top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

FEMALE CELEB, PRIMADONNA, MAY SARILING MUNDO AT WA' PAKISAMA KAYA ISINUSUKA NG MGA MISMONG STAFF NG SHOW

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 27, 2020



BLIND ITEM:


Dahil sa Covid pandemic, tiyak na may malaking pagbabago at realization sa buhay ang nagkakaedad nang female celebrity. Dati-rati kasi, grabe siyang maka-demand sa mga kumukuha sa kanya sa pelikula at tv show. May attitude ito at astang prima donna kapag nasa set o taping.


Kinaiinisan na siyang makasama-makatrabaho ng ilang staff ng isang show dahil mareklamo at gusto ay laging may VIP treatment sa kanya.


Marami rin ang nakakapansin na wala siyang circle of friends dahil may sarili siyang mundo. Feeling niya ay super-sikat pa siya ngayon.


Kung tutuusin nga, wala siyang gaanong fans dahil may imahe siyang masungit at walang PR. Pasalamat na lang na may isa pa siyang show na natitira na noon ay nameligro ring matigok dahil sa dami ng staff na nagrereklamo sa kanyang masamang ugali.


Hindi kaya nararamdaman ng nagkakaedad na female celebrity na lumalamig na ang kanyang career at hindi na siya makakapag-demand ng mataas na talent fee sakaling may kukuha pa sa kanya?


Sa totoo lang, kahit na mag-exit na siya sa showbiz ay walang manghihinayang sa kanya.

 
 

SIKAT NA KOMEDYANTE, LAGING BINABARA ANG CO-STAR SA SHOW NA COMEDIENNE-HOST DAHIL PRIMA DONNA AT PABIDA, TSINUGI NG MGA BOSSING

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 25, 2020



BLIND ITEM:


Noong unang magkasama sa isang show ang sikat na comedienne-host at magaling na komedyante ay maraming natuwa-naaliw sa kanilang tandem. Swak na swak kasi sila at may chemistry. Kaya naman, tinangkilik ng mga viewers ang kanilang show na tumagal nang ilang season sa ere.


Cute na cute kasing panoorin ang kanilang pagkukulitan at pagbibiruan on-cam. Marami rin ang nagsasabing bagay na bagay sila sakaling mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.


Kung pagbabasehan sa kanilang status sa showbiz, mas feeling big star ang comedienne-tv host. Nagbida na kasi ang komedyana sa ilang pelikula at may ilang tv shows na ring hinawakan.


Pero ang magaling na comedian naman ay sikat din at may regular tv show, plus nakalabas na rin sa ilang pelikula, bukod sa nagso-show ito abroad.


Mabiro lang talaga ang male comedian at madalas na binabara-bara at sinosopla ang pa-star na comedienne na kasama niya sa show.


Kaso, may pagkapikon din pala ang comedienne-host kaya dumating sa punto na hindi na niya masakyan ang sutil na komedyante. Nagulat na lang ang mga televiewers nang biglang nag-disappear sa show ang talented at masayahing comedian. Mas pinaboran daw ng production ang feelingerang comedienne.


Pero may ibang bersiyon naman ang kampo ng comedian. Hindi na raw nito natagalan ang pagiging primadonna ng comedienne-host na ang gusto ay siya ang laging bida at napapansin. Ayaw ng komedyana na may kahati sa atensiyon at kakumpitensiya. Para silang aso't pusa na laging nag-aaway.


Kaya mula noon, wala nang umaasa pa na mapagsasama sa anumang show ang comedienne at ang magaling na komedyante.

 
 

SEXY STAR, NAGING MILYONARYA DAHIL SA MGA RICH PAPA, NAUBOS DIN DAHIL SANDALAN NG MGA UTOL, MAY BISYO PA ANG MADIR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 22, 2020



BLIND ITEM:


Noong bata, sariwa at sexy pa ang female star, talagang marami ang nabaliw sa kanyang alindog at kagandahan. Mala-porselana at flawless pa naman ang kanyang kutis.


May nakarelasyon siyang artista, pulitiko, businessman at mga dirty old man. Talagang gumastos sila nang malaki makuha lang ang sikat na sexy star.


Pero wise ang sexy star dahil nagsiguro siya sa kanyang buhay. Nag-ipon siya at nagpundar ng mga properties upang hindi madehado kapag siya ay pinagsawaan na ng mga lalaking nakakarelasyon niya.


Milyonarya na nga siya kung tutuusin dahil bukod sa datung ay binigyan din siya ng sariling negosyo ng kanyang mga richie-richie papa.


Ang problema lang ni sexy star ay ang kanyang pamilya na sa kanya lahat nakasandal at nakadepende. Naging malaking problema rin ni sexy star ang kanyang mudra na pasaway at nagbibisyo pa. Pati ang mga branded bags atbp. niyang gamit ay patagong kinukuha at ibinebenta ng kanyang nanay kapag kailangan ng pera.


Milyon din ang ginastos ni sexy star nang tubusin ang kanyang ina nang masabit sa malaking kontrobersiya.


Off-cam ay hindi mo iisipin na martir ang sexy star. Naitatago niya ang kanyang mga problema sa likod ng kanyang halakhak at pagko-comedy.


Ngayon ay hindi na nagpapa-sexy ang female star dahil nag-asawa na at may anak na rin. Namumuhay na lang siya nang simple at tahimik abroad. Hindi na niya pinanghinayangan ang milyun-milyon na nawala sa kanya dahil nakatulong naman siya sa kanyang pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page