top of page
Search

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 15, 2021



Jeep ang isa sa mga sinasakyan ng mahihirap nating mga kababayan. At kamakailan, may suhestiyon ang OCTA Research Group na ilimita lang sa mga fully vaccinated ang mga mananakay sa jeep.


Katwiran ng OCTA, nasa 96% na ng populasyon sa Metro Manila ang nabakunahan.


Kung hindi man fully vaccinated, may tig-one dose na ng bakuna.


Medyo napataas tayo ng kilay sa panukalang ‘to ng OCTA, at kumakatig tayo sa katwiran ng samahan ng mga tsuper na diskriminasyon ito sa pagitan ng mga hindi pa bakunado nating mga kababayan. ‘Di bah?!


Saka, tila lutang sa ere ang pag-iisip ng OCTA kung paanong sistema sa pagpapasakay ng fully vaccinated na mga pasahero. Eh, ‘di ba nga, namimik-ap ng pasahero ang mga jeep? Ibig bang sabihin kapag may pasahero, bago pasakayin ay aaksayahin pa nga mga tsuper ang kanilang oras sa pagtatanong, kung bakunado o hindi? Ano ‘yun? Ubos oras, malaking abala, baka menos kita pa! Ano bah!


O, kung may mga sakay na sa mga terminal ng jeep kung walang barker, ipapasa-pasa sa mga nakaupong pasahero ang kanilang vaccination card? Hello! Naku, ha, nakakatakot ‘yan, eh, kung may sakit ang hahawak sa vax card mo?


Ikatlo, paano ninyo gagawan ng paraan ang mga pasaherong mahihirap na makapunta sa kanilang destinasyon kung wala pa silang bakuna? Aber? Mabuti sana kung 100% na nga lahat bakunado na! Ano ba namang klaseng mga naiisip na rekomendasyon ‘yan! Santisima!


Nakagawa na nga ng diskriminasyon, wala pang konsiderasyon sa mahihirap na mananakay na jeep lang ang masasakyan. Magpa-Pasko pa naman, paano na sila mamamalengke, mamamasko, at papasok sa trabaho?


IMEEsolusyon, ‘wag nang ipatupad ang kalokohang ‘yan, sa halip, ang palakasin muna at pabilisin ng husto ang vaccination drive ng ating pamahalaan, para maabot na ang target na mabakunahan lahat ng mga Pilipino.


Kapag bakunado na ang lahat, hindi na kailangan ang mga nakakapanakit pa ng damdamin na diskriminasyon sa mahihirap na mga Pinoy. Agree?



 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 10, 2021



Ilang tulog na lang ay Pasko na. Kahit may pandemya, tayong mga Pinoy, hindi natin pinalalampas ang Christmas spirit. Tuloy ang ating Pasko kahit may krisis!


Lalo na ngayong ibinaba na sa Alert level 2 ang Metro Manila at inalis na rin ang curfew, kaya bukas na ang mga malls mula alas-11: 00 ng umaga hanggang alas-11: 00 ng gabi para naman makapag-shopping nang mas matagal.


Pihadong marami nang paunti-unting mamimili ngayon ng mga regalong pamasko.


Tama naman na habang maaga pa, eh, simulan na nating mamili kasi habang papalapit ang Pasko, pataas nang pataas ang presyo ng mga bilihin, ‘di ba?!


Pero paalala, nasa pandemya pa rin tayo kaya’t sumunod pa rin sa mga health protocols.


Dahil krisis tayo, maraming maliliit na negosyo ang sisipa pa lang para unti-unting makabawi.


Kaya tulungan natin ang ating mga kapwa Pinoy ngayong Pasko. Paano?


IMEEsolusyon d’yan, ‘di ba may “11-11 super sale” ngayong linggo? Maghanap tayo ng mga panregalo na gawang Pilipino, kaysa sa mga China-made! Makabibili tayo ng sari-saring pagkain, books, toys, damit na gawang local, sa mga mall man ‘yan, sa mga tiangge o online store.


Sa totoo lang, ‘yung mga gawang ay China mura nga pero hindi tayo sigurado sa kalidad.


Pero ang mga gawang Pinoy ay mura na, magaganda pa at talagang maipagmamalaking may kalidad.


Eh, kasi naman tayong mga Pinoy, palaging tutok sa gawang ‘da best! ‘Di bah?


Kapag bumili tayo ng mga lokal na produkto, malaki ang maiiambag natin sa ating lokal na mga negosyante na magpapasigla naman sa ating ekonomiya.


Tangkilikin natin ang sariling atin, makatutulong na tayo sa ekonomiya, makapagbibigay pa tayo ng dagdag-trabaho o pagkakakitaan ng ating mga kababayan. Ngayong Pasko, pairalin natin ang bayanihan sa pamamagitan ng pagbili ng mga produktong ‘tatak Pilipino’. Kaya ano pa ang hinihintay mo?


Bili na!


Filipino First tayo, mga kababayan!



 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | November 3, 2021



Magtatapos na ang 2021, puro suntok pa rin sa buwan ang pangako ng PhilHealth na babayaran ang kanilang pagkakautang sa mga pribadong ospital noong nakaraang taon pa!


Ano bah?!


Biruin n’yo, last year pa ang utang ng PhilHealth sa COVID cases na P20 bilyon sa mga pribadong ospital, ano’ng petsa na? Eh, ang nakapagtataka pa niyan, sinasabi ng PhilHealth na nagbabayad na sila, pero wala raw nakararating sa mga private hospital?


Ano ba talaga?


At dahil nga d’yan, nakakapangamba dahil nagbanta na naman ang mga pribadong ospital na kakalas na sa PhilHealth o sa accreditation/partnership dito sa kalagitnaan ng Nobyembre dahil hindi sila nababayaran! Juicekoday!


Naku, problemang malaki ito sa ating mga kababayan na walang pera, at gastusing pampaospital.


Hindi biro ang nasasalong bawas sa hospital bills ng mga benepisaryo ng PhilHealth, ha?


Remember nasa halos 95 milyon ang mga miyembro ng PhilHealth na madadale kapag kumalas na sa kanila ang mga pribadong ospital, paano na lang?! Saan sila maghahanap ng perang pambayad sa ospital at sino ang magbabayad? Take note, pandemya pa ngayon!


Saka, ano pang silbi o saysay ng batas sa Universal Health Care kung tuluyang layasan ng mga private hospital ang PhilHealth! Aber?


IMEEsolusyon dito, eh, plis naman PhilHealth, paki-settle na ang inyong mga utang sa mga private hospitals! Alalahanin ninyo, marami kayong kamag-anak na benepisaryo nito ang maapektuhan.


IMEEsolusyon din na kasuhan na ang mga gumagawa ng up casing kung may sapat namang ebidensiya, tutal ibabalik naman ng korte sa PhilHealth ang pera na may interes pa kung talagang may sala ang mga ospital.


So, PhilHealth, ano pa ang hinihintay ninyo? Madaliin n’yo nang tapusin ang obligasyon ninyo sa mga private hospital. Now na!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page