top of page
Search

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | December 16, 2023


Nabuhay na naman ang Cha-cha! May gusto na namang sumayaw, at naghahanap ng ka-partner.


Ano ba ‘yan, kunwa-kunwariang para sa ekonomiya, talaga bah?


Aber, sige bantayan natin kapag umusad ‘yan.


Sa totoo lang ha, kahit sinupamang mag-push n’yan, kumpiyansa ako na wala ‘yang lugar! 


Mabibigo lang no! Tama ba namang i-push na naman ‘yan?


I smell something fishy! Ha-ha-ha! Hay naku, tell it to the marines, double bladed ‘yan!


Bakit ba ke kulit, kulit?! Makailang beses nang na-float ‘yan pero sinusupalpal agad ‘yan ng ading ko no!!


Santisima, sure ba kasing concern talaga sa economy? O me inaambisyon para sa sariling pakinabang?!


Hindi IMEEsolusyon ‘yang sayaw ng Cha-cha ngayong baon sa hirap ang ating mga kababayan! 


Ang totoong IMEEsolusyon ngayon ang unahin ang kumakalam na tiyan ng ating mga kababayan!


Unahin ang pagkain! Mag-push pa ng mga measure o mga hakbang para bumaba ang presyo ng bilihin!


IMEEsolusyon na mapalago lalo ang produksyon ng lokal na mga pagkain, palay, mga gulay, mga isda, prutas!


IMEEsolusyon na back to basic tayo, tangkilikin ang sariling atin o buy local at ‘wag mag-import ng foods hangga’t maaari! 


I-flush na natin sa CR ang Cha-cha, saka na ‘yan no! Tama na muna ang pulitika, pagkain muna!

 

 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | November 6, 2023


Magkakasunod na ang show of force ng ating friendship na China sa teritoryo natin sa West Philippine Sea.


‘Di pa rin tinatantanan ang pambu-bully sa ating mga Phil Coast Guard at Philippine Navy. Abah at nadagdag pa ‘yung isa nating airplane na binuntutan daw kamakailan?!


Nakita naman noong isang araw na mahigit isandaan o 135 to be exact ang nagkukumpulang mga Chinese militia vessels sa bisinidad ng Julian Felipe Reef sa West Phil Sea. Jusmio!


Iba na itetch ha, nakakabahala na. Friendship natin ang China, at naniniwala pa rin naman ako na mapag-uusapan pa rin ‘yan.


Marami na tayong mga kababayan lalo na ang ating mga kasundaluhan at hukbong katihan na gigil na ha at gustung-gusto nang pitikin ang mga Chinese vessels na ‘yan.


Pero ooopsss mga kababayan, walang magandang ibubunga sa ‘tin na maging marahas dahil sa bugso ng damdamin.


Kahit ganyan na ang sitwasyon mga kababayan, preno pa rin tayo.


IMEEsolusyon na idaan pa rin ‘yan sa mabuting usapan o talakayan.


Katunayan nga ako mismo, ang inyong senadorang Super Ate, isusugo ko ang aking sarili para kausapin ang ating counter-part sa China.


IMEEsolusyon na gamitin na lahat ng paraan, sa ganang akin, hinding-hindi tayo dapat maging utak-giyera. Ayaw ko n’yan at alam kong ayaw n’yo rin!


Saka aminin na natin wala tayong panama sa mga armas pandigma ‘di bah?!


Kahit naman ‘di tayo makikigiyera, its about time na buhusan talaga natin ng pondo ang mga armas natin pandigma para sa ating national security, Agree?!


 
 

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | November 24, 2023



Heto na naman tayo, umiinit na naman ang isyu ng planong pakikialam ng mga dayuhan sa sistema ng hustisya sa ating bansa.


At ang masaklap, kinakampihan pa ng ilan sa ating mga mambabatas.

Eh, ‘di ba tablado na ‘yan sa nagdaang administrasyon, at inisnab na rin ng aking Ading na si P-BBM ng maraming beses?!


Abah, eh, ke kulit naman! Unli nang pagtatangka ‘yan ng International Criminal Court sa ‘tin ha!


Helllo, walang respeto sa ating justice system!


IMEEsolusyon para ‘di na tayo kulitin ng ICC, panawagan ko sa ating kapwa mga mambabatas na magkaisa tayo sa paninindigan na malayang bansa tayo at sagka sa ating soberanya ang panghihimasok ng mga dayuhang ICC.


And take note, ang kasarinlan ng hudikatura ay naroroon at totoo. Ang ating hukuman ay isang hukuman ng batas at katarungan, walang pakialam sa personalidad o anumang pulitikal na ingay.


Ang pagpapalabas ng piyansa ni dating Senador Leila De Lima ay patunay dito.


Ito ay nagpapalakas sa aking posisyon mula pa sa simula, na ang ICC ay walang hurisdiksyon sa sinumang Pilipino -- lalo na kay PRRD. Walang pakialam ang ICC sa ating sistemang pangkatarungan!


Sundin n’yo naman ang ating Pangulo na no to ICC intervention sa ating justice system.

Kahihiyan din natin na papayagan ang ICC, gayong may sarili tayong justice system!


Ano ba ‘yan, meron kasing nanggugulo eh... malayo pa ang eleksyon tila buwitre o vulture, abangers sa mga gusto nilang wakwakin para makamit ang ambisyon!

IMEEsolusyon sa mga kapwa ko mambabatas, i-prioritize naman natin ang mga basic

issues at needs ng ating mga kababayan.


Gaya ng mataas na presyo ng bilihin, kuryente, tubig at saka puwede ba parusahan at magpakulong na ng mga agri-smugglers?!


Kaya sa ganang akin, ‘wag magsayang ng oras sa isyu ng ICC.

IMEEsolusyon na unahin na natin ang problema ng kalderong walang laman, sikmurang kumakalam! Agree?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page