top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

PARENTS NG YOUNG ACTRESS, TODO-TUTOL NOON SA LASENGGO NIYANG BF, NATANGGAP DIN, PABOR NA 'DI SA EX NA CHICKBOY NAKASAL

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 3, 2020



BLIND ITEM:


"Mother knows best."


Ito ang dapat daw tandaan kapag pumipili ng lalaking makakasama sa buhay. At tama naman na gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na babae upang masiguradong hindi magkakamali sa pagpili.


Naalala tuloy namin ang love story ng petite na young actress na na-in love sa matalinong politician na mas may-edad sa kanya. Tinutulan ng parents ni young actress ang relasyon nila. Marami kasi silang nababalitaang nega sa pulitiko, chickboy daw ito at lasenggo.


Pero wala silang nagawa dahil hindi magawang hiwalayan ng young actress ang BF na pulitiko. Sinuway ni young actress ang utos ng kanyang parents at nagpakasal pa rin sa sikat at matalinong pulitiko.


Naging mabait at responsableng asawa naman ang pulitiko. Napatunayan ng partidos ni young actress na hindi totoo ang mga paninira sa kanyang mister. Nakita nilang masaya ang anak at mahal na mahal ng lalaking pinakasalan.


Ngayon, tanggap na tanggap na ng mga kamag-anak ni young actress ang politician na dati ay kanilang inaayawan. Napunta naman kasi sa mas maganda at stable na kalagayan ang petite na aktres.


Naging good influence ang pulitiko sa dating spoiled brat na young actress. Mabuti na lang daw at hindi ang chickboy na dramatic actor ang nakatuluyan nito.

 
 

AKTRES, NAG-INGAY NANG LOKOHIN NG MISTER, LUMAMBOT NA NANG MAHIMASMASAN AT TOGETHER AGAIN, SECRET LANG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 1, 2020



Blind item:


Matapos mag-ingay noon sa natuklasang pagtataksil ng kanyang mister, bigla na lang nanahimik at ayaw nang pag-usapan pa ng magaling na aktres ang status ng relasyon nila ngayon ng kanyang estranged husband.


Balitang hindi na itinuloy ng aktres ang pagsasampa ng kaso sa mister alang-alang sa kanilang mga anak. At mukhang napakiusapan din daw ito ng kanyang mga in-laws na mabait naman sa kanya.


Ang guessing game ngayon ay kung nagkabalikan na ang aktres at ang kanyang mister pero inililihim lang nila sa publiko. Good catch kasi ang mister ng magaling na aktres dahil bukod sa guwapo ay maganda ang trabaho, super rich pa ang pamilya.


Besides, mukhang lumambot na rin ang puso ng aktres at binigyan ng second chance na magbago ang kanyang husband.


Sabi naman ng ilang nakapaligid sa aktres, press release lang ang lagi nitong sinasabi sa media na hindi niya inaalisan ng karapatan sa kanilang mga anak ang kanyang asawa, kaya nakikita pa ring kasama ng mga anak niya.


Pero may ilang malapit sa aktres ang nagsasabing mukhang may balikan ngang nangyari. Hindi kasi nag-e-entertain ng mga suitors ang aktres. Tiyak na mahihirapan na siyang makatagpo ng lalaking taglay ang mga katangian ng kanyang mister.

 
 

TISOY NA AKTOR, NILAIT AT INAYAWAN NOON NG MADIR NG YOUNG ACTRESS, SUPER-SIKAT NA, ANAK ANG NALAOS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 30, 2020



Blind item:


Magsisi man ngayon ang mommy ng young actress sa ginawa niyang paghamak sa young actor na dating katambal ng anak ay hindi na niya maibabalik pa ang panahon.


Ang young actor na inayawan niya para sa kanyang pretty daughter ay super-sikat na ngayon. At ang young actress naman ay halos hindi na umusad ang career simula nang hindi na sila pinagtambal ng poging young actor.


Maraming nakasaksi noon sa ginawang panlalait ng mommy ng young actress sa baguhang young actor. Mas gusto kasi niya ang isang matangkad na young actor para sa kanyang anak.


Hindi naman dinamdam ng tisoy na young actor ang pangmemenos sa kanya ng mahaderang mudra, sa halip, mas pinagbuti niya ang kanyang trabaho.


Hindi nagtagal ay gumanda ang takbo ng career ng tisoy na young actor at itinambal sa isang phenomenal na young actress. Sobrang nag-click ang kanilang tambalan at naging idolo ng kabataan.


Dumating sa tamang panahon ang suwerte ng tisoy na young actor! At ang dati niyang kapareha ay nawalan na ng kinang ang career dahil sa mapanghamak na madir.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page