamang sa mga hayop ay mabilis na lumilipat sa mga tao.

 
 

ni Jenny Rose Albason @News | September 9, 2023



ree

Ikinalungkot ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang pagpanaw ng Philippine Eagle na si “Geothermica,” na pinaniniwalaang nagbigay ng atensyon sa internasyonal ukol sa kalagayan ng mga species ngayong Sabado, Setyembre 9.


Kinumpirma ng PEF sa kanilang Facebook post ang pagkamatay ni Geothermica, isang 19-taong gulang na lalaking Philippine Eagle.


Ayon sa PEF, si Geothermica at “Sambisig,” isang babaeng Philippine Eagle, ay nasa isang breeding loan program sa ilalim ng Wildlife Loan Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Mandai Wildlife Group sa Singapore.


Si Sambisig at Geothermica umano ang kauna-unahang inilagay sa ilalim ng international cooperation noong 2019 upang pigilan ang pagkaubos ng pambansang ibon sa Pilipinas.


Ang Philippine Eagle ay nakalista bilang critically endangered — "considered to be facing a highly high risk of extinction in the wild" ng International Union for Conservation of Nature



 
 

ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | September 8, 2023


ree

Nakakaantig ang kuwentong ating ibabahagi ngayon, dahil siya lang naman ang asong nakasungkit ng titulong “Tallest living male dog” sa Guinness World Record na may taas ng 1.046 metro (3 ft 5.18 in).


Ang aking tinutukoy ay walang iba kundi ang Great Dane na si Zeus, 3-taong gulang, na pagmamay-ari ni Brittany Davis na kasalukuyang nakatira sa Texas, USA.


Si Zeus ay na-diagnose na may bone cancer, at kinakailangan umanong putulin ang kanyang kanang paa. At siya ay isasailalim sa radiotherapy at chemotherapy.


Ayon kay Britanny, “kamakailan, nalaman namin na ang isang miyembro ng aming pamilya na si Zeus ay na-diagnose na may cancer. Siya ay naging tapat at naghahatid ng ‘di matatawarang kagalakan at kaaliwan sa amin”.


Noon pa umano gusto ni Brittany ang isang Great Dane at laking tuwa niya nang siya’y sorpresahin ng kanyang kapatid na si Garrett ng isang 8 weeks old na tuta. Si Zeus ang pinakamalaking tuta noon, at patuloy na lumaki.


Pagbabahagi pa ni Britanny sa isang video clip na kung saan katabi niya si Zeus sa sofa, napakatigas diumano ng ulo nito, at may pagkapilyo din minsan. Madalas din sabihin sa kanya ng mga tao na mas mukha na umanong kabayo si Zeus, ang iba naman ay nagbibiro pa na kung maaari raw ba nila itong sakyan. Pero, as a per furmom ‘di ito nakakatuwang pakinggan.


Sila ay patuloy na humihingi ng tulong upang sa pinakamahusay na beterinaryo maipagamot si Zeus.


Gagawin umano nila ang kanilang makakaya para mabigyan si Zeus ng pagkakataong lumaban, at maibigay ang medikal na atensyon na kinakailangan nito upang mapabuti ang kanyang sitwasyon.


Dahil umano rito, anumang kontribusyon, gaano man kalaki o kaliit, ay malaking bagay na raw para sa kapakanan ni Zeus.


Titiyakin umano ni Britanny na lahat ng donasyong kanilang matatanggap ay mapupunta sa gastusing pangmedikal ni Zeus.


Kahit sinong dog lover ay malulungkot sa kuwentong ibinahagi ni Britanny, akalain mo ‘yun?


Tatlong taong gulang palang si Zeus, ngunit nakakaranas na siya ng mga ganitong sakit, ang masaklap pa, kailangan nang putulin ang kanyang kanang paa.


Heartbreaking talaga ang ganitong kuwento, lalo na kung napamahal na talaga tayo sa ating mga alagang aso, at itinuring na natin sila bilang miyembro ng ating pamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page