top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 29, 2022

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 29, 2022


Hindi pa man natatapos ang COVID-19, may panibago na namang outbreak ng virus.


Kakaanunsyo lang ng World Health Organization (WHO) ang monkeypox outbreak. Ayon na sa WHO, nasa 16,000 nang katao sa 72 bansa ang apektado ng naturang viral disease at itinuturing na nila itong global health emergency.


Tumataas na ang mga kaso sa Europa, lalo na sa UK. Meron na ring mga kaso nito sa Amerika, gayundin sa Singapore na local case lang at sa South Korea.


Ayon sa mga health experts, sintomas ng monkeypox ang pananakit ng ulo, lagnat, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng mga masel, panginginig at rashes na nagsusugat-sugat, kalaunan.


Bagama’t wala pa naman ito sa ating bansa, magsimula na tayong magkasa ng mga paraan ng pag-iingat laban sa virus. Inaasahan nating puspusan ang gagawing pakikipag-ugnayan ng Department of Health sa WHO.


Narito ang ilang IMEEsolusyon para makapag-ingat sa monkeypox, ayon na rin sa ating mga health experts:

  • Iwasang mahawakan ang mga infectious na rashes nito, sugat-sugat o body fluids, tulad ng pawis, laway ng tao.

  • Kaya ingat-ingat din sa pag-share ng mga baso at kubyertos, dapat hugasang mabuti. At bawasan ang paghalik sa kung kani-kanino.

  • Iwasan din na maubuhan kahit pa hindi alam kung may monkeypox ang may sintomas nito. Huwag hawakan ang mga bagay o lugar na nahawakan ng pasyente.

  • Sundin pa rin ang COVID safety protocols na pagsusuot ng face masks, social distancing, pagsa-sanitize ng mga gamit natin, tulad ng cellphone, lalo na kapag palagi tayong nasa labas.

  • Walang espisipikong gamot ang monkeypox, kundi ayon sa mga health expert ginagamot lang muna nila ang mga sintomas ng sakit na tulad ng sakit sa ulo, lagnat at iba pa.

Always remember mga friendship, prevention is better than cure, ‘di ba? Mag-ingat lang tayo, sumunod sa health protocols at sabayan natin ng dasal. Agree?!


 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 22, 2022


Ilang Linggo na lang ay pasukan na’t muling magbabalik sa face-to-face classes ng mga estudyante. Umani ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing porma ng pagbabalik-eskwela.

May mga magulang na atubiling papasukin ang kanilang mga anak dahil sa takot na hindi pa rin talaga ligtas ang mga bata sa COVID-19 oras na naging in-person na ang mga klase. Kabado sila kung paano ang mga paghahanda ng mga eskwelahan o safety measures. Lalo na ‘yung mayroong anak na merong comorbidity na hindi nagpaturok ng COVID-vaccine.


Meron ding ibang magulang na sobrang saya dahil para sa kanila, makagagaan na sa kanila at makababawas sa kanilang iintindihin sa harap ng napakaraming trabahong bahay, nand’yan pa ang anak na tututukan tuwing may online class.


Hirit naman ng ibang magulang na baka puwedeng ituloy pa rin ang merong online at meron pa ring face-to-face classes. Katwiran ng iba, makatitipid sila sa gastos sa baon para sa mga anak at makikita rin nila agad ang ginagawa ng bata.


Sa gitna ng iba’t ibang reaksyon, sa ganang atin, bilang isa ring magulang at may pamangkin, IMEEsolusyon na pabor tayo kay BFF VP Sara Duterte na pagbigyan na ang face-to-face classes, lalo na’t pababa na naman ang mga kaso ng COVID, pero kaakibat nito ang mga siguradong safety measures sa mga eskwelahan.


IMEEsolusyon ang papel na malaki ng school administrator sa masistema at maayos na COVID-safe na eskwelahan. Para mas makasiguro at maging kumpyansa ang mga magulang IMEEsolusyon na masigurong may space talaga ang bawat sa mga upuan nila as much as possible. Dapat istrikto sa distansya.


IMEEsolusyon din na siguruhing ng school administrators, mga guro na istriktong nakasuot ng tama ang mga face mask ng mga bata at siguraduhin na bawat isa ay may bagong alcohol, gayundin ang mga eskwelahan dapat sa entrance pa lang ng silid-aralan meron na niyan.


IMEEsolusyon, ‘wag magpapasok ng mga tagahatid ng sa school vicinity o sa loob mismo ng eskwelahan, siguraduhin na alerto parati ang mga guwardiya natin na hanggang gate lang sila. Pati paki-alerto na rin ang mga guwardiya sa mga batang hindi sumusunod sa mga safety protocols.


IMEEsolusyon din na sa pagbubukas ng klase, tayo, eh, umaasa sa LGUs na paki-suportahan naman ang mga eskwelahang inyong nasasakupan sa kahit anong paraan na inyong kaya. Pakisigurong walang overcrowding o nagdikit-dikit sa bukana ng eskwelahan sa class opening, plis mga barangay tanod d’yan.


IMEEsolusyon din namang paki-provide ng mga medics sa bawat school at baka puwedeng makapag-provide ng pang-swab antigen ang mga LGUs sa mga guro, school administrators na puwedeng gawin tuwing Lunes, ‘yan ay kung kaya lang naman ng badyet.


Kasama na natin ang COVID ngayong new normal at ‘wag tayong matakot, basta protektado tayo at armado ng mga face mask, alcohol at ginagawa na nating routine ang paghuhugas ng tama ng kamay, social distancing at iba pa, ligtas tayo. ‘Ika nga, prevention is better than cure.


Tulong na lang tayo sa class opening sa anumang ating makakaya, mayroon tayong magagawa bilang mga magulang at himukin natin ang mga anak nating maging masunurin sa panuntunan ngayong pasukan. LGUs, plis, malaki ang papel ninyo sa ikatatagumpay nito. Agree?

 
 

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 18, 2022


Marami ang nag-react nang maibalitang tumaas na ang presyo ng itlog. Mula sa dating P7 kada piraso, sumipa na ang presyo nito sa P10 hanggang P15 kada piraso.


Habang ang kada tray na dating mabibili sa P150 hanggang P180, ilang tindahan at palengke na tulad sa Rizal ang nagbebenta nito ng P190 hanggang P200. May poultry owner pa nga sa Laguna ang nagsabing posibleng maging doble pa ang presyo ng kada tray ng itlog.


Katwiran nila, dahil ito sa tumaas na presyo ng patuka sa manok, dagdag pa ang mataas na presyo ng langis at transportasyon. Nagmahal din ang itlog dahil sa bird flu. Libu-libong manok ang kinatay na lang para hindi na lumaganap pa ang sakit.


Hay naku, itlog, ang dami pa namang pinaggamitan nito tapos tumaas pa ang presyo! Paano na lang ang mga gumagawa ng tinapay, nagbe-bake at iba't ibang pagkaing ginagamitan ng itlog. Lalo na tayo pang Pinoy, eh, napakahilig na ipang-almusal ang itlog. And'yan pa ang iba't ibang “log": tocilog, longsilog, hotsilog, etc.


Sa mahihirap nating friendship na takbuhan na pang-ulam ang itlog, ang puwedeng IMEEsolusyon ay bili na kayo ng sisiw, 'yung pang-backyard lang. Mag-alaga kayo sa inyong pamamahay o bakuran kapag meron kayong lugar.


Remember, kapag nangitlog 'yan, meron na kayong libreng pang-almusal. Oks lang kahit anong klaseng uri ng manok ang alagaaan n'yo, pero sabi nga ng mga taga-probinsya, mas okay ang native na mga manok kasi hindi na 'yan pinakakain ng patuka.


Ikalawa, bukod sa manok, puwede rin kayong mag-aalaga ng nangingitlog na mga bibe, pato o Sasso chicken. Sa Abra, Sasso ang pinararami nila sa isang farm doon dahil malaki at mabilis palakihin kumpara sa mga native na manok. Maganda ito sa mga bahay-bahay o bakuran natin.


Sa gitna ng krisis, para-paraan na muna tayo sa paghahanap ng mga alternatibo kapag ang produkto ay nagmamahal o tumataas ang presyo. Agree?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page