top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 21, 2023


Isinulong kamakailan ng ilang ekonomista sa ating bansa na tanggalin ang excise tax sa petrolyo.


Ito’y para raw makinabang ang mga motorista at makatutulong daw ito sa pag-usad pa ng ating ekonomiya?! Heller talaga lang ha!


FYI lang powz, tanging ang mga malalaking importers lang ang makikinabang d’yan. Take note, hindi rin ‘yan magreresulta ng mga diskwento sa mga konsyumer.


And remember, 20% hanggang 30% lang ng imported na petrolyo ang idinedeklarang nabuwisan. Sus no, open-secret na kaya ‘yan, ‘di bah!


Everybody knows ang mga kalokohang ‘yan at panggagantso ng mga importer.


Sa ganang akin, IMEEsolusyon pa nga na dapat nabubuwisan ang lahat ng mga imported na petrolyo. Eh, ‘di ba nga, knowing ang mga red tape rito sa ating bayan, eh napakaraming under-the-table arrangements!


Saka no, ‘di na naililihim sa atin na mas konting imported na petrolyo ang nakalista pero mas maraming nakakalusot.


Para sa akin, kaysa alisin ang excise tax sa petrolyo, eh IMEEsolusyon na tanggalin na lang ang Value Added Tax. Dahil yarn ay mas siguradong direktang mapapakinabangan at mararamdaman ng mga konsyumer. Agree?



 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 11, 2023


Nabulabog tayong lahat sa pagsiklab ng pag-atake ng Hamas Militant group sa Israel at patuloy ang giyera roon.


Nakakapangamba ang nabuhay na maraming siglo nang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestinian militant group. Kaya naman ang ating OFWs doon, ‘di natin maiaalis na mahintakutan.


Dalawa na ang naiuulat na nasugatang Pinoy, may isa ring napaulat na na-hostage na OFW, pero ang mas nakakabahala pa ayon sa Israeli forces, hindi sila makapagnegosasyon. Nakupo!


Mabilis namang nakaresponde ang konsulada at embahada roon. Aktibo rin ang mga Filipino Community.


Pero ‘yun nga lang may mga OFW na gusto nang umuwi, may iba ring ayaw.


May napapaulat na mga nawawalang Pinoy. May walong na-rescue ang Israel forces.


Panawagan ng ilan nating mga kababayan doon na tulungan ang mga hindi dokumentadong mga Pinoy na walang mapagkakanlungan.


IMEEsolusyon na sa ngayon na magtulungan muna ang ating Filipino Community at maglagay ng 24/7 na documentation ng mga safe, lokasyon ng mga ito, mga nawawala, mga injured at iba pang mga casualties.


IMEEsolusyon din na matukoy sa listahan ang mga gustong magpalikas, magpa-rescue, at gustong manatili pa rin sa Israel.


Magagamit ang mga listahang ito para sa rescue, relief operations at repatriation.


IMEEsolusyon na sa ibang mga bansa kung saan mayroon tayong mga OFWs, parating mailatag ang mga ganitong listahan ng ating Embassy, Filipino Communities para sa mabilisang rescue at iba pang pangangailangan.


IMEEsolusyon rin na kung wala namang gumaganang telepono o walang mga kuryente, baka naman puwedeng magkaroon ng mga handheld radios ang lider ng bawat Filipino Communities na naka-standby para sa mas mabilis na komunikasyon.


IMEEsolusyon rin na magtakda ang bawat Filipino Community ng mga lugar na palagian nilang tatakbuhan tuwing may sakuna, kalamidad o mga ganitong mga kaguluhan.


IMEEsolusyon rin na bawat isang Pinoy, may dalawa o tatlong hotline ang Filipino Community para sa koordinasyon para sa mga OFW na nangangailangan ng tulong.


At higit sa lahat kabisaduhin na ang mga hotline na ‘yan ng bawat OFW.


IMEEsolusyon na laging maglagay ng mga go bag na naka-redi in case of emergency, nakalagay doon ang inyong passport o iba pang mga IDs o documents, ilang gamot, tubig, flashlight, T-shirt, undies at pants o shortpants, ilang biskwit o candies.


Sa ngayo’y lakasan lang ng bawat Pinoy ang kanilang loob. Keri natin ‘yan, basta tulung-tulong sa mabilis na pagkilos at pagiging alerto para sa inyong kaligtasan.


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | October 5, 2023


Hindi pa rin mapatid-patid ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Lalo na ang mga gulay-gulay na nakakalula ang presyo.


Ayon sa ating farmers, nasalanta sila ng mga nagdaang bagyo, dire-diretso ang oil price hike. Kung magbigay man ng rollback sa gasolina, barya-barya lang.


Kaya dagdag factors ang mga ‘yan sa pagtaas ng bilihin. Nakupo, saan makakarating ang badyet ng maraming nanay!


Ni singkong duling wala nang matitira sa kanilang mga bulsa. Santisima! Kaya nga itong aking ading na si Bonget eh, sikap to the max na gawan ng paraan.


Biruin n’yo ha, kinanti na at ibinasura ang hirit ng kanyang economic managers na tapyas sa taripa ng mga imported na bigas. Mabuhay ka Ading!


Eh, dagdag pahirap talaga kasi ‘yan sa mga farmers natin. Lalo silang mababaon sa utang, sa hirap ng buhay, kukumpetensyahin pa kasi sila ng mga imported na agri-products na mas mura.


Saka buti nga, ‘yang “pass through fee” ng mga nagta-transport ng mga agri-products ipinatatanggal na ni Bonget.


Ang sa’kin lang para lalo tayong makatulong sa farmers at mapababa ang presyo ng agri-products, LGUs na ang kumana ng tax structure.


IMEEsolusyon na LGUs na ang maglabas ng executive order o utos na alisin ang paniningil ng “pass through fee”. Para naman mas bumilis ang implementasyon.


Kapag naalis ang mga dagdag gastos sa shipment ng mga agri-products, makababawas din ‘yan sa presyo ng bilihin. ‘Di bah?!


IMEEsolusyon din na tayo namang mga nanay, ibalik, buhayin ang Green Revolution!


Nowadays, ‘yan na ang tamang remedyo. Kailangan tayong magbalik-backyard farming.


Abah eh, kumuha lang ng mga plastik na bote, doon itanim ang mga gulay gaya ng sibuyas, kamatis, talong, okra at iba pa na madaling tumubo. Bawas ‘yan sa ating gagastusin sa pamamalengke ‘di bah?


Saka take note, ‘yung mga malunggay ha, ‘wag kakalimutan. Patusuk-tusok lang ang peg n’yan sa mga paso, o maliit na bahagi ng lupa sa inyong mga bahay, tutubo na.


Remember, madaling itanim, masustansya pa!


Ika nga, ang mga Pinoy, dalhin mo kahit saan basta may lupa, o kahit sa mga bote, maparaan para mabuhay. Tanim-tanim lang ‘pag may time makakakain na!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page