top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

SINGER-ACTRESS NA PA-SWEET NOON, SINUMPONG NA NAMAN NG TOPAK KAYA TODO-SAWSAW AT BANAT SA GOBYERNO

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 9, 2020



BLIND ITEM:


Labis na ikinagulat ng mga netizens ang biglang pag-iingay ng sikat na actress-singer na kaliwa't kanan ang banat ngayon sa isyu ng gobyerno at lipunan. Para siyang makabagong Gabriela Silang na kuda nang kuda sa mga nakikita niyang pagkakamali at kakulangan ng ilang ahensiya ng gobyerno, maging ng ilang mambabatas.


Kulang na lang ay sumama siya sa mga aktibistang nagra-rally sa kalsada.


Hindi naman daw ganito dati ang sikat na actress-singer. May pagka-sweet ang kanyang imahe at ang prayoridad ay mapagbuti ang kanyang pagiging aktres.


Nakapareha na niya ang ilang sikat na aktor sa pelikula. Marami rin siyang loyal fans na nagtatanggol-sumusuporta sa kanya. Masasabing asset siya ng kanyang network kaya magaganda ang ibinibigay sa kanyang project.


Pero, ngayong may Covid pandemic, biglang-bigla ay nagbago nga ang aura ng sikat na actress-singer. Parang may ibang espiritung sumanib sa kanya at naging nega siya.


Sabi naman ng ilang nakakakilala sa kanya, baka sumumpong-bumalik na naman ang pagiging OC niya kaya naging palaban ngayon. Lilipas din naman ang kakaibang mood swings ng magaling na actress-singer at matatahimik na ito sa piling ng BF niyang magaling na aktor.

 
 

FEMALE CELEBRITY, NAKATUNOG NA SASABOG NA ANG MALAKING ISKANDALO NIYA, INUNAHAN NA KAYA NANANAKOT

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 7, 2020



BLIND ITEM:


Reverse psychology daw ang ginamit ng isang female celebrity nang biglang lumitaw ang isang maiskandalong isyu sa kanya na pinagpipistahan ngayon ng maraming sektor sa lipunan.


Todo-tanggol naman ang mga tagahanga ni female celebrity dahil wholesome ang image ng kanilang idolo at hindi kailanman gagawa ng mga bagay na ikasisira ng kanyang reputasyon.

Sadyang may ilang kampo lang na gustong ibagsak ang female celebrity at dungisan ang kanyang pangalan. Sumusumpa ang female celebrity na ni sa panaginip ay hindi niya kayang gawin ang ibinibintang sa kanya.

Pero, may mga nagsasabi na may hawak silang matibay na ebidensiya na tiyak na ikatatahimik ng female celebrity kapag kanilang inilabas. Mas matindi pa raw ito sa unang iskandalo ng female celebrity.

Maaaring natunugan na ito ng female celebrity kaya kumilos na ito at gumawa ng diskarte upang takutin ang mga nagbabantang may mas malaking pasabog silang ilalabas.

Ang tanong, matakot naman kaya ang mga taong may alam sa itinatagong sikreto ng female celebrity? Tiyak na siya ang talo kapag kumalat na ang mas malaking pasabog na iskandalo!


Abangan!

 
 

TV HOST-DANCER, NAHAWA SA BISITANG ASYMPTOMATIC, COVID POSITIVE NA RIN

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 7, 2020



BLIND ITEM:


Nag-aalala ang character actor na partner ng kilalang TV host/dancer dahil positibo siya sa Covid-19.

Nasa iisang bahay lang sila kasama ang mga anak nila kaya isa rin ito sa mga inaalala ng character actor dahil nga bata pa ang mga anak nila, pero nakahiwalay naman ng kuwarto ang TV host-dancer.

Mabuti na lang daw nu’ng nakaramdam ng sama ng pakiramdam ang TV host/dancer ay kaagad siyang nagpa-swab test at positibo nga pero asymptomatic naman kaya puwedeng mag-self-quarantine sa bahay nila.

Bukod-tanging ang character actor ang nakakapasok sa kuwarto ng partner pero naka-complete PPE siya with face mask at face shield.

Ang naiisip lang ng mag-partner ay may dumating silang bisita na posibleng asymptomatic din.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umiigi na ang pakiramdam ng TV host/dancer.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page