top of page
Search

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 8, 2022

Kamakailan nabuking sa Senate report na may 22 tauhan ng Department of Agriculture at Bureau of Customs ang dawit sa agri-products smuggling.

Biruin n’yo ‘yun, kaya naman tuluy-tuloy ang mga pahirap sa kabuhayan ng ating mga magsasaka, eh, kagagawan ng mga smuggler ng agri-products kabilang ang mga nasa loob ng gobyerno. Ano ba?

Bakit ba nakalulusot ang mga ganyang katiwalian at bakit nagagawa pang manamantala ng mga kapwa natin Pinoy sa mahihirap na mga magsasaka? Dapang-dapa na nga, ginupo na nga ng mga bagyo, sakuna at pandemya ang kanilang kabuhayan, mas dagdag-pahirap pa kayo sa kanila!

Ang IMEEsolusyon para hindi na mamayagpag pa ang mga mapagsamantalang opisyal, dapat sa unang 100 araw ng bagong administrasyon, eh, kasuhan na ang mga ‘yan.

Natutuwa naman tayo sa pahayag ng ating ading na siniguro niyang papanagutin ang mga nambabalahura sa kabuhayan ng ating mga magsasaka. Eh, sino ba ang apektado sa kanilang mga katiwalian, kundi kapwa nila Pinoy na mga magsasaka at kanila ring mga kamag-anak, kaibigan na bumibili ng bigas, ‘di bah! Santisima!

Ngunit bahagi rin ng ating IMEEsolusyon ay bago kasuhan ang mga sinasabing smuggler na ‘yan, masiguro muna na tugma ang listahang isinumite sa Senado sa listahan ng intelligence agency na hahawakan ni incoming NICA chief at dating police general Ricardo de Leon. Importanteng sureball na beripikado ang impormasyon at akusasyon, lalo na’t may kumukwestiyon kung bakit tila may napasamang inosente sa listahan.

At huwag lang mga pipitsuging agri-smuggler ang papanagutin. Palalimin ang imbestigasyon para makalkal ang malalaking tao sa mga ahensya na sabit sa nakawan at pagsabotahe sa kabuhayan ng ating mga magsasaka pati na rin sa ating ekonomiya.

Itaga n’yo sa bato sa administrasyon ng aking ading at bilang Super Ate, bantay-sarado kayo!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 4, 2022

Grabe na ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at halos lahat umiiyak ang bulsa, halos lahat wala nang mahugot.

Eh, biruin n’yo naman, kaliwa’t kanan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tulad ng bigas, asukal, tinapay, mga isda at iba pa ang epekto ng patuloy na sumisirit na presyo ng gasolina, ‘di ba?

Higit na umaaray ang sektor ng transportasyon, aba, eh, kaliwa’t kanan ang hirit ng mga pampasaherong bus, jeepney, pati nga Grab Philippines o TNVs nagpetisyon para sa fare hike pati traysikel, hay, juskolord! Wala nang mura.

Hangga’t nagpapatuloy ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia, pataas nang pataas ang presyo ng krudo o mga produktong petrolyo sa buong mundo kasama na tayo.

At ayon nga sa mga tantiya ng economist papalo sa P100 ang presyo ng gasolina kada litro, Santisima! Paano na lang tayo mabubuhay niyan?

Kaya naman, dumarami na rin ang humihirit na taasan ang suweldo. Pero paano ‘yun gagawin kung kapos na rin ang pondo ng mga kumpanya? Juskoday!

Sa ganang atin, bilang chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, IMEEsolusyon na hikayatin natin si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marco, Jr. na mainam tingnan kung ano pa ang natitira sa PAGCOR at Philippine Charity Sweepstakes Office na maaaring pang-subsidiya sa mga sektor na naghihikahos, tulad ng transportasyon at agrikultura, lalo na sa fisheries sector.

Saka ipatupad ang hybrid work-set up sa mga opisina. Ito ‘yung merong naka-work from home at merong iilang pumapasok sa opisina, ‘di ba?

Saka ipagpaliban na rin mula sa 2023 national budget ang mga hindi mahalagang gastusin, tulad ng pondo para sa travel expenses, training, pagbili ng mga bagong sasakyan at pagpapaganda ng mga opisina ng gobyerno. Agree?

Wala pang nakakaalam kung kailan matatapos ang krisis sa langis, kaya plis, gawan na lang natin ng abot-kayang remedyo.

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | June 22, 2022

RECOMMENDED
bottom of page