top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

SIKAT NA CELEB, OBYUS NA 'DI HAPI AT SUPER-MAHAL ANG MISTER, TODO-THROWBACK SA MGA EX NA GUWAPO TUWING DEPRESSED

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 20, 2020



BLIND ITEM:


Labis na pinagtatakhan ng ilang showbiz observers kung bakit maraming hugot at panay ang emote ng isang famous female celebrity. Kahit saang aspeto kasi ng buhay ay napakasuwerte naman niya.


Bata pa ay mistulang prinsesa na ang female celeb dahil nakukuha niya ang mga bagay na para sa iba ay luho na. May kaya ang mga magulang ng female celeb. Maganda at malaki ang bahay nila sa isang exclusive subdivision. Magaganda ang kanyang mga gamit at de-kotse pa!


Nang pumasok si female celeb sa showbiz ay ginawang lahat ng kanyang maimpluwensiyang ama na mabigyan siya ng magagandang projects upang sumikat kaagad. Nakisosyo pa ang kanyang padir sa movie outfit na nag-aalaga sa career ng female celeb.


Sumikat naman siyang artista-singer-recording artist. Itinambal siya sa malalaki at sikat na aktor.


Ang weakness lang ng female celeb ay madali siyang ma-in love, lalo kapag guwapo! Sobra siyang magmahal ng kanyang karelasyon.


Pero, kung lucky in career, mukhang unlucky naman siya sa pag-ibig. Dumanas siya ng ilang failed relationships. Nakipaghiwalay siya sa unang lalaking pinakasalan. Sa mga sumunod na relasyon niya ay puro sakit ng loob din ang kanyang dinanas.


Pero dumating naman ang isang non-showbiz guy na kilala at respetado sa kanyang larangan. At dahil asset din naman ang lalaki dahil matalino, muli siyang nagpakasal!


Feeling ng malalapit na kaibigan ng famous celeb, hindi nito gaanong mahal ang non-showbiz guy na napangasawa. Sa ilang taon kasi ng kanilang pagsasama, kapag nade-depressed ang female personality ay naaalala pa rin niya ang masasayang araw niya sa piling ng kanyang mga ex-BFs. Panay ang pa-throwback niya sa mga nagdaang love life.

 
 

PABIDA AT SAWSAWERANG AKTRES, FEELING SUPERHERO SA PAGTULONG, BOKA LANG NAMAN ANG PUHUNAN AT 'DI NAGLALABAS NG SARILING PERA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 19, 2020



BLIND ITEM:


Pabibo at pabidang masyado ang isang aktres na hindi na masyadong aktibo sa pelikula ngayon. Lahat kasi ng kaganapan sa buhay ng kapwa artista na naging kaibigan niya ay gusto na siya ang mapansin at bigyan ng kredito. Palibhasa’y hindi siya masyadong abala ngayon sa kanyang showbiz career at kung anu-ano na lang isyu ang kanyang pinakikialaman.


Pero may ilang grupo na pabor sa kanyang pagiging matulungin at pagbibigay ng oras sa mga taong kanyang natutulungan. Kung ang ibang artista nga ay deadma at walang pakialam sa iba nilang kasamahan na may problema, ang sawsawerang aktres ay may oras laging sumaklolo at tumulong.


Nangunguna siya sa pagpa-fundraising sa sinumang artista na dapat tulungan. Kaya naman, may inggit factor na ang ilang artista sa kanya. Inaagaw daw kasi niya ang atensiyon ng lahat. Parang siya lang ang naghirap nang husto para makatulong sa mga kasamahang artista na may problema.


Eh, sa totoo lang, idinadaan lang ng sawsawerang aktres sa kanyang diskarte at boka ang lahat. Hindi naman siya naglalabas ng sarili niyang pera sa kanyang pagtulong.


Bagay na trabaho raw sa kanya ay maging campaign manager ng mga pulitiko. Mahu­say daw kasi siyang mang-eng­ganyo ng tao.


At kung saka-sakaling may puhunan na ang sawsawerang aktres, magbukas siya ng resto dahil sa hilig niyang kumain at magluto.

 
 

MORENANG AKTRES, TAKOT SA COVID, AYAW DAW LUMABAS, BUKING NA NAKIPAG-DATE LANG SA BF NA PLAYBOY NA DIREK

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 18, 2020



BLIND ITEM:


Maraming drama sa buhay ang isang morenang aktres. Takot daw siyang ma-Covid kaya ayaw na ayaw lumabas at ayaw tumanggap ng kahit anong project. Pero, nabuking naman siya na nakikipag-date sa BF na TV director sa isang resort na dinarayo ng mga celebrities.


Maraming rason ang morenang aktres kapag hindi niya type ang ino-offer sa kanyang project. Alam na alam ng mga malalapit niyang kaibigan ang ugali niya. Tamad-tamaran siya kapag in love at may BF. Ayaw niyang magtrabaho at gusto ay laging kasama ang boyfriend.


Maraming kaibigan ang nag-advise sa morenang aktres na huwag masyadong magtitiwala sa BF niyang direktor. Hindi niya deserve ang karelasyon dahil kilala itong chickboy at paasa. Tiyak na masasaktan lang siya dahil kapag may nakitang bago si direk, iiwan din siya sa ere tulad ng ginawa sa mga unang nakarelasyong taga-showbiz.


Pero mukhang may pagka-masokista ang morenang aktres at gustung-gustong nasasaktan sa larangan ng pag-ibig. Sanay na sanay na siyang iniiwan ng boyfriend. Feeling kasi ng aktres ay hindi naman siya trophy GF at hindi na rin siya umaasa na makakatagpo ng lalaking magpapakasal sa kanya!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page