top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

BEAUTY QUEEN, WAIS, INIWAN ANG SHOWBIZ PARA SA MULTI-MILLIONAIRE BUSINESSMAN, HERMES COLLECTIONS NI JINKEE, TAOB!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 13, 2020



BLIND ITEM:


Hindi pinagsisihan ng isang beauty queen-actress ang pagtalikod sa kanyang showbiz career nang umibig at maging karelasyon ng multi-millionaire businessman na hiwalay sa asawa. Dahil sa mayamang karelasyon ay guminhawa nang husto ang kanyang buhay at nakatulong pa sa pamilya niya.


Mahal na mahal siya ng businessman kaya binigyan siya ng mala-mansion na bahay. Nakapag-travel na rin siya sa iba't ibang panig ng mundo. Lahat halos ng materyal na bagay ay ibinigay sa kanya ng mayamang karelasyon.


Mahilig sa branded bags ang beauty queen-actress at nakikita sa kanyang mga larawan sa social media na iba't iba ang kulay ng ginagamit niyang Hermes bags. Kinabog niya ang Hermes collection nina Jinkee Pacquiao at Heart Evangelista.


Naging maligaya naman ang beauty queen-actress sa piling ng rich businessman.

Nagkaroon sila ng dalawang anak. 'Yun nga lang, hindi siya maihantad ng kanyang karelasyon dahil buhay pa ang legal wife nito.


Open secret naman sa hanay ng alta-sosyedad ang affair ng beauty queen-actress at ng multi-millionaire businessman. Maraming naiinggit sa beauty queen dahil totoong minahal siya ng mayamang karelasyon. Kaya, walang sinuman ang kumokondena sa kanilang bawal na pagmamahalan na tumagal ng dalawang dekada!

 
 

BYUTI AT SIKAT NA AKTRES, SUWERTE SA CAREER AT LOVE LIFE PERO INSECURE DAHIL BOBO SA INGLES, TAMEME 'PAG INGLESERA ANG KAAWAY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 11, 2020



BLIND ITEM:


Maganda, sikat at marami pang endorsements ang isang aktres na napakasuwerte sa kanyang career at buhay-pag-ibig. Kaya, marami ang naiinggit sa kanya dahil halos lahat ng biyaya ay ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.


Mabait at guwapo ang kanyang mister kaya sobrang blessed ang maganda at sikat na aktres. Bibihira sa mga artista ngayon ang tagumpay na ang career ay masaya pa ang love life.


Pero feeling ng aktres ay may kulang pa rin sa kanyang buhay. May isang bagay pa rin siyang kinaiinsekyuran. May kakapusan pa rin siya sa isang bagay at feeling niya ay hinahamak siya at pinagtatawanan ng mga kasamahan niya sa showbiz.


Tapos naman sa pag-aaral at may kursong maipagmamalaki ang magandang aktres. Pero hindi siya komportable sa pagsasalita ng English. Bihirang-bihira siyang mag-English. Kahit sa mga interviews, hindi siya bumabanat kahit simpleng words lang. Parang naaasiwa siyang magsalita ng English kaya hindi siya babagay sa role na sosyal at sopistikada.


Kaya naman kung gusto siyang asarin ng mga artistang naiinggit at galit sa kanya, malalalim na English ang ginagamit kapag siya ay kinokompronta. 'Pag ganu'n daw kasi ang senaryo ay tumatahimik na lamang ang maganda at sikat na aktres.

 
 

KOMEDYANTE, MAGULO ANG UTAK, KUNG ANU-ANONG NEGOSYO ANG PINAPASOK, 'PAG NAGSAWA NA, SARADO AGAD

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 10, 2020



BLIND ITEM:


Matalino at madiskarte sa buhay ang isang comedian-tv host. Magaling siyang manghikayat ng tao dahil masayahin siya at idinadaan sa comedy ang lahat.


Marami nang pinasok na negosyo ang mabokang comedian-host. Mahilig siyang mag-buy and sell ng mga sasakyan. May negosyo rin siya na para sa mga kababaihan. Kung anu-anong franchise ng food business ang kanyang binibili at ginagawang negosyo.


Masipag naman ang comedian-host kung tutuusin. Lahat ng puwede niyang pagkakitaan ay kanyang pinapasok. Ayaw niyang may nasasayang na oras sa kanyang buhay. Hindi uso sa kanya ang magpahinga. Kaya basta may maisip siyang bagong negosyo, hindi niya pinalalagpas. Kahit hindi niya linya ang itinitinda ay sumasabak pa rin siya.


Hands-on sa pagnenegosyo ang comedian-host. Hindi niya ipinauubaya sa ibang tao ang anumang negosyo na kanyang pinapasok.


Ang isang bagay lang na setback ng comedian-host ay madali siyang magsawa sa kanyang negosyo. Kadalasan, isa o dalawang taon lang ang kanyang negosyo, tapos isinasara na niya at magpapalit na naman ng bago. Ganu'n kagulo ang takbo ng utak niya. Sa umpisa lang ng negosyo siya excited. Mabilis siyang magsawa at hindi magawang mag-focus sa isang negosyo lang.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page