top of page
Search

ni Imee Marcos - @Buking | August 24, 2020



Hindi na natapus-tapos ang malawak at matagal na pamamayagpag ng sinasabing korupsiyon sa PhilHealth. Kaya habang wala pang linaw, dapat sigurong huwag na munang pakialaman ‘yung P10 bilyon na ilalagay daw sa nasabing ahensiya.


Hay naku, mga frennie, malalim talaga ang ugat ng anomalya riyan at isa sa mga pangunahin d’yan, eh, ‘yung talamak na “Pera sa Pneumonia Scam”. ‘Yan ‘yung simpleng sipon lang ang sakit tapos idedeklarang pneumonia para may mai-reimburse ang ospital sa ahensiya. Eh, ‘di ba, ang galing, laking kickback na!


Ang nakapagtataka ay kung bakit nakalulusot ang mga ganyang scam? Eh, ‘di kasi ‘yan mao-audit dahil sa kakulangan sa Republic Act 11332 o ang batas na mandatong iulat ng ahensiya sa gobyerno ang anumang nakahahawang sakit.


Ganito kasi ‘yan, hindi tugma ang pneumonia sa depenisyon ng batas sa tinatawag na “notifiable disease”, kaya “nagagawang ibalewala ng mga buwitre-bandido sa PhilHealth ang detalyadong pagsiwalat sa mga kaso ng pneumonia at tuloy ang singil-suhol ng mga ospital.” Gets n’yo?


Meaning, mga friendship, nailulusot ng mga bandidong buwitre sa PhilHealth ang paglalabas ng pera para bayaran ang mga ospital sa simpleng sakit, na sipon lang pero ginawang pneumonia ng mga tao ahensiya. ‘Kalokah!


Super-duper ang lalim ng talamak na kubrahan d’yan sa PhilHealth. Hirit nating suspendihin din muna ang paniningil ng premium contribution sa mga miyembro. Aba, eh, nobody knows, kung madadale ulit ang mga ‘yan ng sinasabi nilang sindikato sa loob. He-he-he!


Para iwas din na lumalim pa ang pangangawat ng pondo, eh, suggestion nga rin, na bumuo muna ang ating gobyerno ng account para ilipat at mabantayan ang kasalukuyang pondo ng PhilHealth at ilipat rin sa Department of Budget and Management (DBM) ang procurement o pagkuha ng equipment ng PhilHealth habang magulo pa ang usaping pinansiyal ng ahensiya.

 
 

ni Imee Marcos - @Buking | August 19, 2020



Nakakapikon talaga kapag pinag-uusapan ang korupsiyon sa PhilHealth. Nakaka-high blood to the highest level!


Bulok ang sistema nila, mga frennie! Sa paniwala natin, kahit sino pang pinuno ang ilagay d’yan, mauulit at mauulit lang din ang korupsiyon! Eh, noong kongresista ako, 2003 pa lang ay may korupsiyon nang iniimbestigahan sa ahensiya, ilang dekada na ang nakalipas. Hanggang ngayon, iniimbestigahan pa rin. Juicekoday!


Wala na yatang katapusan ang anomalya sa PhilHealth, na hindi na lang simpleng mga namumuno ang dapat na kalusin kundi mismo buong organisasyon na ang dapat linisin! Eh, di ba sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maliit na korupsiyon nga lang, naamoy na niya, ‘yan pa kayang umaalingasaw?


Kawawa ang pera ng ating mga kababayan na nand’yan sa PhilHealth, nababalahura! Palagi na lang nasasamantala ang reserved fund para pantapal sa mga pekeng claims o bayarin sa mga ospital at ngayong 2020 ang pinamalaki, bilyones ang usapan ibinabayad sa mga fraudulent claims lalo na sa mga probinsiya.


At ang nakakatakot ngayon, pabangkarote na ang PhilHealth at ang pondo nito ay baka tumagal na lamang ng 2021.


Sangkaterbang alingasngas ang meron dito tulad ng sistema ng IT. Bulok na hindi maaayos-ayos ang gulo-gulo kaya kung may korupsiyon hindi mababalikan ang mga rekords, santisima! Hindi tuloy makita na kahit patay na, eh, nakaka-claim pa rin ng benepisyo sa PhilHealth, Grabe!


Ang daming itinatagong mga rekords, labis-labis na payout sa mga pekeng ospital na kinukuha sa reserved fund, hindi pa rin matigil-tigil ‘yan! Kaya dapat maayos ang IT d’yan at maglagay ng app na tutukoy at haharang sa kalokohan sa loob ng ahensiya!


Tsaka sana naman ay magkaroon ng kaunting delicadeza ang mga opisyal d’yan, kaya plis lang ay ‘wag namang kapit-tuko sa puwesto! Mag-leave muna kayo at kung alam ninyong kayo ay guilty, ano ba, mag-resign na!

 
 

ni Imee Marcos - @Buking | August 17, 2020



USAPANG artista muna tayo...

Nakapagtataka lang kung bakit ang Asia’s pop star na si Sarah Geronimo ay tinanggap ang commercial ng Meralco? Nakakalokah!

May feeling tayo na tila nagapagamit si ateng at ang kanyang mister sa Meralco, para idepensa ito sa sobra-sobrang paniningil sa kuryente. Hanggang ngayon ay napapaisip ang lola n’yo kung bakit!

FYI, Sarah, mismong kapwa mo artista at kasama sa kapamilya channel na si Richard Yap, nagreklamo na triple ang kanyang bill sa kuryente na umabot ng mahigit P55, 000? At for sure marami pang iba ang super angal dito. Ano ka ba, hija?

Sarah, kakampi ka dapat ng mga mahihirap na konsumer na karamihan ay mga tagahanga mo. Jusko, bakit ka nagpagamit sa Meralco? ‘Santisima! Ang imahe mo na sobrang bait, baka maglaho dahil sa ginawa mong pagkampi sa kanila na parusa sa taumbayan.

Ayoko na magtatanong kung magkano ang TF mo, dahil tiyak keri nilang mag-ubos ng anda pambayad sa iyo para lang gumanda ang kanilang image.

Naku, sana ay maisip ni ateng na sumikat siya dahil sa marami nating mahihirap na kababayan na ngayon ay sinasamantala.

No wonder na lang kung hindi lang tayo ang makapauna kay Sarah. Umiinit na rin siya sa mata ng mga netizens pati mismong fans kasi ng magaling na singer ay biktima ng overcharging!


Next time, sana ay alamin ni ateng ang mensahe ng mga proyektong ipagagawa sa kanya bago tumanggap ng commercial. Take note, sana ay maisip niya na sa advertisement na ‘yan ng Meralco, binibigyan niya ng katwiran ang pang-aabuso ng oligarkong kumpanya sa mga mahihirap niyang tagahanga!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page