top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 5, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Sa kabila ng ingay at intriga sa pulitika, tuloy lang tayo sa trabaho. Hindi tayo natitinag, hindi tayo puwedeng matali sa away at bangayan — work as usual lang katulad ng karamihan.


Kailan lang ay tatlo sa ating mga panukalang batas ang naging ganap na BATAS. Yes beshie, batas na!


Una, term extension para sa ating barangay at SK officials. Apat na taon na ngayon ang kanilang termino. Ibig sabihin, suspendido muna ang barangay elections ngayong taon at sa 2026 na ulit ang laban. Mas mahaba ang panahon para magtrabaho, hindi puro kampanya at pamumulitika -- less gastos pa. Winner tayo du’n, ‘di ba?


Pangalawa, libreng libing para sa pinakamahihirap na pamilya. Harapin natin ang totoo: mahal mabuhay, luho ang magkasakit, at mas mahal ‘pag namatayan. Sa batas na ito, hindi na poproblemahin ng mga kababayan natin kung saan kukuha ng pera para ilibing ang kanilang mahal sa buhay. Kahit sa huling hantungan, may dignidad.


Pangatlo, Konektadong Pinoy Act. Batas na rin ang ating panukalang gawing mas mabilis at mas mura ang internet sa bansa. Malaking ginhawa ito para sa ating mga estudyante, sa mga OFW na araw-araw gustong makausap ang pamilya, at sa mga online worker. Walang disconnected sa Konektadong Pinoy -- lahat kabilang!


Pasado na rin ang ating Senate Resolution No. 127 o High Seas Treaty. Dininig na nila ang sigaw ng ating mga dukhang mangingisdang araw-araw naglalayag, kahit wala kasiguruhan kung may mauuwing huli. 


Napagtibay na rin natin ang Letter of Agreement (LOA) on Narcotics Control and Law Enforcement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Simpleng layunin: tapusin ang kalbaryo ng bansa sa ilegal na droga. 


At dahil Coop Month ngayong Oktubre, may ihihirit pa tayo, itotodo ko na ang panawagan ko: Bekenemen, paki-aprubahan na rin ang panukalang amyenda sa Cooperative Code! 


Ilan lang ‘yan sa mga nagawa natin sa Senado, at hindi diyan magtatapos. Marami pang nakapila, marami pang aasikasuhin. 


Kaya uulit-ulitin ko: trabaho muna bago eksena. Kayod lang nang kayod, dahil ang pera ng taumbayan dapat bumabalik sa kanila sa anyo ng proyektong tunay na mapakikinabangan.



 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 3, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Hello mga nakshie!

Sabay-sabay nating batiin ng Happy Teacher’s Day ang mga makabagong bayani — ang ating mga guro!


Malapit talaga sa puso ko ang mga guro dahil ang aking nanay, ang ating orig na First Lady na si Imelda Marcos, ay naging isang guro rin!


Hindi matatawaran ang dugo’t pawis na ibinubuhos nila sa kanilang sinumpaang propesyon. Pero alam niyo ba? Literal na LAHAT NA ginagawa nila! Teacher na, coach pa, tindera, cook sa feeding program, social worker, tagapamahala ng eleksyon, EMCEE pa sa school events — grabe, lahat kinakaya!


Kaya naman, higit pa sa cake at flowers, dasurv ng ating mga guro ang totoong regalo: dagdag na suporta para sa kanilang kabuhayan at trabaho. Hindi lang ngayong Teachers’ Day, hindi lang pang isang buwan, kundi pangmatagalang benepisyo na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw.


Panahon na para itaas ang sahod ng mga guro! Sa kabila ng implementasyon ng 2nd Tranche ng SSL VI, bitin pa rin! 


Kasi sa totoo lang, marami na sa kanila ang “taga-London” — LOAN dito, LOANDON! Dahil hindi talaga sapat ang kanilang suweldo! Sumasabay pa ang mga bonggang kaltas sa kanilang sahod!


May chalk allowance nga ang ating mga guro pero kakarampot na P10K, sa buong taon na! Kaya ang ending, sa sariling bulsa ng titser manggagaling ang pambili ng chalk at iba pang kailangan sa silid-aralan. 


Kung gaano kaaga pumasok ang ating mga guro, ganoon naman kahuli ibinibigay ang kanilang mga benepisyo. Ang kanilang performance-based bonus, 3 years nang nakatengga! 


Bukod pa riyan, dapat bawasan ang sangkatutak na admin works at dagdag na trabaho na isinisiksik sa kanila. Hindi sila “work all you can” na parang eat all you can lang ha! May mga naririnig pa akong teachers na pati pagbebenta sa canteen, sila pa ang inuutusan.


Kung gaano karami ang memo na nilalabas para protektahan ang mga estudyante, dapat ganoon din katindi ang effort para alagaan ang ating mga guro na siyang humuhubog sa bawat mag-aaral.


Kung may happy wife, happy life… may happy teacher, happy learner! Kung masaya si titser, masaya ring natututo ang ating mga anak!


Ang IMEE-lesson: MATUTO tayong pahalagahan ang mga nagtuturo sa atin, hindi lang tuwing Teacher’s Day, kundi sa araw-araw.


‘Yan lang muna mga nakshie, babush! 


Muli, maligayang araw ng mga guro! Mabuhay kayo mga mamser!


 
 
  • BULGAR
  • Sep 15, 2025

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | September 15, 2025



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Beshie, ito na nga, palaisipan ang mga nangyayari kasi ibinasura na raw ang mga ikinaso ko sa Ombudsman laban kay DOJ Sec. Boying Remulla and his minions! 


Aba, teka, teka, teka! Lalo lang nagiging obvious ang plano nilang iupo si Sec. Boying bilang Ombudsman! Isang tanong lang — may suhol ba kay OIC Vargas? Tapos biglang basura na ng kaso para makakuha ng clearance?! Agad-agad besh?


Kaya naman eksena agad ako! Naghain na tayo ng Motion for Reconsideration sa mismong araw ng pag-dismiss nila ng kaso! Mas mabilis pa tayo sa same day delivery ah!


Malapit nang maging PinakBest ang eksena sa dami kong hinahain! 


Kaya ‘wag masyado pa-kampante si Boying -- may kaso pa rin siya! DISQUALIFIED pa rin siya sa pagiging Ombudsman!


Please lang ah, tigilan na ang “group effort” na ‘yan para lang makalusot si SOJ Remulla. Failed na ang Plan A at Plan B nila, time for Plan C na ba???


Ano man ‘yang Plan C na ‘yan, C-cguraduhin kong may Plan D ako: ‘Di ko kayo titigilan!


Ang payo ko lang naman na paulit-ulit ay tigilan n’yo na ang mga makasariling interes! Huwag nating hintaying magalit ng todo ang taumbayan! Hindi ba kayo takot sa mga kaliwa’t kanang protesta sa Nepal, Indonesia, France, etc. ISKERI ah!!!


Ang sakit ma-back-to-you ‘di ba? Babush!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page