top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

AKTRES AT BF NA MALAPIT NANG MAGPAKASAL, EXPECTED NANG SA HIWALAYAN DIN MAUUWI DAHIL SA UGALI NG GIRL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 9, 2020



BLIND ITEM:


Ngayon pa lang ay marami na ang nagpupustahang miron kung tatagal ba ang pagsasama ng magkarelasyong aktres at businessman na malapit nang magpakasal. At matutuloy ba ang kasal at hindi magba-back out ang bride sa last minute?


Kung matutuloy naman ang kasal, magandang excuse ito ng bride-to-be na aktres dahil ramdam na ang unti-unting paglamig ng kanyang career. Marami nang mas bata, mas sariwa, mas maganda at sexy na puwedeng pumalit sa kanyang trono.


Hindi na siya puwedeng mag-demand ng mas mataas na talent fee at pambidang role. Kumukupas na ang kanyang karisma. Iba na ang pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan.


Nasasabi lang na popular siya ngayon dahil sa kanyang charitable works. Kapag nag-asawa na ang dating seksing aktres, tiyak na bababa na ang kanyang premium.


Pinagdududahan din kung nagbago na ang aktres sa dati niyang ugali kaya walang tumagal sa mga una niyang nakarelasyon. Hindi raw siya uubra sa lalaking kanyang pakakasalan dahil mukhang astig ito at hindi magiging sunud-sunuran lang sa kanya.


Well, ang verdict ng marami, maghihiwalay din ang showbiz couple matuloy man ang kanilang kasal dahil magkakalabasan na sila ng kanilang mga tunay na ugali.

 
 

MORENANG SINGER, INGGIT MUCH SA BFF NA SIKAT NA SINGER, NAG-OBER DA BAKOD DIN SA NETWORK PARA MAG-LEVEL UP, NALAOS NAMAN

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 8, 2020



BLIND ITEM:


Bilog ang mundo. Ito ang kasabihan ng ilang taong galit at nanggigigil sa isang morenang singer.


Nakaranas lang ng kakarampot na kasikatan ang morenang singer dahil nag-hit ang una niyang single, bigla nang nagbago at lumaki ang ulo nito, lalo na nang madikit siya at naging BFF ang sikat na singer-actress.


Lagi siyang nakakabit sa palda ng sikat na singer-actress dahil naisasama siya sa mga shows at concerts ng kanyang BFF. Mistula nga siyang "rah-rah girl" ng sikat na singer-actress. Kaya nang lumipat ng network ang kanyang BFF, sumunod din siya para magkaroon ng exposure.


Kung tutuusin, may lugar naman siya sa dating network kung saan siya nagsimula. Nabibigyan din siya ng exposure at TV guestings.


Pero iba rin kasi ang kanyang ambisyon. Gusto niyang maki-level sa ibang sikat na singers na kasama sa isang malaking musical show. Gusto niyang magpakitang-gilas at mapansin din ng mga kapwa singers.


Kaso ngayon, ngangey na ang karera ng morenang singer na masyadong nagmadali at naghangad na pantayan ang kasikatan ng BFF niyang singer-actress.

 
 

PROBLEMADO SA BIYENAN NA SUPER-PAKIALAMERA PATI SA PAGPAPALAKI NILA SA MGA ANAK NG MISIS NA AKTRES

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 6, 2020



BLIND ITEM:


Sa mga unang taon pa lamang ng pagsasama ng isang sikat na showbiz couple ay problemado na ang actor-tv host sa kanyang mother-in-law na tipong nakikialam sa pamamalakad ng kanilang pamilya. Pati na ang pagdidisiplina sa kanilang mga anak at sa pagpili ng kasambahay ay umeeksena rin ang biyenan niyang babae.


Pero sa point of view naman ng aktres na misis ng actor-tv host ay walang masama kung nagbibigay ng parenting advice at nagmamalasakit ang kanyang mother dear.


Ganunpaman, may pagkakataon na kontra ang aktor sa pakikialam ng kanyang mother-in-law. Pareho naman daw na nasa tamang edad na sila ng kanyang misis at may sarili silang diskarte at house rules para sa mga anak nila. Gusto naman nilang gampanan ang kanilang obligasyon as parents.


Naging problema rin ng misis ng aktor ang pag-eksena ng kanyang mommy sa kanilang pamilya. Minsan ay pinagtatalunan na nilang mag-asawa ang sitwasyon.


Hindi naman magawang diretsahin ng aktor-tv host ang kanyang mother-in-law. Ang premyadong aktres ang naiipit ngayon sa pagitan ng kanyang mister at mommy dearest na may pagka-sensitive pa naman.


Sino ang kanyang kakampihan? Mabait naman at responsible husband ang aktor-tv host. Marespeto ito sa kanyang mother-in-law. Ayaw lang niya na may nakikialam sa pagdidisiplina niya sa kanilang mga anak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page