top of page
Search

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Marso 9, 2024

 

Sa aking pag-iikot sa buong bansa ay nakikita ko kung gaano kahirap ang kalagayan ng mga kababayan nating nagiging biktima ng insidente ng sunog at iba pang sakuna at kalamidad. Kaya naman personal natin silang dinadaluhan at tayo mismo ang naglalapit ng ating serbisyo at tulong sa kanila nasaan man sila sa ating bansa sa abot ng ating makakaya at kapasidad. Iyan ang aking ipinangako sa inyo. Kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, pupuntahan ko kayo basta kaya ng aking katawan at panahon. 


Umabot na ako ng Batanes at Aparri hanggang Jolo, at noong March 7 ay nasa Bongao, Tawi-Tawi naman tayo at naghatid ng tulong para sa 331 residente na naging biktima ng insidente ng sunog sa kanilang lugar. Bukod sa tulong na ipinagkaloob ng ating opisina, nakatanggap din ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng tulong mula sa National Housing Authority sa ilalim ng programang ating isinulong noon para may pambili sila ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pagtatayong muli ng kanilang tahanan. 


Ipinaalala rin natin sa kanila, at maging sa lahat nating kababayan, na maging maingat at mapagmatyag sa mga posibleng maging sanhi ng sunog lalo ngayong Fire Prevention Month para hindi na maulit ang naganap na sakuna. Sabi ko nga, mahirap masunugan.


Sa bawat bahay na nasusunog ay damay ang kapitbahay. Gayunpaman, tandaan natin na ang gamit ay nabibili at ang pera ay kikitain natin. Pero ang perang kikitain natin ay hindi po mabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Pangalagaan natin ang buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon.


Habang nasa Tawi-Tawi ay binisita rin natin ang Malasakit Center na nasa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital. Nagbigay tayo ng libreng lugaw sa mga pasyente at frontliners sa ospital at iba pang tulong tulad ng bisikleta at sapatos. Bilang Vice Chair ng Senate Finance Committee, naisulong rin nating mapondohan ang mga dagdag na pasilidad sa ospital noong nakaraang mga taon. Nagpapasalamat tayo sa local government sa pangunguna nina Governor Yshmael Sali, Mayor Jimuel Que at ilan pang opisyal dahil sa kanilang mainit na pagtanggap sa atin sa isla. 


Matapos ito ay bumiyahe tayo sa Davao City para daluhan ang isinagawang Basic Orientation Course ng mga Barangay Newly Elected Officials ng Lupon, Davao Oriental.


Pagkatapos ay naging guest speaker tayo sa 15th Mindanao Island Conference Fellowship Dinner ng Provincial Board Members League of the Philippines na ginanap sa Dusit Thani Hotel. Iba-iba man ang aming posisyon sa gobyerno, iisa ang aming hangarin na makapaglingkod sa bayan at sa mga nangangailangan. 


Personal din tayong naghatid ng tulong para sa 200 naging biktima ng insidente ng sunog sa Barangay Cupang, Muntinlupa City noong March 6. Nakatanggap din ang mga ito ng tulong mula sa NHA upang maipaayos ang kanilang mga bahay. 


Kahapon, March 8, ay nasa Davao Occidental tayo at sinaksihan naman ang paglulunsad ng ika-160 Malasakit Center sa Davao Occidental General Hospital.


Personal din nating pinangunahan ang pagkakaloob ng tulong sa 220 residente ng Malita na ang kabuhayan ay naapektuhan ng bagyong Paeng. Nakatanggap din ang mga ito ng tulong mula sa national government. Dumalo rin tayo sa ginanap na Provincial Youth Summit kung saan nagsama-sama ang 105 Sangguniang Kabataan chairpersons ng Davao Occidental. 


Dinaluhan rin ng aking opisina ang groundbreaking ceremony ng Super Health Center sa Brgy. San Simon, Cagayan de Oro City kung saan namahagi rin tayo ng ilang food packs para sa mga residente doon.


Ang aking Malasakit Team naman ang naghatid ng tulong para sa iba pa nating kababayan na naging biktima rin ng magkakahiwalay na insidente ng sunog gaya ng 29 residente ng Barangay Panacan, Davao City; 456 sa Brgy. 310, Sta. Cruz, Maynila; 37 sa Coron, Palawan; at 54 sa Brgy. Tinago, Cebu City. Bukod pa rito ang mga nasunugan na nakatanggap ng tulong mula sa aking opisina at sa NHA gaya ng 26 sa Butuan City; at 135 sa Brgy. Tatalon, Quezon City. 


Bukod sa mga nasunugan, hindi natin kinaligtaan ang mga kababayan nating ang kabuhayan ay naapektuhan ng nakaraang mga bagyo kabilang ang halos 200 sa Jose Abad Santos, at 218 sa Don Marcelino, mga lugar sa Davao Occidental; 22 sa Tarragona, at isa sa Lupon, mga lugar sa Davao Oriental; at 32 sa Sarangani, Davao Occidental.


Nakatanggap din ang mga ito ng tulong mula sa NHA.


Natulungan din natin, kasama ang The Pioneer Group of Senior Citizens, ang 220 residente ng Brgy. 598, Sta Mesa, Maynila na nawalan ng hanapbuhay. Nabigyan din ang mga ito ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Nagkaloob din tayo ng dagdag na tulong sa halos isang libong mahihirap na residente ng Gapan City, Nueva Ecija katuwang si Cong. GP Padiernos; at higit 5,000 sa Malabon City katuwang sina Mayor Jeannie Sandoval at Vice Mayor Ninong dela Cruz.


Sa ating paghahatid ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan saan mang sulok ng ating bansa sila naroroon ay inabutan din tayo ng lindol, putok ng bulkan, buhawi, bagyo, baha at sunog. Wala pong nakapipigil sa ating pagseserbisyo at pinupuntahan ng opisina ko iyan para makatulong sa abot ng aming makakaya, makapagsulong ng mga proyekto’t programang magpapaunlad sa lugar, mapakinggan ang kanilang mga hinaing, at makapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati.


Bisyo ko na ang magserbisyo kaya patuloy akong magseserbisyo sa inyo. Naniniwala rin ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo iyan sa Panginoon. 


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Marso 6, 2024

 

Mula nang mag-umpisa tayong magtrabaho sa gobyerno at hanggang ngayon na senador na ako ay patuloy na pinaninindigan po natin ang ating mithiin sa ating mga kababayang Pilipino -- lalo na ang mga mahihirap, hopeless, helpless at walang malalapitan maliban sa pamahalaan -- na kahit nasaang sulok kayo ng Pilipinas, tutulong ako sa abot ng aking makakaya basta kaya ng aking katawan at panahon. 


Umabot na ako ng Batanes, Aparri hanggang Jolo; inabutan din tayo ng lindol, putok ng bulkan, buhawi, bagyo, baha, sunog at sinisikap naming makatulong sa abot ng aming makakaya para rin makapag-iwan ng ngiti sa oras ng kanilang pagdadalamhati. Sa katunayan, nagsagawa kami ng serye ng pamamahagi ng tulong para sa 2,377 residente sa malayong isla ng Calayan Island sa Cagayan mula February 29 hanggang March 1.


Importante rin para sa atin bilang tayo ang Chair ng Senate Committee on Health na mailapit ang serbisyong medikal sa mga malalayong lugar sa bansa. Pinasinayaan na noong February 29 ang Besao District Hospital sa Besao, Mountain Province, isang proyektong napondohan sa ating pamamagitan bilang tayo rin ang Vice Chair ng Finance Committee. Kapag naitayo ay hindi na bibiyahe pa ang mga taga-Besao kapag kinailangan nilang magpaospital lalo na ang mga nasa kanayunan at maging ang kanilang mga karatig-lugar. Kasabay nito ay nagkaroon na rin ng groundbreaking ang itatayong Besao Super Health Center kung saan puwede silang agad magpakonsulta, manganak, iba pang emergency at pangunahing serbisyong medikal. Paraan ito para ilapit ang gobyerno sa tao lalo na pagdating sa kanilang kalusugan. 


Prayoridad natin ang kalusugan ng bawat Pilipino kaya patuloy rin tayo sa pagsiguro na maimplementa nang maayos ang Malasakit Centers Law. Brainchild natin ang programang ito at na-institutionalize sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na tayo ang principal author at sponsor sa Senado. Sa datos ng DOH ay mayroon na tayo ngayong 159 Malasakit Center sa buong bansa at nahatiran na ng serbisyo ang mahigit 10 milyong Pilipino. 


Kaya ineengganyo ko ang lahat na kung kailangan ninyo ng tulong medikal ay lumapit lang kayo sa alinmang Malasakit Center na malapit sa inyo dahil para sa inyo iyan.


Lapitan n’yo lang ang Malasakit Center dahil para ito sa mga mahihirap at indigent Filipinos. Ingatan natin ang ating kalusugan. Laging tandaan na ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino.


Sa ilalim naman ng RA 11959 na tayo ang principal sponsor at isa sa may akda, itinatayo ang Regional Specialty Centers sa mga existing DOH regional hospitals sa buong bansa.


Hindi na rin kailangang bumiyahe ng mga pasyenteng may kanser, sakit sa puso, kidney baga, at iba pang karamdaman mula sa malalayong lugar patungo sa Metro Manila para magpagamot sa specialty hospitals. 


Walang malayo o malapit sa ating paghahatid ng serbisyo. Kahapon, March 5, ay nasa Quezon province tayo kasama sina Governor Dra. Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Tayabas City Mayor Lovely Reynoso Pontioso, Vice Mayor Rosauro Quivido Dalida at iba pang mga opisyal, at sinaksihan ang groundbreaking ng itatayong Medical Arts Center building sa Southern Luzon Multispecialty Medical Center, isang ospital ng DOH.


Tayo rin ang principal sponsor ng RA 11702, o ang batas na naglalayong maipatayo ang ospital na ito. 


Matapos ito ay pinuntahan natin ang 200 na benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program ng gobyerno sa Quezon Convention Center. Nagbigay rin ang aking tanggapan ng dagdag na tulong sa kanila. Dumalo rin tayo sa ginanap na Sports Clinic sa Alcala Sports Complex sa Lucena City na inorganisa ng provincial government sa pangunguna ni Gov. Helen Tan, Mayor Mark Don Victor Alcala at Vice Mayor Dondon Alcala. Ang proyekto ay inisponsoran ng Philippine Sports Commission sa ating pamamagitan bilang Chair ng Senate Committee on Sports.


Bahagi rin ng aking paghahatid ng serbisyo kahit saang sulok ng bansa ang pagpapalaganap ng sports lalo na sa grassroots. Lagi kong hinihikayat ang mga komunidad na maglunsad at sumuporta sa mga sports programs. Ang sports ay paraan upang i-promote ang camaraderie, sportsmanship at disiplina sa mga kabataan habang mabisang panlaban rin ito kontra sa masasamang bisyo tulad ng ilegal na droga. Kaya madalas kong ipayo sa mga kabataan, to get into sports and stay away from drugs, to keep healthy and physically fit.


Nakapaghatid din ang aking Malasakit Team ng tulong para sa mga naging biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog gaya ng 55 residente ng Brgy. Balabag, Boracay Island, Aklan; 80 sa Brgy. Dadiangas West, General Santos City; 48 sa Brgy. Central, Mati City; at 31 pa sa Brgy. San Jose at Brgy. Dela Paz sa Antipolo City. 


Natulungan natin ang 214 nawalan ng hanapbuhay sa Damulog, Bukidnon, na nabigyan naman ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Nagbigay rin tayo ng dagdag na suporta sa 150 TESDA graduates katuwang ang Call Center Academy sa Lapu-Lapu City College.


Nagkaloob din tayo ng suporta sa ginanap na Provincial SK Federation Laguna Chapter-Leadership Congress sa imbitasyon ni Provincial Federation President Bhenj Felismino kung saan 681 SK presidents ang dumalo.


Isang malaking karangalan para sa akin bilang Mr. Malasakit na makapaglingkod sa inyong lahat dahil ang tangi kong bisyo ay ang magserbisyo. Ang aking paglapit sa inyo nasaan man kayo sa ating bansa ay isang patunay ng aking taos-pusong hangarin na kayo ay matulungan sa abot ng aking makakaya -- nasaan man kayong sulok ng bansa. 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 

ni Bong Go @Bisyo Magserbisyo | Marso 2, 2024


Sa obserbasyon ng Fire Prevention Month ngayong Marso, muli po tayong nagpapaalala sa ating mga kababayan na maging maingat dahil mas mataas ang bilang ng insidente ng sunog ngayong tag-init. 


Ginagawa ng ating pamahalaan ang lahat ng pagsisikap para matiyak na mayroon tayong matatag na mga mekanismo para mapigilan ang mga insidente ng sunog sa mga komunidad. Ang ating Bureau of Fire Protection ay sumasailalim sa modernization program alinsunod sa Republic Act No. 11589, o ang BFP Modernization Act, na tayo ang pangunahing may-akda at isa sa mga nag-co-sponsor.


Itinatakda ng RA 11589 na ang BFP ay sasailalim sa ten-year modernization program upang higit na mapalakas ang kakayahan nito sa pagtugon sa mga insidente ng sunog sa pamamagitan ng dagdag na mga tauhan, mga bagong kagamitan, specialized training para sa mga bumbero, at marami pang iba. Inaatasan din ang BFP na magsagawa ng monthly fire prevention awareness campaigns and information drives katuwang ang DILG at local government units para maturuan ang mga komunidad kung paano makaiiwas na masunugan. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng kawani ng BFP sa kanilang mga sakripisyo upang proteksyunan ang bawat Pilipino.


Sa pag-iikot ko sa buong bansa, nakita ko talaga ang importansya ng pagpapalakas ng ating fire prevention campaigns. Kada buwan, ilang komunidad ang ating binibisita upang makapagbigay ng tulong sa abot ng aking makakaya. Saksi ako sa hinagpis na nararamdaman ng mga biktima ng sunog. Kapag may isang bahay na nasunog, damay ang mga kapitbahay. Kaya hiling ko sa ating mga kababayan na maging maingat at mapagmatyag sa mga posibleng pagmulan ng sunog gaya ng kandila, lutuan, hindi maayos na linya ng kuryente, depektibong kasangkapan, upos ng sigarilyo at iba pa.


Bukod sa fire prevention, patuloy ang ating dedikasyon na matulungan ang mga biktima ng sunog sa abot ng ating makakaya. Ngayong linggong ito ay nakapaghatid ng tulong at suporta ang aking Malasakit Team sa mga kababayan nating naging biktima ng magkakahiwalay na insidente ng sunog kabilang ang 73 residente ng Brgy. Niog, Bacoor City, Cavite; 54 sa Tumana, Marikina City; at 78 sa Brgy. 34-D, Poblacion District, Davao City.Natulungan din ang iba pang nasunugan noon kabilang ang 31 sa Brgy. Tejero, Cebu City; 52 sa Brgy. Vergara, Mandaluyong City; at 38 sa Dasmariñas City, Cavite na makabangon muli. Nakatanggap ang mga ito ng ayuda mula sa National Housing Authority sa ilalim ng programang ating isinulong noon para may pambili sila ng pako, yero, semento at iba pang materyales sa pagtatayong muli ng kanilang tahanan.


Bukod sa nasunugan, patuloy rin tayo sa pagtulong sa mga binagyo noon na sinisikap na makabangon muli tulad ng 2,377 sa Calayan Island sa Cagayan. Kahit napakalayo, sinadya naming mapuntahan sila ng aming tanggapan upang makatulong at mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa kanila tulad ng housing assistance mula NHA.


Ako naman ay personal na pumunta sa Pasig City noong February 28 kasama si Senator Ronald dela Rosa sa paanyaya ni Senator Francis Tolentino para pangunahan ang pagkakaloob ng tulong para sa 600 mahihirap na residente ng lungsod. May hiwalay ding tulong ang ating tanggapan sa mga benepisyaryo.


Kinagabihan ay dumalo tayo bilang isa sa tagapagsalita sa ginanap na fellowship dinner ng League of Municipalities of the Philippines 2024 General Assembly sa Pasay City, sa paanyaya ni Mayor JB Bernos, ang LMP National President. Pinahalagahan ko ang aming iisang layunin bilang mga lingkod bayan na pagsilbihan ang komunidad at unahin ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan lalo na ang mahihirap.


Nasa Davao City naman tayo noong February 29 at nag-inspeksyon sa itinayong Multipurpose Hall kasama sina Brgy. Capt. Jerry Licarte, mga Brgy. Kagawad at ang mga City Councilors na sina Cheche Justol-Baguilod, Al Ryan Alejandre at Diosdado Mahipus, Jr. Sinaksihan din natin ang turnover ng isang unit ng multipurpose vehicle at isang unit ng mini dump truck. Matapos ito ay sinaksihan din natin ang turnover at pagbabasbas sa Multipurpose Hall sa San Jose Village. Ang mga naturang proyekto ay natulungan nating mapondohan bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance.


Guest speaker naman tayo at pinangunahan ang panunumpa ng mga opisyal ng Philippine Association of Water Districts, Inc. kasabay ng kanilang 45th National Convention na ginanap sa SMX Lanang, Davao City sa imbitasyon ni Convention Chair Ed Bangayan. Dito natin pinasalamatan ang grupo at pinahalagahan ang importansya ng sapat at malinis na supply ng tubig sa komunidad.


Masaya ko ring ibinabalita na sa araw na ito ay sinimulan nang itayo ang Besao (Mountain Province) Super Health Center na sinaksihan ng aking tanggapan kasama si Mayor Bryne Bacwaden. Nagkaroon na rin ng groundbreaking ang itatayong Besao District Hospital — na natulungan nating mapondohan sa ating kapasidad bilang Chair ng Senate Committee on Health at Vice Chair ng Senate Committee on Finance.


Natulungan natin ang 217 residente ng Kibawe, Bukidnon na nawalan ng hanapbuhay kasama si Mayor Jimboy Rabanes. Nabigyan din sila ng DOLE ng pansamantalang trabaho. Namahagi naman tayo ng mga damit sa mga mahihirap sa Paete, Laguna kasabay ng tulong mula sa national government kasama si Mayor Ronald Cosico.


Muli tayong nagpapaalala sa ating mga kababayan na maging maingat upang makaiwas sa anumang aksidente tulad ng sunog. Tandaan natin na ang gamit ay nabibili. Ang pera ay kikitain, subalit ang perang kikitain ay hindi nabibili ang buhay. A lost life is a lost life forever. Kaya pangalagaan natin ang buhay na ibinigay sa atin ng Panginoon.


Patuloy na magseserbisyo sa inyo ang inyong Mr. Malasakit sa abot ng aking makakaya dahil bisyo ko ang magserbisyo, at ako ay naniniwala na ang serbisyo sa tao ay serbisyo iyan sa Diyos.


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page