top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

YOUNG ACTRESS, NIREGALUHAN NG 2 BAHAY NG LOVER NA MADATUNG NA DOM, BF NA AKTOR, PANG-FRONT LANG

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 17, 2020



BLIND ITEM:


Hindi pala ang guwapong aktor ang talagang karelasyon ngayon ng isang sikat na aktres. Ang galing-galing daw magtago ng sikreto ng kontrobersiyal na young actress. Pero sa hanay ng mga nasa alta-sosyedad, siya ang paboritong topic dahil alam ng mga ito ang kanyang sikreto.

Dala-dalawa ang bahay ng young actress sa isang exclusive subdivision ng mayayaman. Regalo raw 'yun sa kanya ng karelasyong super rich na businessman.

Ganu'n katindi ang karisma ng sikat na young actress sa may-edad niyang benefactor. Wala raw kamalay-malay ang aktor na nababalitang BF niya sa itinatagong sikreto nito.

At marami rin ang hindi makapaniwala na at her young age, papatol siya sa lalaking halos tatay na niya.

Pero likas na segurista at madiskarte ang young actress dahil kumuha siya ng rich benefactor na kanyang masasandalan. Stable na ang kanyang magiging future sakaling maging matumal na ang kita niya sa showbiz.

At wala siyang pakialam kung siya man ay pagtsismisan ng mga tao sa kanyang paligid. Matapang siya at hindi basta naaapektuhan. Kaya hindi maaasahan na aaminin niya sa publiko na may lover siyang DOM!

 
 

SIKAT AT SUPER RICH NA MAY-EDAD NANG FEMALE CELEB, NANGOLEKTA MUNA NG MGA GUWAPO BAGO PINAKASALAN NG PLAYBOY NA AKTOR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 16, 2020



BLIND ITEM:


Dahil kilalang-kilala sa linya ng kanyang trabaho ang may-edad nang female celebrity, hindi na nagtataka ang kanyang mga amiga kung bakit nakakakuha pa siya ng mga guwapo at batang karelasyon na karamihan ay mga artista.


Madatung kasi ang female celeb dahil bonggang-bongga ang kanyang negosyo. Puro kilala sa lipunan ang kanyang mga suki kaya parang tubig lang ang pasok ng kadatungan sa kanya.


Mahilig sa pogi at macho ang female celeb. Ang mga kasambahay niya mismo ang nagtsitsismis ng kanyang mga sikreto at escapades. Hindi lang niya ginagawang pang-display ang nakukuha niyang karelasyon. Madalas ay kasa-kasama na rin niya ang guy sa bahay — free board and lodging, at ipinamimili pa niya ng mga branded na gamit. At madalas ay kasama pa ng female celeb ang kanyang boy toy 'pag bumibiyahe siya abroad.


Ilang beses nagpalit ng BF ang may-edad na celeb. Hindi na siya pinipigilan ng kanyang mga anak dahil nakikita namang masaya siya sa kanyang love life.


Hanggang sa nakilala niya ang guwapo at matangkad na machong baguhang aktor. Dito na-in love nang todo-todo ang mayamang female celeb. 'Yun lang, may pagka-playboy ang guy at maraming kaagaw ang female celeb.


Pero dahil magiging maganda ang future ng baguhang aktor, ang rich na may-edad na female celeb ang kanyang pinili at pumayag na sila ay magpakasal!


Super-bongga ang kanilang kasal, at mukhang wala namang regrets ang guwapong aktor sa kanyang naging desisyon na makasama habambuhay ang may-edad nang celeb.

 
 

SIKAT NA AKTRES, SUPERHERO ANG IMAGE DAHIL MATULUNGIN PERO SALBAHE AT MALDITA, MGA TAONG TUMULONG PARA SUMIKAT, INAWAY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 14, 2020



BLIND ITEM:


Maraming pumupuri sa sikat na aktres dahil matulungin at laging nangunguna sa mga fundraising projects kapag may kalamidad sa bansa. 'Pag may isyung panlipunan, tiyak na maririnig din ang kanyang opinyon. Para siyang aktibista kapag may gustong iparating sa gobyerno.


Kung ang ibang artista ay tameme at ayaw makisawsaw sa mga isyu, ang sikat na aktres ay gustung-gusto ang atensiyon at publisidad na nakukuha sa pag-iingay at sa mga fundraising projects na ginagawa niya. Feel na feel niya ang pagiging superhero.


Pero ang mga nakakakilala sa tunay na ugali ng aktres ay nagsasabing puro “drama at palabas” lang ang ipinakikita niyang kabaitan. May dual personality daw ang sikat na aktres. Kung para sa iba ay mistulang anghel siya sa dami ng natulungan, ang mga nakakaalam at naging saksi sa "other side” niya ay nagsasabing salbahe ito at may nakatagong kamalditahan.


Nagawa niyang away-awayin ang mga taong tumulong sa kanyang career at nagpakapagod upang sumikat siya. Hindi man lang niya inirespeto at hindi rin siya nag-effort na humingi man lang ng tawad sa mga taong kanyang nasaktan.


Paano mo sasabihing mabait at mabuting tao ang sikat na aktres? Hindi niya kayang dayain ang kanyang sarili. Tiyak na hanggang ngayon ay sinusumbatan pa rin siya ng kanyang kunsensiya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page